29. the kiss sealed everything

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagmumukha ng tanga si Emperial sa kakangiti kaya minabuti nalang niya na tumayo na at pumasok sa room niya bago pa may makakita sa kanya doon.

***
Gabi na at nasa loob na ng condo si Agon.
Hindi niya naabutan sa school si Emperial sa school neto.

Tinatawagan niya rin ang dalaga pero pinapatayan siya neto.

Nagtext lang ito sa kanya na may pupuntahan. Pero nang tinanong niya kung saan ay hindi na siya nagreply dito.

Dumaan din siya sa bahay neto pero katulong lang nila ang nandun.
Pwede na rin ulit mag drive ng sasakyan si Emperial sabi pa ng mga ito kaya sigurado daw ang mga ito na sa apartment neto ito matutulog ng gabing iyun.

Tumayo si Agon sa pagkakahilata sa kama at kinuha ang leather jacket na nkasabit lang sa likuran ng pinto ng kwarto niya.

Gustong gusto niyang makita ang dalaga! Kaya kahit hindi siya sigurado kong nasan ito ay pupuntahan niya ito sa apartment neto.

Kukunin na ni Agon ang susi ng sasakyan niya ng mapatingin siya sa telephone niya sa tabi ng kama.
Tila ba sumisigaw ito sa gamitin niya.

Dali dali naman niyang tinungo iyun at nagdial ng number ni Emperial.

Unang ring palang naman.
Pangalawang ring na.
Pangatlo...

Nakakunot na ang noo ni Agon.

Pang apat na ring..

Panglimang ring na at naiinip na si Agon.
Pang anim na ring na. Nagtataka na si Agon.

Pang pitong ring.. Handa na niyang sugurin ang apartment ng dalaga.

Pang wa---

"Finally! You answered!"

"What do you want this time? " nagtaka si Agon ng marinig ang boses ng dalaga.

"Are you crying Emperial?"

Hindi ito nagsalita. Naririnig pa ni Agon ang mahinang pag bahing ng dalaga.

"Sorry. I kept sneezing the entire day." Sagot neto sabay bahing ulit.

"Hintayin mu ako diyan." Sabi niya at ibinaba na ang tawag.

Kating kati na ang mga mata ni Agon na makita ang dalaga. Parang ang bagal bagal ng ikot ng orasan kapag hindi niya ito nakikita.

Ng marating niya ang apartment ni Emperial ay dali dali siyang pumasok doon. Hindi nkalock ang gate neto.

Pero ang front door ng apartment ay nkalock.

Nagmamadaling kumatok si Agon.
Inabutan pa siya ng mga limang minuto bago siya pag buksan ng dalaga.

Kitang kita ni Agon na halos takpan ni Emperial ang mukha niya ng tissue.

"What happened to you?" Tanong niya agad dito.

"Got colds now." Simpling sagot naman neto.

Hinila ni Agon ang dalaga sa kamay neto.

"Tara. Dadalhin kita sa hospital." Agad namang binawi ni Emperial ang kamay sa kanya at tumangging lumabas ng bahay.

Naghulugan pa sa sahig ang mga tissue neto.

Ang pula pula ng ilong at pisnge neto.
Tatawanan na sana ni Agon ang hitsura ng dalaga.

"Ayoko nga. Isa pa, dapat nga hindi ka lalapit saakin baka mahawa ka." Tinalikuran siya ng dalaga. Sumunod naman siyang pumasok dito.

"Much better na ako ang may sakit, kesa naman ikaw." Pagkasabi ni Agon nun ay napansin niyang napahinto saglit sa paghakbang ang dalaga.

Shape of My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon