DYNASTY SERIES : "Goddess In Bed" - Chapter 02

18.8K 262 1
                                    

DYNASTY SERIES

Present:

"Godess In Bed "

 

CHAPTER - #02

 

PAGKATAPOS mamasyal ni Czarinnah agad din syang nagtungo sa kanyang silid, kailangan nilang samantalahin ni Lydia ang pagkakataong wala si Randolf. Kapag wala ang lalaki sa mansyon at hindi sya abala, iba ang kanyang pinagkakaabalahan. Papasok na sila nang silid nang tawagin syang muli ni Lydia.

 

"Czah! Mukang hindi yata gumagana ang kamera dito sa hallway ah.." puna ni Lydia..

 

"I dont care Lydia! Halika na sa loob.." anyaya ni Czarinnah sa kanyang taga pag-alaga.

 

Bago isara ni Lydia ang pintuan nang kwarto sinigurado nya munang nakalock iyon, walang ibang nakakapasok sa kwarto ni Czarinnah maliban kina Lydia at Randolf. Hindi lang basta isang tipikal na kwarto ang meron si Czarinnah, kung pagmamasdan ang isang silid walang pinag-kaiba eto, may magarang kama, na kasya ata ang apat na tao mahiga, may sofa set, dressing room na tila higante ang mga kabinet, malawak na banyo at may jakuzi, isang malaking rock nang mga libro, mga koleksyon ni Czarinnah.. Eto ang makikita oras na pumasok ka sa silid nang dalaga. Ngunit isang napaka laking pagkakaiba nitu sa ibang silid, dahil sa likod nang rock nang mga libro ni czarinnah, nandoon ang isang malaking pintuan, pintuan na tangging sila lamang ang nakakaalam.

 

Sinadyang gawin o ipagawa ni Randolf ang silid ni Czarinnah na may isang secret door, upang kung sakali mang limusob o dumating ang mga kinauukulan may lugar silang pagtataguan, ngunit hindi lang basta isang taguan ang lugar na iyon para sa dalaga. Dahil ang ginawang lugar ni Randolf ay syang nagsisilbing lugar para maging malaya si Czarinnah.

 

Oras na buksan mo ang rack nang mga libro, bubungad sayo ang malaking pintuan , sa kabila nang pintuang iyon, isang katamtamang bahay ang meron, isang malawak na kapaligiran na may mamahaling mga halaman at imported na damo na syang nakatanim. Kompleto din sa kasangkapan ang bahay na nasa loob nang kwarto ni Czarinnah, iniingatan ni Randolf ang lugar na eto kaya naman walang pwedeng makakapasok sa silid nang dalaga, ngunit kung malaya si Czarinnah na nakakakilos doon, bilanggo pa rin sya, dahil sa likod nang bahay isang mataas na pader ang nakapaligid doon, at kahit si Czarinnah, ilang buwan nya sinanay ang sarili para lang maakyat ang pader na iyon, sa kabila nang pader ang katotohanang makikita sa isang pangkaraniwang lib-lib na lugar, masukal eto at maraming mga halamang hindi mo naman kilala.

 

"Ang sarap talaga dito sa loob Lydia pakiramdam ko nasa bahay lang ako namin.. Yon nga lang bilanggo pa rin tayo.." si Czarinnah na ininat-inat pa nya ang mga braso.

 

"Mag-umpisa na tayo, nang makapag-pahinga ka agad, baka biglang dumating si Randolf.." tugon ni Lydia na tila isang estriktong taga turo.

 

"Okay Lydia.." tugon ni Czarinnah..

 

Magkasabay na nagpalit nang kanilang kasuotan ang dalawa, sout ang kanilang taekwondo uniform, at taekwondo patch, naghanda na sina Czarinna at Lydia para sa kanilang pag-iinsayo, kapwa muna sila nagwarm-up para kapwa ang dalawa ganahan sa panimula nang kanilang lesson.

 

" Self defense ang pag-uusapan natin ngayon, and you know already that self defense can't apply withour partner. Self defense is something that cannot be practised alone. You will need a partner that has equal strength. You will learn how to react (and how not to react), proper freeing techniques, locks and strangling techniques." panimula ni Lydia, at nakikinig lang naman si czarinnah.

DYNASTY SERIES : "Goddess In Bed" [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon