“I’m Margaux…” agarang sagot nito. Pakiramdam kasi ni Margaux ay may katungkulan ang kaharap nya. Dahandahan naman syang tumayo at pinagpagan ang suot nyang jeans at black sweater.

“Mitsuo… I’m Mitsuo… pumasok na muna tayo sa loob at doon nalang magusap…” suhestyon ni Mistuo na sinangayunan naman ni Margaux at hindi ni Tristan. Galit na umangil si Tristan para kasi sa pagkakaintindi nya ng gesture ay parang inaayang itong lumapit sa lalaki na sinangayunan naman ni Margaux para protectahan ang asawa kaya ang ginawa nya ay susugod na sana sya ng pigilan sya ni Margaux at bumulong ng—“Don’t leave me… please…” para isang magic na kumalma ang lobo at nanatiling walang kibo. Medyo nagulat pa si Delvin sa ikinilos nito at isa lang ang alam nyang dahilan. Epekto ito ng trauma ng kaibigan sa pagkawala ng unang minamahal.

Pansin na kasi agad ni Margaux ang bagbabago ng asawa noong gabi palang kaya tutal mahilig naman sya sa mga hayop lalong lalo na sa aso ay wala nang kaso sakanya iyon. Sumunod na lamang si Margaux nang maglakad na ang dalawa. Mas nauna na kasing umalis yung mga lalaking sa model ata aattend.

Pagkarating nila sa hardin ng palasyo ay namanghasi si Margaux sa kanyang nakikita. Biglang kumabog ang kanyang dibdib na para bang naguumapaw ito sa kasiyahan na hindi nya maipaliwanag kung bakit sya masaya. Ang buong paligid ay nakakarelax lalong lalo na ang hangin.

‘Nakakagaan sa kalooban ang hardin na ito…’ wika nya sa kanyang isipan at ninamnam ang bawat sandali nila sa hardin. Kita naman iyon ni Mitsuo at ramdam nito na komportableng komportable sya sa lugar na ito na lalo nya lang pinaghinalaan dahil na kahit na sobrang lamig ng bunsong kapatid ang hardin lamang ang ina nila ang puntahan nito upang kumalma.—“Do you like the garden?” hindi mapigilan ni Mitsuo na magtanong.

“Yeah… I like it… no… I mean no…” bawi agad ni Margaux na ikinakunot ng noo ng dalawa.

“I love it… I love the garden… the flowers, the trees, the wind and the relaxing sensation that it giving,” natahimik nalang si Mistuo sa narinig dahil yung sagot ng babae ay parehong pareho sa sagot ng nakababatang kapatid noong nabubuhay pa ito.

“Can I call you brother? Mitsuo?” hindi na nakatiis pa si Margaux na itanong ito sa lalaki dahil pakiramdam nya kasi ay napakaresponsableng tao nito. Hindi naman agad nakasagot si Mitsuo sa tanong ng babae ngunit nagawa nya nalang tumango.

Pagpasok nila sa loob ng bulwagan ay nagkakagulong ang maraming mga lobong katiwala lalo na ang mga nakatatanda. Nakuha agad nila ang atensyon ng lahat na ipinagtaka ng kararating lamang na mga tao.

Hindi parin makaget over si Margaux sa laki ng palasyo na akala nya sa ibang bansa lang nageexsist meron din pala sa Pilipinas nito na nasa katagutaguan lang nakatayo ngunit hindi alam ni Margaux na nasa ibang mundo na pala sya nang wala syang kaalam alam.

Para namang napaso ang lahat ng makita nila ang mga bagong dating lalong lalo na ang matandang mangkukulam sa hindi malamang kadahilanan. Lahat ng mga katiwalang lobo ng palasyo na may karangalan hanggang sa nakatataaas na lobo ay nagtipon tipon sa bulwagan.—“Anong nangyayari dito?” hindi na mapigilan pa ni Mitsuo na magtanong dahil sya bilang Alpha King ay wala naman syang pinaguutos na pagpupulong.—“May mahalagang sasabihin si Emelda, anak… napaka importante raw ito para sa ating lahat,” sagot ng ina nyang si Miyuki. Nagtaka man ay wala nang nagawa pa si Mituso at umupo nalang sa kanyang trono.

Nanatiling nakatayo si Margaux sa tabi ni Tristan na prinoprotektahan ang dalaga sa lahat ng mga lobong nasa loob ng bulwagan. Agad namang napansin ng mga kaibigan ni Delvin si Tristan na kakaiba. Agad nilang sinabi iyon sa ina nya na ikinatango lang dahil unang kita palang nya sa anak ay alam na nyang sya iyon dahil walang ina ang pwedeng magkamali sa anak. Nagulat pa nga sya nang makita nya ang kanyang daughter-in-law sa tabi ng anak. Hindi nya alam kung anong iniisip ni Tristan na dalhin ang asawang tao sa mundo nila.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ