Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako, nagising na lang ako sa halik ni Johansson sa gilid ng ulo ko.

"Thank you for raising her, I'm so proud of you..." bulong niya habang hinahaplos ang aking kamay

"Let's now raise her together." Tumango ako at hinarap siya pero dahil nakaupo si Lauren sa kandungan ko ay ulo lang ang kaya kong igalaw.

"I love you all this time, I waited for you for years. This time, I won't let you leave me kahit ano pa ang mangyari." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla na lang niyang nilapit ang kanyang mukha sa akin at hinalikan ako

Ang akala kong saglit na halik ay naging agresibo, he tilted his head to have more access on my lips. His hand is on my jaw and giving me the most sensual kiss. Napasinghap ako nang bigla niyang hinawakan ang bewang ko and when I felt his tongue wanting to play with mine, I died.

Tulog padin si Lauren nang nasa parking lot na kami sa exclusive condominium na tinutuluyan ni Johansson. Biglang nag-flash sa utak ko yung panahon na pumunta kami sa condo niya at doon nabuo si Lauren. Ngumuso ako at pilit na huwag ipahalata kay Johansson na may naisip ako na ganoon.

We entered into an exclusive lift, may kasama kami na dalawang guard habang yung isa naman ay nagpaiwan sa baba. Hindi na ako nagulat nang pindutin ang top floor.

Surprisingly, biglang nagising si Lauren pagkalabas namin ng lift. Pilit niyang bumaba sa karga ni Johansson at hinintay ang amang pagbuksan siya ng malaking pintuan.

"Is this your house, Daddy? It's huge!"

"Be careful, baby. You might break something." Sabi ko habang sinusundan siya. Hindi ko maiwasang mamangha rin sa interior ng penthouse.

Some of the furniture are made of wood which I bet were made by famous woodcrafters. There's a lot of art pieces that I hope Lauren won't touch because it screams millions. It looks spacious because of the high ceiling.

He was carrying Lauren while touring us to his penthouse, panay ang turo ni Lauren sa kung ano anong bagay na nakikita niya. Even the curtains are all automatic.

"This will be Mommy and Daddy's room?" narinig kong tanong ni Lauren habang pinagmamasdan ang malaking painting sa hallway.

"Yes baby and the next room will be yours so you can knock on us easily." Parang nanlaki ang tainga ko at gustong manghimasok sa usapan.

Nagpakita ako sa pintuan at agad na nagtama ang tingin naming ni Johansson, pinanliitan ko siya ng mata at ang mokong ay nakangisi lang sa akin habang pinapakita ang balcony at ang magandang view sa labas.

Inirapan ko siya kahit hindi niya naman kita, mamaya na lang naming pag-uusapan iyon dahil ayokong marinig ni Lauren at question-in kung bakit ayaw kong katabi matulog ang Daddy niya.

"Manang, nagpadeliver po ako ng pagkain. Dadating po kasi sina Mommy, pakiayos po agad sa dining area." Sabi ko at binigay ang bayad kay Manang at sinamahang magpasok ng mga gamit ang isa pa naming kasambahay na pinasunod ni Mommy dito para may kasama raw ako sa pag-aayos ng gamit.

"You like princess stuff, right? Next week your room will be finish but for now, is it okay for you to sleep with us?" nanlaki nanaman ang tainga ko at sinundan sila para marinig pa lalo ang usapan. Nasa sala sila ngayon, nakakandong si Lauren sakanya habang pinaglalaruan niya ang buhok neto.

Nakita ako ni Johansson na nakasilip kaya wala na akong nagawa kundi magpakita at lumapit sakanila. Hindi ko kinaya ang seryosong titig niya sa akin kaya nilipat ko na lang ang atensyon ko kay Lauren na pinaglalaruan ang bunny niya.

"Mommy, are we going to live here with Daddy? How about Mama and Dior? Lola and Lolo?"

"We will always visit them. Mama and Dior live nearby and they are with Papa Carreon now." Paliwanag ko kay Lauren at hinalikan siya sa noo.

"And we'll always invite them over so you and Dior can have sleepovers, is that okay with you baby?" her Daddy assures her until she's satisfied but I can still see in her face the longingness.

Iniwan ko sila sa living area para tulungan sina Manang sa mga pagkain nang biglang nag ring ang doorbell hudyat na nandyan na ang mga bisita.

"Is that Lola and Lolo?" napangiti ako sa ligaya ng tono ng anak ko. I hear their joyful exclaims for my daughter, lumabas ako ng kusina at nakitang kumpleto sila pero hindi ko inaasahan ang tatlong extra na tao na least expected kong makita sa araw na 'to.

"Tito Adam..."

Tila hindi ako narinig ni Tito Adam, nakatitig lang siya kay Lauren na masayang niyayakap sina Mommy. Lumapit ako at kinuha ang anak sakanila, binaba siya at hinarap sa dalawa nyang grandparents na ngayon niya palang makikilala.

"Lauren, bless to your Lolo Adam and... Lola Regina." Tumingala sa akin si Lauren, halatang nagtataka sa sinabi ko kaya lumuhod na si Johansson sa gilid niya at pinakilala ang kanyang magulang.

"Lauren, these are my parents, your lolo, lola and Tito..." masunurin namang nagmano si Lauren sa dalawa. Lumuhod si Tito Adam at niyakap ng mahigpit si Lauren.

"My apo is so beautiful..."

"Thank you po, Lolo. I got it from Mommy." Nagtawanan ang lahat sa inosenteng sagot ni Lauren.

"Naturuan." Sabi ni ate Xena at tumawa ulit sila. Umiling na lang ako at linipat ang tingin kay Tita Regina na lumuhod din para yakapin ang apo.

She's speechless but I can already sense her care for her granddaughter. Ang huling kita ko sakanya na mataray ay sobrang layo sa maamo niyang mukha ngayon.

Tumayo siya at inayos ang nagusot niyang dress at tumingin sa akin. She held my hand and lean towards me.

"I'm sorry for the past few years, Lauren. I learned from the hard way, I hope you can still forgive me."


Sorry for the super delay update, I just had my yearly examination and accountancy is a very difficult subject so please bare with me hehe and I also have my personal struggles but I will try my best to finish this story.

And oh, I forgot to tell you that St. Cloud State University: Venice is already published under Pop Fiction!!! 

For any updates and concerns, please contact me on twitter (@deliixxWP) or add me on facebook (Richell Deli-Deli)

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now