Love Between Passion and Calmness

ابدأ من البداية
                                    

"Are you back for good? Dito ka na ulit?" Cal asked. 

I nodded. "Oo e. Inilipat ako ni Adam sa ibang project. Sa may Makati lang."

"Paano si doc?" Ngisi ni Calix. 

"Babalik  na daw s'ya sa ospital."

"Kailan naman naging kayo?"

"Last week lang. Sinagot ko na para bago kami bumalik dito. Dumaan na din muna kami sa hacienda para maipakilala kila Nanay."

Biglang tumitig nang seryoso si Calix sa akin. "Seryoso na talaga?"

Kumunot ang noo ko. "'Di ba ikaw na nga ang nagsabi na kailangan ko na mag move forward? Ito ako, Calix, naka-move on na. Seryoso ko kay Frigate."

Pinitik ni Calix ang noo ko. "Mahal mo na?"

Ngumiti ako at tumango. "Mahal ko s'ya, Calix. At masaya ako sa kanya." Seryosong sagot ko. 

Calix sighed. "Doktor nga. Magaling gumamot ng pusong sugatan."

Binatukan ko na s'ya sa korning banat n'ya. 

Masuyong ngumiti si Cal sa akin at niyakap ako. Humalik pa s'ya sa sentido ko. "I'm happy for you, Nueve. Hindi ka na mananatiling tigang."

Napasinghap ako at gigil na tinulak ko si Calix. Sinapak ko s'ya sa braso at saka minura. 

Humalakhak kaming dalawa at hindi pinansin na pinagtitinginan na kami ng ibang customers nila. 

"Gago!" Inis na singhal ko sa kanya. Hindi mawala ang ngisi sa mukha ko. 

"Mahal mo talaga? 'Di mo na mahal si Kuya?" Calix asked in a comical way. 

Nagseryoso ako at uminom na muna sa kape ko. Tumikhim ako at seryosng bumaling sa best friend ko. 

"Iba si Trey." Simula ko. "Iba 'yong pagmamahal ko sa kanya. Iba din si Frigate." 

Tumaas ang kilay ni Cal sa akin. "Pareho mo silang mahal?"

I nodded. "Loving Trey is like... passion. It's the kind that pushed me to the extremes. Extreme happiness, extreme pain. Extreme annoyance. Extreme pleasure. Basta 'yong mga pang sagaran." I sighed. "While loving Frigate is calmness. Loving him gives me sense of security and peace of mind." 

"Comfort zone." Cal smirked. "And you're choosing the safe one. Dull."

"No. I am choosing the one I can settle with. The one which I could grow with." 

Cal smiled. "I wish nothing but your happiness."

"Thank you." I smiled at him. 


Naging maayos naman ang pagbabalik ko ng Manila. Nakapag-adjust na din ako sa bagong site na napuntahan ko at maayos naman ang mga katrabaho ko. 

"Thank you for today." I smiled at Frig as I alighted his car. 

Frig closed the door of the front seat then smiled down at me. "Always welcome, Marron." 

We decided not to use any endearments. We're together for seven months now and everything is smooth between us. May mga oras na nagkakainisan kami pero naayos naman agad. He's a doctor and there are times he's busy, but I can cope up with that. 

Wala sa kalingkingan ng pagiging busy ng ex ko ang pagiging busy n'ya. Natawa na lang ako sa naisip ko. 

Iniangat ko ang kamay ko at hinaplos ang ilalim ng mata ni Frig. Mukhang pagod s'ya. Kakagaling n'ya lang sa thirteen-hour operation at pinilit pa na ituloy ang usapan naming dinner at inihatid pa ako.  

After Allحيث تعيش القصص. اكتشف الآن