Huli Na

17 2 1
                                    

"Kastilyo... mali ba ang magmahal?" tanong ko kay Castle noon habang kumakain ng bigay niyang sandwich.

"Hindi. Walang mali doon, ba't mo naitanong?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya at nagtanong lang ulit.

"Kahit ba may mahal narin yung taong minahal mo?"

"Hmm... wala paring mali dun Purple. Hindi natin mapipigilan to..." sabay turo nya sa dibdib niya "..kung sino ang gusto niyang mahalin at kung kanino siya tumibok. Kapag nagmahal 'to, wala kang magagawa." seryosong paliwanag niya.

Ngumisi ako doon sa narinig. Hah! Wala naman palang mali eh.

"Hoy Purple? Anong ngiti yan ah?" pagdududa niya.

"Wala!"

"May balak ka na namang gawin ano?" umiling lang ako saka nagpasyang umalis na.

"Kung mahal mo ang isang tao, hahayaan mo syang sumaya sa iba kung yun ang gusto nya. Yan ang tunay na pagmamahal Purple... pipiliin mo kung saan siya liligaya."

Napatigil ako dun sa pahabol niya at napakunot-noo.

"Ba't ko naman gagawin yun?!" mahinang bulong ko saka napairap sa kawalan at tuluyan ng umalis.

Ginawa ko ang lahat para mapansin ni Dark Eizekiel, ang taong nagpatibok ng puso ko, ang taong mahal ko na may mahal ding iba. Kahit na ganun, wala akong pakialam dahil mahal ko siya, dapat sa akin lang siya. Sabi nga ni Castle, walang mali sa pagmamahal.

Ngunit hindi iyon naging madali. Tinataboy ako ni Dark sa tuwing nilalapitan ko siya. MASAKIT, oo. Pero tiniis ko ang lahat ng iyon.

"Nagmpapaka-martyr ka ba ha Purple?! Hindi ka ba naawa sa sarili mo? Tinutulak mo ang sarili mo sa kanya pero siya??.. tinutulak ka palayo!! Hindi pa ba iyon sapat para tumigil ka?!" inis ko syang hinarap at nagsalita.

"Mahal ko siya Castle." madiin na utas ko.

"Ganoon ba? Kaya pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa kanya? Nakikinig ka ba sa mga payo ko sayo purple???!"

"Alam mo Castle hindi ka nakakatulong eh! At yang mga payo mo?... nakakasawang pakinggan! Kaya pwede ba?? Pabayaan mo na ako!"

Nagulat siya sa sinabi ko, maski ako, nagulat rin. Gayunpaman, hindi ko na binawi kung ano ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko mabasa ang ekspresyon nya at ang mga mata niya, hindi ko mabasa kung ano ang gustong iparating nito. Ilang sandaling pumaligid sa amin ang katahimikan bago siya nagsalita.

"Hindi mo na pala ako kailangan..." matipid siyang ngumiti at tumalikod. "Simula ngayon, hindi ka na makakarinig ng payo ko. Kung yan ang gusto mo."

Simula nga noon, hindi na ako nakakatanggap ng mga payo galing kay Castle. Na-guilty ako sa ginawa ko, ngunit hindi ko inalala yun at mas binigyang pansin nalang si Dark.

Isang araw, nalaman kong may kasintahan na siya na naging dahilan ng pagkalumo ko. Iniyakan ko siya buong gabi. Lagi akong nakatunganga simula nun.

"May problema ba Purple?" nag angat ako ng tingin at nakita ang nag aalalang mukha ni Castle.

Nagulat ako sa pagpansin nya sakin matapos ang ilang buwan. Yumuko lang ako bilang sagot at naramdaman ang mahigpit nyang yakap.

Naging malapit uli kami sa isa't isa. Pinipilit nya akong kalimutan na si Dark pero dahil matigas ang ulo ko, hindi ko siya pinapakinggan. Madalas niya rin akong pinapagalitan sa tuwing umiiyak ako dahil kay Dark. Ang tanga ko daw kasi... Natatawa nga ako sa tuwing sinasabi nya ang mga salitang yun. Alam kung nag aalala lang sya sakin.

Huli NaWhere stories live. Discover now