Krystel's PoV
It's seven in the morning kaya't heto, nag-aabang ako ng taxi na binook ko kanina pang mga alas-sais ng umaga dito sa labas ng apartment na tinutuluyan namin ng kapatid ko. Halos ilang minuto na rin akong nasa labas at nagsisimula na akong mainip. Paniguradong naipit iyon sa traffic dahil rush hour na at karamihan sa mga empleyadong katulad ko ay patungo na ngayon sa kanya-kanya naming kumpanya.
Bitbit ang isang malaking tote bag na naglalaman ng mga plano at personal shoulder bag ay nakasilong ako sa isang maliit na waiting shed dahil malakas ang buhos ng ulan. Isa ito sa mga pampa-stress at challenge sa mga kagaya ko na nagco-commute lamang papasok sa trabaho.
The struggles of employees like me.
At sa hindi inaasahang masamang pangyayari ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong naliligo sa maputik na tubig mula sa kalsada. I screamed sa walanghiyang driver ng isang black SUV na humaharurot sa kalsada na naging sanhi ng pagkabasa ko.
Nakakabwiset! Kailangan ko pa tuloy magbihis.
Padabog akong bumalik sa loob ng apartment para makapaligong muli at magbihis ng panibagong damit. Kapag talaga dumating iyong sasakyan at naiwan ako naku! Sana naman ay magtagal pa ng kaunti iyong taxi.
Pasalamat talaga iyong hinayupak na driver na iyon dahil waterproof ang lalagyan ko ng mga plano na ipapasa ko sa boss ko.
Matapos ang pagmamadali ko ay lumabas agad ako at nakita ang kapaparada lamang na taxi. Dali dali akong sumakay doon at sinabi kung saan ako pupunta.
C.G. Corporation. Isa sa pinaka-sikat na kumpanya sa malaking syudad na ito. Isa din ito sa pinakamataas na building with its well-known architectural design. At isa na ako sa mga swerteng Civil Engineers na nakapasa sa series of interviews sa isang division ng company na iyon.
Ten minutes before my time ako nakarating sa kumpanya kaya't agad akong nag-abot ng bayad. Hindi na ako nag-abalang kuhain ang sukli dahil ito na yata ang last warning ko kung magkakataon na male-late ako. Nasa fifth floor pa ang office na kinabibilangan ko kaya't patakbo akong umakyat sa hagdan. I hate elevators.
Thank God umabot ako sa time!
Hingal na hingal akong sumalampak sa upuan ko. Kita ko rin ang supervisor ko na masamang nakatingin sa akin dahil kamuntikan-Oh my gosh! My call time was five minutes before the actual time! I am definitely late!
Napatayo ako pagkalapit ng masungit kong supervisor na mukhang pinaglihi sa sama ng loob. Napangiwi ako sa naisip ko na lalonv ikinakunot ng noo ng babaeng kaharap ko. Great Krys.
"On my office." Sabi nito sa akin at tumalikod. Uupo na sana ulit ako dahil hinihingal pa ako ngunit parang nalaman nito ang plano ko dahil bigla itong sumigaw. "Now!"
Mabilis akong sumunod sa kanya papasok sa sarili nitong office. Ang mga ka-opisina ko naman ay nakatingin lang sa amin habang ang mga kaibigan ko ay nagtatawanan sa kani-kanilang upuan. I stuck my tongue out na nakita naman ni Engr. Agila. Nabigyan ko tuloy ito ng isang malawak na ngiti tapos nagpeace sign pa ako. Tinarakan niya ako ng mata at tumalikod na ulit sa akin habang ako naman ay bumaling ulit sa mga kabardada ko at nagkibit-balikat.
We all know very well ang pag-uugali ni Engr. Aguila. At tanggap naman namin iyon dahil alam namin na sa kanya lahat mapupunta ang sisi at siya lahat ang tatanggap ng mga masasakit na salita mula sa mga big boss namin. Lalong lalo na kung ang the great Cyrus Gabriel Reyes III ang makakaharap niya. That handsome guy is a freaking perfectionist, cold-hearted and for the overall description is a devil. At ngayon ay nasa hell kaming lahat dahil temporarily ay ito ang tumatayong President ng C.G. Corporation.
YOU ARE READING
Getting a Bachelor Series #1: Cyrus Gabriel Reyes III
RomanceThis is a stand-alone short novel that belonged to a series GETTING A BACHELOR. This is the author's first series. Do not copy or reproduce this novel.
