DYNASTY SERIES : "Goddess In Bed" - Chapter 04

16.3K 213 9
                                    

DYNASTY SERIES

Present:

"Goddess In Bed "

CHAPTER - #04

Author Note: "Ang mga eksenang mababasa nyo sa pahinang eto ay isang kathang-isip lamang, may mga maseselang pangyayari, kaya kayo na po ang bahalang umunawa, kung kaya nyo ang risk para basahen sige ituloy nyo ang pagbabasa.. SUPER SPG PO!"

NANG makapasok si Czarinnah sa Mansyon agad syang nagtungo sa kanyang silid. Nagpalit nang kanyang kasuotan, pinuntahan nya si Lydia sa kwarto nitu, ngunit mukang tulog na eto kaya di na nya inabala pa.. Muli syang pumasok sa kanyang silid at sinigurado nyang naka lock ang pintuan nya.. Tiningnan nyang mabuti ang sarili sa lamin, maayos ang lahat sa kanya. Hinawi nya ang rack nang mga libro at binuksan ang pintuan niyon, pumasok sya sa kanyang bahay sa loob nang kanyang kwarto. Maingat nyang muling isinara at ibinalik ang lahat sa ayos bago sya lumabas nang bahay.. Maayos ang lahat sa loob tahimik, kinapa nya ang kailangan nya sa paglabas nang bahay. Kahit kakatapos palang nang palabas nila ni Randolf hindi sya nakaramdam nang pagod. Ngayong gabi magsisimula sya para maisakatuparan ang kanilang plano.

Nagtungo sya sa likod nang bahay, tanaw nya ang mataas na pader, pader na halos mataas pa sa bahay, at kahit sino mahihirapan akyatin iyon. Ngunit si Czarinnah, ngumiti sya nang maalala ang pinagdaanan nya para lang matutunang akyatin ang mataas na pader, pasalamat na rin sya kay Lydia, marami syang natutunan dito. Huminga nang malalim si Czarinnah, sabay ngiti sa kawalan. Ilang sandali pa nasa taas na sya nang mataas na pader nakatayo. Kilos nang isang black ninja ang kanyang giniwa, ilang buwan nya prinaktis ang ganitong anggulo ang pagsakop sa kawalan o pakikiisa sa hangin na tinatawag. Mga magagaling na Ninja lamang ang nakakagawa nitu. At kahit sya ilang buwan bago nya nagawa ang ganitong paglipad sa ere. Naupo sya sandali sa taas, tanaw nya ang lahat ang buong Dynasty Palace. Napaka ganda nang buong lugar lalo na kung gabi, kinuha nya ang dalang teleskopyo sa loob nang kanyang backpak, sinipat nya ang buong lugar. Sa di kalayuan natanaw nya sina Randolf ang alalay nitu may kausap eto sa may parking area, mukang may mga bagong nakaw nanamang sasakyan. Si Randolf ang bagsakan nang mga nakaw na sasakyan, pagkatapos na ma-make-over ang nakaw na sasakyan saka nila eto ipaparehestro, gagawan nang pekeng papel saka ibebenta. Binalewala ni Czarinnah ang grupo ni Randolf, inikot nya ang kanyang paningin at nahagip nya ang mga lalaking hayok sa laman na papalabas na nang club.

"Kilala kita ikaw, ang adik na anak ni Gov. Lapid!" inayos ni Czarinnah ang sarili, hinubad nya ang kanyang suot na Livvy.. Muli nyang ibinalik ang teleskopyo sa loob nang bag, at maging ang kanyang livvy suit inilagay nya iyon. Isang long silk wavy dress ang kanyang suot para na rin maka kilos sya nang maayos. Kinapa nya ang kanyang hita, nandoon ang kanyang gamit. Kung gaano sya kabilis na umakyat sa mataas na pader, ganun din kabilis na naka baba si Czarinnah pagbagsak nya nang lupa, nakatukod pa ang kanyang isang tuhod habang sinusuportahan ang isa nang kaliwang kamay, at nakatukod naman ang kanan sa lupa. Kaya ni isang galos o kahit nasaktan sa kanyang pag landing di nya eto naramdaman.

Nasa parteng Norte nang Palasyo ang kinaroroonan nina Randolf, habang nasa kalahating bahagi naman nang norte naka tayo ang hotel nang Dynasty. Mabilis ang kanyang kilos, alam nya kung saan tumutuloy ang adik na anak nang Governor. Alam nya kung gaano kahalang ang kaluluwa nitu, ilang kaso na rin nang panghahalay ang nagawa nitu, ngunit malaya pa rin na nakaka gawa ng krimen. Dahil sa kapangyarihan at pera. Ang huling balitang kumalit, ang huling biktima nitu ay pitong taong gulang at balita ring lulung sa ipinagbabawal na gamot ang nasabing anak nang Governor..

DYNASTY SERIES : "Goddess In Bed" [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon