PROLOGUE

18.7K 155 11
                                    

Magdidilim na ng marating ko ang school ni Yana marahil ay dahil sa nakaambang pagbagsak ng ulan mula sa makulimlim na kalangitan. Halos kalahating oras na akong huli sa noon sana'y alas-singkong sundo ng mga estudyante dahil sa matinding traffic sa daan at aberya sa opisina. Tuloy ay hindi matanggal sa dibdib ko ang pag-aalala na baka nainip na naman yung bata sa kakaantay sa akin.

Saktong 5:55 na ng hapon ng narating ko ang school ng bata, Pagkarating ko palang sa parking lot ng school ay hindi na rin ako nag-aksaya ng oras at kaagad na tinungo ang classroom ng nag-iisang anak ni Vincent. Ngunit laking pagtataka ko ng wala na akong naabutang Yana sa loob ng classroom. Nabigla ako sa naabutan ko, hindi naman ito yung unang pagkakataon na nasundo ko si Yana ng ganito kalate pero sa hindi ganitong eksena ang naaabutan ko, madalas kasing nadadatnan ko lang itong nagbabasa o di kaya naglalaro ng IPad sa desk niya habang nag-aantay sa akin tuwing nasusundo ko ito ng late. Bigla akong kinutuban ng masama at kaagad na nagtanong sa teacher neto.

"Teacher Jane si Yana po?" Bungad kong tanong sa teacher ng bata na noon ay mukhang nagliligpit na ng kanyang gamit.

"Naku Sir Kyle kakaalis lang ni Yana kasama yung Mommy niya. Hindi po ba nabanggit ni Mrs. Ferrer sa inyo sir?" Kaswal netong tugon sa akin na ikinabahala ko dahilan para agad-agad akong magpaalam dito.

"Ganun po ba? Baka nakalimutan lang ni Anne." Maang-maangan kong tugon dito.

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang bigat na nararamdaman ko sa dibdib noong mga sandaling iyon. Pilit kong hinagilap ang sarili ko sa di mawaring emosyon habang tinatahak ang mahabang pasilyo ng paaralan patungo sa nakaparada kong sasakyan. Biglang nanlabo ang mga mata ko dahil sa nangingilid at namumuo kong mga luha. Muli na namang nanariwa ang mga alaala noong araw na pinamukha sa akin ni Anne na hindi ako kayang panindigan ni Vincent.

Hanggang ngayon ay pinipilit ko pa ring pagtagpi-tagpiin ang nakalkal na namang mga pilat na idinulot sa akin ng tagpong yun sa tuwing napapadaan ito sa memorya ko at naririnig ko ang pangalan niya. Hanggang ngayon ay hindi ko lubos maisip kung ano na naman ang kailangan ni Anne sa mag-ama. Sa huling pagkakatanda ko kasi ganitong-ganito yung naging tagpo noon ng unang nangyari ang bigla niyang pagsulpot sa buhay ng mag-ama pagkatapos ng ilang taon na pagkawala at buhat noong naging kami ni Vincent. Noong bigla nalang din siyang lumitaw ng walang paabiso dahilan para magkaroon kami ng pagtatalo ni Vincent.

Mabilis akong naglakad papalayo at walang lingon-lingon, mas binilisan ko pa ang mga hakbang ko para maikubli mula sa mga nakakasalubong ko sa hallway ang namumuo kong mga luha. Hanggang sa hindi ko man lang namalayan na narating ko na pala ang parking lot. Kasabay ng marahan kong pagsara ng pinto ng sasakyan ay ang pagbuhos ng masaganang luha sa noon ay namumula ko ng mga pisngi. Paulit-ulit na rumehistro sa ulo ko ang mukha ni Anne. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din maiwasang itanong sa sarili ko kung paano nga ba ako nakakatagal sa setup namin ni Vincent.

Napayuko nalang akong humahagulgol sa manibela habang inaaalala ang lahat ng masasakit na salitang binitawan saken ni Anne buhat noong huli siyang nagpakita sa amin ni Vincent. Magpasahanggang ngayon ay tandang-tanda ko pa ang eksaktong linya na binitawan niya sa harap namin ni Vincent noong gabing yon na paulit-ulit na kumukutkot sa memorya ko.

"Kahit kailan ay hindi ka papanindigan ni Vincent bakla!! Umaasa ka pa rin bang magkakaroon ng bayag itong lalaking 'to na iharap ka sa pamilya niya at sa mga taong nakapaligid sa kanya at ipakilalang jowa ka niya. Huwag kang mag-ilusyon. Gumising ka sa katotohanan, lalaki pa din itong Vincent at kepyas pa din hahanapin neto sa huli."

Noong mga sandaling yun ay mas lalo kong hindi napigilan ang mga luha ko. Kung bakit ba sa dinadami-daming lalaki na dumating sa buhay ko ay nataon pa ako sa may sabit na kagaya ni Vincent. Sa dinami-daming dumaang matino at walang dalang extrang bagahe bakit sa kanya pa. Noon pa man ay alam ko na na darating ang araw na ito, pero ginusto ko pa ring pasukin ang mundo niya. Sa kabila ng ilang ulit na mga pangaral ng mga kaibigan at mga taong tumayo bilang magulang ko na putulin ang anumang ugnayan naming dalawa ay nanaig pa rin yung kahibangan ko sa kanya sa pagaakalang sa kanya ko mahahanap yung matagal ko ng pinangarap na pagmamahal.

Mga Hiram na Sandali sa Piling ni Mamang PulisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon