Kabanata 17

10.4K 371 8
                                    

Vote and Comment Guys :) and also, follow me on twitter (deliixxWP)


Kabanata 17

Tell Me

Hindi ako pumasok kinabukasan dahil may lakad di umano si Maxxine kaya naisipan ko na lang na manatili sa bahay at manuod ng kung ano-ano kesa sa pumasok at panoorin ang practice ng mag-isa.

Nasa sala lang ako buong maghapon, nanunuod ng American series kasama ang mga kasambahay, maagang umalis si Daddy para sakanyang trabaho habang si Mommy naman ay naghahanda para sa pagbisita niya sa condo ni Ate. Pinagluto pa namin s'ya ng paborito n'yang pagkain.

"Are you sure hindi mo bibisitahin ang Ate Xena mo?" tanong sa akin ni Mommy, umiling ako.

"'Wag na, Mom. We do Skype naman at may gagawin pa akong reports para sa Student Council." sabi ko, nagpaalam na s'ya sa akin at dala n'ya ang driver. Hinalikan ko s'ya sa pisngi at hinatid palabas ng bahay

"Sabay na po kayo sa akin, Manang." yaya ko kina Manang na hinahanda ang pagkain ko sa hapag kainan

"Naku, 'wag na ho. Pagkatapos n'yo na lang po kami kakain." sabi ni Mae, halos kaedad ko na anak ng dating katulong.

"Sus, ganoon rin naman. Kakain rin naman kayo, bakit hindi pa sabay? At ayokong kumain mag-isa, nakakalungkot." sabi ko at sa huli ay ako ang nasunod.

Pagkatapos kumain ay tumulong pa ako sa pagligpit ng mga pinagkainan.

"Naku, papagalitan po kami ni Ma'am n'yan." sabi ni Manang Lucy at pilit na kinukuha sa akin ang mga pinagligpitan kong pinggan

"Ngayon ko nga lang po ito nagagawa kaya hayaan n'yo na ako." sabi ko at mabilis na nilagay sa sink ang ilang pinggan.

Pumasok ako sa kwarto pagkatapos kumain at nagbasa ng libro. Kinamusta ko si Maxxine tungkol sa araw n'ya paati na rin ang mga kaibigan namin na nagpapractice sa school.

Maxxine Morales:

I'm with my cousins, yung taga-US. 'Wag kang ano d'yan!

Natawa ako sa reply ni Maxxine, hindi naman s'ya masyadong defensive huh?

Ako:

Uh-huh. Talaga lang ah? Siguraduhin mo lang huh? May kilala kasi akong mahilig umabsent sa practice.

Bianca Cabral:

Maagang natapos ang practice namin! Come here!

Ganoon rin ang laman ng message nina Karlie kaya tinanong ko kung bakit ko kelangang pumunta doon.

Bianca Cabral:

Basta, just go here! Mag t'treat daw si Nick!

At dahil curious ako kung anong nangyayari at paniguradong may magandang nangyari sa buhay ni Nick kaya s'ya manlilibre at gusto kong malaman iyon.

Naligo ako at nag suot ng black romper, I'm too tired to think of what should I wear kaya romper ang sinuot ko at sandals. I put some accessories para hindi masyadong plain ang suot ko. Umupo ako sa tapat ng vanity ko at tinignan ang mga makeup na binili nina Mommy at Ate sa akin.

Naglagay ako ng cream then foundation. Habang naglalagay ay naisip ko kung para saan at nag-aayos ako ngayon?

Umirap na lang ako sa sarili ko at pinagpatuloy ang ginagawa.

Dinala ko ang student's license ko dahil nasa mood akong mag-drive ngayon, it's too hot to commute at dala ni Mom ang driver.

Kinuha ko ang susi sa office ni Daddy at dumiretso na sa garahe para umalis na.

Miss Always Rank #2Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα