Life is really unpredictable. Di mo alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw, buwan o taon. Katulad sa pagmamahal, di mo alam nagmamahal ka na pala sa taong di mo naiisip na mahuhulog ka.
Pero pano mo nga bang masasabing nagmamahal ka na? Pag nawala na siya? O pag nasasaktan ka na? Sana marunong mag warning ang mundo kung kailan ka masasaktan para naman nakapaghanda ako. But I guess that's just part of love, you can't love without hurting. At sa sakit nayon don tayo nakakakuha ng leksyon at natututo.
--------------
Mabilis kong ipinarada sa parking lot ng hotel ang kotseng sinasakyan ko. Pag daan ko sa lobby nakita ko ang receptionist na may kinakausap na guests. Ngumiti ang receptionist nang makita ako, I smiled at her too. Well, she's kind to me nung unang punta ko pa lang dito.
Pumasok na ako ng nasa harap na ko ng elevator and I press the 49th foor where his penthouse is located. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang papa akyat ang elevator.
Kinuha ko sa purse ko ang bagay kung bakit sobrang saya ko ngayon. It's a small white rectangular kit with two red lines. Yes it's a PT, and I'm four weeks pregnant by now. Kinumpirma ito ng doctor ng nagpa check up ako kanina. When the elevator opened, I immediately made my way out and walk to the door of his penthouse.
Kakatok na sana ng napansin kong hindi naka lock yung pinto. Bahagya akong sumilip sa naka awang na pinto and I saw my boyfriend's back Jack Verlance Venturano talking to a girl.
She's wearing a very tight black dress that emphasizing her curves. She has a straight black jet hair.
Hindi ko masyadong makita ang mukha ng babae dahil medyo natatakpan ito ng malaking likod ni lance.
Parang biglang bumigat yung pakiramdam ko sa nakikita ko ngayon.
" I told you lance sa akin parin talaga ang bagsak mo". Hinaplos nito ang umiigting na panga ni lance ng pabalik-balik.
"What are you talking about claire?" sabay pigil nito sa kamay. Claire? Claire Santos? What is she doing here? This bitch. I thought wala na silang communication ni lance.
" Oh c'mon lance, nakalimutan mo na ba? Di ba pumayag ka lang naman e girlfriend si georgina dahil pinaki usapan ka ng mga magulang niya na patinu in siya. Kasi nga sayo lang nakikinig yung babae na yon. Kasi nga pag naging kayo malamang lahat susundin nun para sayo, palibhasa patay na patay sayo. Atsaka di ba pa nga sabi mo hindi mo naman talaga siya mahal ? Sinabi mo yan sakin noon diba? At ngayong matino na siya, let's be together. I know you love me lance natatakot ka lang sabihin sakin dahil sa responsibilidad mo kay georgina. But don't worry I love you too lance matagal na".
Napatakip ako sa aking bibig. Halos hindi ako makahinga sa mga naririnig ko ngayon, parang mawawasak ang puso ko sa sakit. Fuck, totoo ba to? At ang parent's ko totoo bang sinabi nila ito kay lance? For what? Para patinu in ako? Ganun na ba talaga ako ka sutil na anak? Kung totoo man ang lahat ng to hindi ko yata kakayanin. And damn, sa sitwasyon pa nato ko malalaman ang lahat.
"Look claire, yes it's true na pinaki usapan nga ako ng parents ni george na patinu in siya. It's all damn true okay? And yes ginirlfriend ko lang siya para magtino na siya. At oo hindi ko siya mahal dahil malayong malayo siya standards ko pero---"
Hindi na pintapos ni claire na magsalita si lance. At hindi ko inasahan ang sunod na nangyari na sana hindi ko na lang tiningnan. Tumingkayad si claire at kumapit sa leeg ni lance.
Silence enveloped because of their kisses. Hindi ko alam na may ikakasakit pa pala tong nararamdaman ko ngayon kaysa kanina.
Nanghina bigla yung kamay ko at nabitawan ko yung PT na hawak ko sa sahig. Lumikha iyon ng ingay sa buong sala, sabay na lumingon sina claire at lance sa gawi ko na parehong gulat na gulat.
