Ano na ba ang susunod na gagawin ko Pagkatapos ng unang pagpapalitan namin ng salita ni Sylvia?
Gusto kong kausapin si zedric ngunit may pumipigil sa akin,gusto kong sabihin kAy Zandro ngunit Hindi ko masabi Sabi sa kadahilanang baka hindi Niya ako paniwalaan at higit sa lahat gusto kong kausapin si Tita Elena at Tito Manuel tungkol sa nangyayari ngunit Hindi ko din magawa.
Alas singko y Medya ng umaga ay gumayak na siya para bisitahin ang puntod ng kanyang mommy at daddy,
"Hindi kana ba mag-aalmusal iha? -Tanong ng kanyang Mamang
"Hindi na mang, sa shop na lang siguro. Sige po Aalis na ako, miss na miss ko na kasi sila mang. -naluluhang saad Niya
"Naiintindihan ko iha, nitong nakaraang Araw mukhang wala ka sa sarili anak. Nandito lang ako ha? Huwag Mong kalimutan iyan, Kung hindi mo na kaya iyang dinadala mo nandito lang ako para sa iyo handang makinig at pangaralan ka.
"Salamat po mang, kayo na lang po natitira sa akin. Sana po huwag niyo akong iwan.
"Hindi kita iiwan ano kaba. Sabihan mo lang ako anak kapag handa kanang ikwento ang lahat sa akin.
"Opo mang, siya nga po pala Kung pupunta si Zandro sabihin niyo po'ng umalis na ako ng maaga.
"Mukhang May di pagkakaunawan kayo, Kung ano man iyan ayusin niyo na bago pa kayong magsisi Pareho sa hinaharap.
"Salamat po. Aalis na po ako.
Yung Araw na pumunta si Sylvia sa shop, hinintay ko lang na dumating sina Daryl at Betty ay nagpaalam na agad akong umalis at nagkulong sa kwarto ko. Hindi ko na hinintay si Zandro na sunduin ako o babain siya Nung pumunta ito sakanila.
Hindi Niya rin sinasagot ang Mga text at tawag nito sa kanya, kahit Ayaw niyang magpa-apekto o mag-padala sa emosyon ngunit Hindi Niya kaya dahil paulit ulit na nagre-replay sa kanyang utak ang Mga sinabi ni Sylvia sa kanya.
Sabi ko nga Nung una nadadaan sa matinong usapan ang lahat pero pagdating sa akin hindi ko man lang kayang kausapin si Zandro o harapin siya. Parang ako pa ang may ginawang kasalan at guilty sa nangyari.
Alas sais ng nakarating siya ng sementeryo, bago siya bumaba ng kotse ay kinuha Niya Muna ang kandila at bulaklak sa May likuran ng kanyang sasakyan.
Pagka upo Niya pa lang ay Dali Dali ng lumandas ang kanyang Mga luha na kanina pa gustong bumuhos.
"Mommy, daddy miss na miss na miss ko na po kayo. -she said in between tears
"Hindi ko na po alam ang gagawin ko, alam niyo naman po'ng mahina ako pagdating sa away. Mahina ako para ipagtanggol ang sarili ko at mahina ako pagdating sa pagmamahal. Napakarami po'ng Mga Tanong na lumalangoy sa isip ko at wala akong nakukuhang sagot, sana po ay gabayan ninyo ako sa magiging desisyon ko at bigyan niyo po ako ng Lakas na loob para maharap ang kinasasangkutan kong situation ngayon.
Mahigit isang Oras din siyang nagtagal, Pagkatapos niyang magasindi ng kandila at ayusin ang bulaklak ay nagpaalam na din siyang umalis.
NASA daan siya na siya pabalik ng may namataan siyang simbahan ilang bloke lang ang layo sa sementeryo, kaya itinabi Niya ang sasakyan at nagpasyang Dumaan para magdasal.
"Diyos ko, alam ko po'ng ngayon niyo na lang uli ako nakita sa Bahay ninyo at Pasensya na po Kung ngayon lang uli ako naka bisita magka Gayon pa man Hinding Hindi naman po kayo nawawala sa puso't isipan ko panginoon. -taimtim niyang dasal
"Sana po bigyan niyo pa ako ng Lakas ng loob, maraming Pasensya at gabayan niyo po ako sa bawat desisyon na gagawin ko. Nagpapasalamat po ako sa inyo na kahit wala na si mommy at daddy ay hindi niyo ako pinabayaan at binigyan niyo po sa Amin si Mamang para alagaan ako at punan ang espasyo na Iniwan ni mommy at daddy.
YOU ARE READING
The Promise (Completed) 2
RomancePromises are meant to be broken, It is more likely to be true. That is so usual that we are being promised of something but are being broken if it's not intentionally made to be broken. Do we really think before making a promise?
