XV

31 6 4
                                    


The house was in chaos. Ilang araw ng naririndi si Damien sa sigawan ni Celeste at ng kanyang ama gabi-gabi. Napakasakit rin sa tenga ang walang sawang pag-iyak ng babae sa hapag-kainan tuwing umaga. Ayaw niya mang sumabay sa mga ito dahil wala naman na ang kanyang ina sa lamesa, pinakiusapan siya ng ina na sumabay pa rin at siguraduhin na kumakain siya tuwing umaga.

Celeste was crying all her tears out. Mababakas ang kakulangan sa tulog at ang pag-iyak nito magdamag.

"Baka naman busy lang sa trabaho, Mommy," pang-aalo ng anak nito na sarap na sarap sa pagkain.

"Oo nga naman. Iniwan niya ang asawa niya para sayo. Siguradong hindi siya basta basta aatras sa kasal. Baka pagod lang," pag-alo rin ng Donya. Mababakas sa mukha ng Donya na hindi siya kumportable sa sitwasyon.

Hindi umuwi si Homer kagabi. Noong mga nakaraang gabi ay pinag-aawayan ng dalawa ang tungkol sa sekretarya raw ng kanyang ama. At noong huling pag-aaway ng mga ito ay mukhang umaatras na sa kasal ang kanyang ama.

'What guarantee does she have when she only stole that man from another woman?'  bulong ni Damien sa sarili.

Pagkatapos kumain ay agad siyang tumayo at dumiretso na palabas. Walang paki-alam sa mga kasama niya sa hapag.

Medyo marami siyang nakaligtaan na gawain kaya busy si Damien maghapon. May mga assignments at lecture siya na pinag-aralan at ipinasa. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya si Ysabelle, kasama ang hindi niya kilalang lalaki.

Magkasama ang dalawa ng recess at kahit noong lunch. Hindi iyon pinansin ni Damien pero hindi rin niya mapigilan ang sarili na tumingin parati sa pwesto ng dalaga.

Isang linggo lang siya nawala pero parang marami ang nagbago. Marami siyang nakaligtaan. Parang sobramg rami ng nangyari.

Sakay na si Damien ng sasakyan at kabubuhay niya lang ng makina ng sasakyan nang mamataan niya na naman si Ysabelle at ang lalaking kasama nito. Isang tawag sa sariling telepono ang nakakuha ng pansin ni Damien.

Ito ang abogado niya at sekretarya na rin.

"Good afternoon, Sir."

"Hmm?" tugon niya rito. Nang muling tingnan niya ang direksiyon ni Ysabelle ay wala na ang mga ito doon.

"The workers from Santa Clara  was asking for a petition," ramdam ang kaba sa boses nito.

"For what?"

"Unknown deaths keeps on happening,Sir. They want to get their salary and move out. If that happens, mauubos ang tao sa Santa Clara and the business will obviously--"

"--Fall" pagdugsong ni Damien sa sinasabi nito.

"But! But it is a great opportunity for you too. If you solve this problem, you will get their trust. At baka sayo pa mapunta ang lahat ng ari-arian niyo sa Santa Clara. All we need to do is go there and find the source of the problem."

--------

"Don Damien, pinapatawag na po kayo sa hapag," naputol ang pag-iimpake ni Damien ng marinig ang boses ni Ysabelle sa labas. Ilang saglit siyang natigilan at nakatingin lang sa mga damit na nakaayos na sa maleta.

"Okay," lang ang naisagot ni Damien. Pinakiramdaman niya kung umalis na ba ang dalaga pero mukhang hindi pa. Naririnig pa rin ni Damien ang hinga nito at ang pag-aalinlangan na parang may nais pa itong sabihin.

Makalipas ang ilang minuto ay umalis rin si Ysabelle na wala ng iba pang sinabi. Huminga muna ng malalim si Damien bago nagpatuloy sa pag-iimpake.

Hindi mawala sa isip niya ang lamig sa boses nito. It seems like it wasn't the Ysabelle he used to know. The girl with lots of confidence, a poker face, and a warm heart. That Ysabelle is missing. She sounds shy, unsure, and .. less confident.

"Don Damien, nasa labas na po si Sir Hans."

Walang emosyon na sumakay si Damien sa sasakyan. Nag-bow pa muna ang sekretarya niya bago pinatakbo ang sasakyan.

The ride was long, dark, and silent.

Mas malayo sa sibilisasyon ang Santa Clara. Mas magubat ang daan at iilan pa lang ang sementado.

Hindi natulog si Damien sa byahe. He likes dark. Gustong-gusto niya ang tumititig sa dilim at maghintay na para bang may lalabas mula roon. He crave to see one. One of those scary and dangerous creatures they say live in the forest.

"Sir, nandito na po tayo," iyon ang nakakuha ng atensyon ni Damien. Agad niyang sinilip ang harapan ng sasakyan upang makita ang kanilang tutuluyan pansamantala.

Isang maliit na bahay. Pawid ang dingding at bubong  nito. Damien wasn't really expecting much kasi alam niya na outdated ang mga bahay rito. Outdated kahit ang mga tao, that's why they were able to fool them for the lowly products they made. Pero hindi niya in-expect na ganito ka-outdated ang bahay. He clearly heard Hans when he said that it was the most fine and well-built house in this nayon.

He's not prepared to get beaten by some insects.

"Do they even have electric fan here?" natanong ni Damien sa sarili.

"And Sir, someone will accompany us as we stay here," nakangiting saad sa kanya ni Hans. Proud na proud pa ito na para bang napaka-laking bagay niyon.

Hans motioned his hands inside and so they entered.

Hindi sementado ang loob ng bahay, may kahoy na sala at may maliit na ilaw sa gitna ng kabahayan. Inaya siya ni Hans papunta sa kuwarto na tutuluyan niya. Kinailangan niyang umakyat sa isang makipot na hagdanang kahoy. Sa bawat paghakbang niya ay ang paglangitngit ng kahoy dahil sa kanyang bigat at labis ang ginhawa ni Damien ng makatawid siya sa hagdanan ng hindi iyon nasisira.

He never experienced sleeping on the cold floor or in any bed na matigas but it seems like he has to experience that now.

"Hindi ba pwedeng sa sasakyan na lang ako matulog?" baling niya kay Hans. Hitsura pa lang ng papag, siguradong mananakit na ang likod niya kinabukasan.

"Hindi kayo sanay matulog ng nakaupo, hindi po ba?" magalang na sagot nito sa kanya.

"At hindi rin ako sanay matulog sa matigas. Hindi mo ba 'yon alam?"

Napalunok ng maraming beses si Hans.

"May comforter naman po akong dala, Don Damien. Kung sa sasakyan po kasi kayo matutulog at gagamit kayo ng aircon magdamag, mauubos po ang gasolina natin. Wala pong gasolinahan rito."

"Damn."

Mabilis na inilatag ni Hans ang comforter at inayos ang kanyang hihigaan. Pansin niya ang bahagyang panginginig nito at pagkataranta pagkatapos ay nag-bow ito sa kanya at mukhang hindi na gumamit ng hagdan sa pagmamadali at tumalon na pababa.

Pinakiramdaman muna ni Damien ang matigas na higaan. Napabuntong-hininga siya.

"Damn."

At nagpilit makatulog.


-------

AN: Sorry for the super late update. Naging super busy sa school. The photo in the media was the house in Santa Clara.

I promise for an update tonight or tomorrow. Love you all 💕💕💕

The New Era of BloodsWhere stories live. Discover now