Sa huli ay hindi ko masabi, kumunot ang noo niya siguro napansin na hindi ko itutuloy ang dapat na sasabihin. He said that Tito Adam knows about it, for sure Tita Regina too?

Nilipat ko ang tingin sa aking anak pagkatapos ng matagal na titigan namin ng kanyang ama, is she ready for the new people? How about me? Ready ba ako Makita ulit si Tita Regina Johansson pagkatapos ng pakiusap niya noon?

She clearly doesn't want me to be her daughter-in-law pero heto ako ngayon, hindi man kinasal pero may anak na at itinago ng ilang taon. Para akong kinitilan ng hininga habang iniisip ang magiging unang interaskyon namin ni Tita Regina. I would expect her cold stare and smirk while asking me questions about my disappearance.

Tahimik at hindi na ako makaimik sa tawanan ng mga kaibigan ko nang nasa airport na kami, they all have cars waiting for them. Hinagod ko ang likod ni Lauren na mahimbing ang tulog sa bisig ni Johansson kahit na maingay ang mga kasama namin.

Camera flashes as we go out of the airport, we just wave at each other for our goodbyes because of all the paparazzi surrounding us.

"Mr. Johansson, ano pong masasabi niyo sa balibalita na anak sa labas si Sage Johansson?"

"Is it true about your daughter?"

"Bakit po ngayon lang?"

We have bodyguards and even airport guards to protect us from the media, mabilis ang lakad naming pero alam kong may ibibilis pa si Johansson pero mas pinili niyang umalalay sa likod ko hanggang sa pagbuksan kami ng itim na SUV.

Kinandong niya si Lauren habang ako naman ay tinitignan ang mga media na nakapaligid sa sasakyan, nagbabakasakaling ibaba ang bintana at pagbigyan sila sa mga tanong.

Nagkatinginan kami ni Johansson, bumugtong hininga siya at nilagay ang takas na buhok sa likod ng aking tenga. He looks so smitten in love as he diverts his attention on me, finding what's bothering me in this situation.

"Don't worry about it, I will fix this." Seryosong sabi niya habang masuyong nakatitig sa akin, parang sanay na sanay na siya sa mga media.

"It's okay, I kind of expect it." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko, ngumiti na lang ako para ipakita sakanyang ayos lang talaga ako

"How's Tita Regina? Does she... know?" maliit ang boses ko habang nakatingin sa labas, parang ayaw kong iparinig sakaniya ang bagay na matagal na bumabagabag sa isip ko.

Humigpit ang hawak ko sa aking bag nang napansing hindi siya sumagot. Doon palang alam ko na ang sagot, hindi ko siya matignan habang nasa gitna kami ng traffic. Siguro ay ayaw nyang pag-usapan ito sa harap ng bata, I understand.

"What are those, Mommy?" lumipat sa akin si Lauren at tinuro ang nasa labas. It's a houses full of unfortunate people, yung mga walang permanenteng tirahan.

"They are unfortunate people who have to work really hard to eat and live." Nakasimangot na tumango si Lauren habang pinagmamasdan ang nakahilerang mga bahay.

"Can we help them, Mommy? I have spare toys, I want to give it to them."

"We will. You also have to study hard so when you grow up you can share your blessings to them." Maligayang tumango si Lauren, niyakap ko siya at hinalikan sa ulo. Sobrang bata niya pa para maintindihan ang mga problema sa mundo pero isang fulfillment sa ina na makitang willing siyang tumulong sa murang edad.

Mahaba ang byahe kaya nakatulog si Lauren habang yakap-yakap ko, Johansson is busy talking to someone on his phone. Nang nagkatinginan kami ay ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

"This won't take long." Aniya at pinagpatuloy ang tawag. Tumango ako, naiintindihan ko namang busy siyang tao at ilang araw na rin siyang nawala.

I fell in love with him this way, kahit pa noon. I don't crave too much of his attention since he's providing it to me in his own way, nasa nature na niya ang pagiging workaholic at busy kaya I have to accept that fact about it.

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now