Mas lalong lumakas ang tunog ng violin na mas lalong nagpasakit ng ulo ko. Para bang binibiyak ito.

"M-make it stop! Ahhh!" sabi ko habang dumadaing at nakahawak sa ulo ko

"Stop what zach?" tanong nila

"The music! Make it stop! Make it stop!! AHHH!!" sigaw ko habang patindi ng patindi ang sakit ng ulo ko

"Pero wala naman kaming naririnig zach! Please! Tell us! Ano ba talagang nangyayari?! Nasan na ba si raven?!" nagpapanic na sabi ni lia

"AAAHHHHH!!" sigaw ko at tuluyan ng nagdilim ang paningin ko. Narinig ko na lang ang pagsigaw nila lia sa pangalan ko.

"ZACH!!"

UNTI-UNTI kong dinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang hindi pamilyar na silid.

"Zach? Are you okay? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong nila lia na nakalapit na pala sakin. Nilibot ko ang tingin para hanapin si akisha.

"Where's akisha? Why she's not here?" tanong ko at nakita kong nanigas sila sa sinabi ko kaya bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Is there something wrong? May nangyari ba kay akisha?" nag-aalala kong tanong

"Zach kailangan mo munang magpahinga" sabi ni chloe na halatang iniiwasan na sagutin ang tanong ko

"Just answer me damn it! Where is akisha?! Tell me!" inis na sabi ko

"Nasa katabing room mo siya" sabi ni troy kaya mabilis akong tumayo

"Wait ash! You need to rest!" pigil nila sakin na lumabas ng kwarto

"Damn it! I know what I need! I need akisha and not just a f*cking rest!" sabi ko saka inalis ang pagkakahawak ni chloe sa braso ko

Agad akong pumasok sa kabilang kwarto kung nasaan si akisha. Napatigil ako ng makitang nakahiga si akisha sa kama.

Agad akong lumabas at nakita ko sila lia na nakaabang sa labas ng kwarto ni akisha.

"What happened to her?" malamig at seryoso kong tanong

"Pagkatapos mong mawalan ng malay ay nawalan din ng malay si akisha habang kasama niya ang Queen Victoria" sabi ni chloe

"Bakit siya nawalan ng malay?" tanong ko

"Hindi din namin alam. Ang sabi ng mahal na reyna ay bigla na kang daw nawalan ng malay si raven naisip namin na baka epekto yun ng pagbubuntis niya" sabi ni lia

Napabuntong hininga na lang ako. Habang patagal ng patagal mas lalong gumugulo ang mga nangyayari. Naalala ko na naman bigla yung dahilan kung bakit ako hinimatay. May nakita akong isang babaeng nakahood pero hindi hadlang ang hood niya para di ko makita ang kulay gintong buhok niya na siyang kinapagtataka ako at yung musikang naririnig ko sa isip ko. Tingin ko ay tinutugtog ng babaeng nakita ko sa isip ko ang naririnig ko sa isip ko dahil violin piece ang naririnig ko at nakita kong may hawak na violin ang babaeng iyon. Pero bakit ko iyon nakikita sa isip ko? Sino ba siya sa buhay ko? Ano bang kinalaman ko sa kanya?

Imbis na mag-isip pa ay pumasok na ako sa loob ng kwarto kung nasaaan si akisha. Agad akong lumapit sa kanya at umupo sa gilid ng kama saka hinawakan ang kamay niya.

"Nagpanik ng husto ang mahal na reyna ng mawalan siya ng malay mabuti na lang ay nasalo siya ng mahal na reyna kung hindi baka napano na ang baby niyo" sabi ni chloe dahilan para mapahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni akisha.

Kung sana hindi ko siya hinayaang mawala sa paningin ko edi sana hindi malalagay muli sa peligro ang buhay nila ng anak namin. Pangako hindi ko kailanman hahayaang mawala ka sa paningin ko akisha dahil sa tuwing nawawala ka sa paningin ko lagi kang nalalagay sa kapahamakan.

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now