GIAN KYLE MARIANO

6.1K 76 0
                                    

Gian Kyle Robles Mariano, o mas kilala sa pangalang Kyle. Dalawamput-limang taong gulang na at kasulukuyang nagtatrabaho sa isang Telecommunications Company dito sa Pasig bilang isang site manager. Maglilimang taon na din akong nagtatrabaho dito buhat noong natanggap ako ilang buwan pagkatapos kong makapagtapos ng kolehiyo.

Dahil na din sa kagustuhan kong maayos ang estado ng pamumuhay namin ay hindi ako tumigil sa pagsusumikap makamit lang ang pinapangarap kong posisyon sa kasalukuyan.

Hanggang sa dumating ang isang magandang balita mula sa itaas na babago sa pangarap at lalong-lalo na pala sa buhay pag-ibig ko. Ang promotion na resulta ng walang humpay na dedikasyon ko sa trabaho. Ang promotion na magbubukas pala ng pintuan tungo sa bagong kabanata ng aking buhay pag-ibig.

Marahil ay nanawa na akong maghintay doon sa tamang taong darating sa buhay ko, buhat kasi noong matuklasan ko ang tungkol sa lihim na pagtataksil ng noo'y itinuring kong boyfriend na si Jacob ay naging mailap na ako sa mga nagpaparamdam.

Oo, tama nga ang narinig niyo, may boyfriend ako noon.

Batid ko sa sarili kong matagal ng alam ng lola at tiyahin ko ang tungkol sa kasarian ko. Aminado naman kasi ako sa sarili ko na malamya na ako noong ako'y musmos pa lamang. Ang siste lang, ay todo tanggi pa din ako sa lola at tiyahin ko sa tuwing napapadako dun ang usapan. Hindi ko man kasi direktang maamin sa kanila'y hindi ko maitatangging di nila ako naamoy lalo sa tuwing may dinadala akong mga piling bisita sa bahay.

Gayunpaman, ay wala akong narinig na ni isang puna mula sa kanila. Bagkus ay buo nila akong tinatanggap at tinuring na tunay anak.

Kung minsan ay mga pagkakataon na minsa'y dinadaan nalang nila sa biro ang tungkol sa usapin tungkol sa paghahanap ko ng lovelife dahilan para isipin ko na siguro nga ay tanggap na nila ako. Alam ko na di ko man ito maamin sa kanila darating din ang araw na masasabi ko ito sa kanila ng buong tapang. Tatatlo nalang kaming naiiwan sa bahay buhat noong ako'y maagang naulila ng aking ina. Lumaki akong uhaw sa aruga ng aking ama at ina. Sa edad na lima, ay kinitil ng sarili kong ina ang kanyang buhay dahil sa matinding hinagpis buhat nung iniwanan siya ng nangaliwa kong ama. Pagkatapos maihimlay ang ina ko'y basta nalang akong iniwan ng basagulero kung ama sa pangangalaga ng lola at tiyahin ko na siyang nagaruga sa akin.

Hindi tulad ng ibang bata ay maaga akong namulat sa kahirapan, ginising ako ng realidad na kahit kailan ay di ka mabubuhay hangga't di ka marunong magbanat ng buto. Sa sitwasyon ko, danas na danas ko ang mga mabibigat na gawain sa isdaang pagmamay-ari ng Tita Vangie ko sa palengke. Sa murang edad ay natutunan kong mamuhay ng sapat at walang luho. Bago at pagkatapos ko sa eskwela ay sa palengke kaagad ang diretso ko para magbantay ng pwesto. Paminsan ay mas lamang pa ang mga pagkakataong hindi na ako nakakapasok sa eskwelahan dahil na rin sa walang maaasahang tauhan na magbabantay sa pwesto.

Gayunpaman ay hindi ito naging hadlang para basta ko nalang sukuan ang pangarap ko na makapagtapos at marating ang rurok ng aking mga pangarap. Malakas ang paninindigan ko na kailangan kong makapagtapos para na rin masuklian ang lahat ng sakripisyo ng mga taong itinuring kong pangalawang magulang.

Sa kabila ng tinatamasa kong tagumpay sa kasalukuyang ay di pa rin ako kailanman nakaligtas sa mga panunuya nila tungkol sa aking buhay pag-ibig. Hindi ko rin kasi na matanggal sa kanila ang pag-aalala tungkol sa pag-aasawa ko na noon pa man ay hindi naman talaga pumasok sa isip ko. Kahit naman kasi noong nagkaroon ako ng boyfriend ay hindi ko naman kasi magawang ipakilala sa kanila sa takot ko na baka husgahan at itakwil lang nila ako. Ang isa pang dahilan ay noong nagkaroon naman ako ng lakas ng loon na ipakilala ko sa kanila ay nagkahiwalay na rin kami. Maagang natuldukan ang relasyon namin dahil sa isang babaeng nabuntis niya mula sa bahay-aliwan. Makailang-ulit niya din akong sinuyo pero sadyang hindi ko kayang tingnan ang anak niyang lalaki na walang nakagisnang ama.

Ito na rin marahil ang naging dahilan kung kaya buhat noon ay hindi na ako muling naghanap pa.

Hanggang sa dumating ang promotion na magdadala pala sa akin sa lugar kung saan ko makikilala ang mga taong muling magbubukas ng kamulatan ko sa pag-ibig. Ang lugar kung saan muli kong malalasap ang labis na kasiyahan. Ang lugar na kung saan makikilala ko ang taong tuluyang magpapabago sa masamang karanasan ko mula sa nakatipas. Ang lugar kung saan makikilala ko ang taong magtuturo sa akin na may halaga pa pala ang isang kagaya ko.

Mga Hiram na Sandali sa Piling ni Mamang Pulisحيث تعيش القصص. اكتشف الآن