Tsaka lang siya umiwas ng tingin sabay bumuntong hininga. "Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kwento mo."

Bumagsak ang mga balikat ko. "Ark..."

"Parang hindi ko kayang paniwalaan, pasensiya na."

Pinahid ko agad ang mga luha ko na bigla uling tumulo. "But I'm telling the truth."

Tumingin ulit siya sa 'kin. Basa na rin ang gilid ng mga mata niya. "Hindi totoo 'yung mga sinabi mo sa 'kin dati no'ng nakipaghiwalay ka? Pero bakit pakiramdam ko, totoo? Hindi ko kayang paniwalaan na gusto akong ipapatay ni Morris kaya ka napilitang makipag-hiwalay sa 'kin. Kasi 'yung mga sinabi mo no'n, pakiramdam ko, 'yun talaga 'yong mga gustong-gusto mong sabihin sa 'kin."

"Arkhe, hindi. H'wag mong isipin 'yan—"

"Patapusin mo muna ako," putol niya sa 'kin.

Natahimik ako at napayuko na lang ulit.

"Bumaon sa 'kin lahat ng sinabi mo," tuloy niya. "Kasi 'yun na 'yon ako e. Wala naman talaga akong pangarap dati. Hindi mataas ang ambisyon ko sa buhay. Hindi ako mayaman at mas lalong wala ako sa kalingkingan nong mapapangasawa mo, baka nga instant noodles lang talaga ang kaya kong ihain sa 'yo." Yumuko rin siya. "Ang sakit lang na pinamukha mo lahat 'yon sa 'kin — ikaw pa na sobrang minahal ko. Alam mo kung anong pakiramdam ko no'ng mga oras na 'yon? Nanliit ako. Pakiramdam ko napaka-walang kwenta kong lalaki. Dinala ko lahat 'yon, Isabela. Dinala ko ng maraming taon lahat ng pangmamaliit na ginawa mo sa 'kin."

Inipit niya ang pagitan ng mga mata niya. "Hindi mo alam, at walang kahit na sinong nakakaalam kung anong mga pinagdaanan ko dati para lang mabuo ko ulit ang sarili ko pagkatapos mo 'kong sirain. Hindi mo alam kung gaano kahirap 'yung araw-araw gigising ako tapos hihilingin ko na sana ayos na 'ko, na sana wala na 'yung sakit, na sana nakalimutan na kita. Durog na durog ako, Isabela. Mas lalo akong naligaw ng landas e. Dumating na 'ko sa punto dati na gusto ko na lang mawala para hindi na 'ko makaramdam ng sakit. Kaya hindi mo 'ko masisisi ngayon kung bakit ayaw na ulit kitang makita. Kinalimutan na talaga kita."

Muling tumulo ang mga luha ko, hindi ko na talaga mapigilan. "I'm sorry, Arkhe. Sorry kung nasabi ko ang mga 'yon sa 'yo. Pero wala talagang katotohanan ang mga 'yon. Wala lang akong ibang paraan na maisip para pumayag kang makipaghiwalay, kasi nga alam kong hindi mo 'ko bibitiwan. I'm so sorry." I covered my face with my hands and kept weeping. "Sana maniwala ka naman sa 'kin. Hindi ko ginusto 'yon. Hindi mo rin alam kung anong mga pinagdaanan ko sa New York para ma-ayos ang sarili ko."

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Kung gusto mo talagang makipaghiwalay no'n, sana iniwan mo na lang ako basta. Sana hindi ka na lang nagpakita sa 'kin. Baka mas natanggap ko pa, kesa 'yung pinagsalitaan mo pa 'ko nang masasakit. Hindi ko na kayang alisin sa isip ko 'yung mga 'yon."

Pinahid ko ang mga pisngi ko at ilong. Nahihirapan na 'kong huminga. "Hindi mo naiintindihan kung anong sitwasyon ko no'ng mga panahong 'yon. Gagawin ni Morris lahat para ipapatay ka. Gusto ko lang naman siguraduhin na ligtas ka."

Hindi na siya sumagot.

I held his hand again. "Ark, please believe me and understand me. Hindi naman kita makakayang saktan nang gano'n kung walang mabigat na dahilan e." Pinunasan ko ulit ang mga luha ko. "Babawi ako sa 'yo ngayon. Just give me a second chance, patutunayan ko sa 'yong mahal na mahal talaga kita at hindi totoo lahat ng mga sinabi ko sa 'yo dati no'ng nakipaghiwalay tayo. I'm free now, Ark, nakawala na ako kay Morris at hindi na ako ikakasal sa kanya. We can love each other again and be together — katulad ng pinlano natin dati."

Naghintay ako sa sagot niya, pero hindi pa rin siya nagsalita. Binawi niya lang ang kamay niya mula sa pagkakakapit ko at sumandal siya sa upuan.

"Ark?"

Hindi siya sumagot.

"O baka naman huli na ako," I just concluded. "Have you already found someone new?"

Hindi talaga siya sumasagot.

I shut my eyes tight. "Arkhe, please say something. Alam kong hindi gano'n kadali na intindihin at paniwalaan 'yung mga sinabi ko, pero humihiling ako na sana bigyan mo naman ako ng isa pang pagkakataon. Mag-simula ulit tayo. I want to be everything you want again, Ark."

Tinungkod niya ang mga siko niya sa mga tuhod niya at pinako ang tingin sa sahig. "Malabo na 'yang gusto mong mangyari."

"B-bakit?" Pinipigilan kong muling mapaiyak. "Hindi mo na ba talaga ako kayang mahalin ulit? Ayaw mo na ba talaga sa 'kin?"

Bumuntong hininga siya. "Hindi ko na nakikita ang sarili ko na kasama ka."

Napapikit ako kasabay ng muling pagtulo ng mga luha ko.

Sobrang bigat sa dibdib! Pakiramdam ko mauubusan na lang ako ng hininga. Ito na yata ang pinaka-masakit na mga salitang narinig ko. I just lost the battle.

Tumango-tango na lang ako kahit na labag sa loob ko.

Hindi na siya nagsalita pagkatapos.

Wala na rin akong nasabi. I'm just here, silently crying.

Mayamaya pa, narinig ko siyang bumuntong hininga ulit tapos tumayo na mula rito sa bench. "Magpahatid ka na sa driver mo pauwi. Gabi na."

Mas lalo akong napaiyak. I looked up at him. "Arkhe..."

Hindi niya 'ko tinitingnan. "Sige na, magpahatid ka na. May gagawin pa 'ko ngayon."

Napayuko na lang ako at tumango. Inayos ko ang sarili ko pagkatapos at hinang-hina na ring tumayo mula sa bench.

I want to say goodbye to him dahil mukhang ito na ang huling beses na makikita ko siya, pero hindi ko kaya. Baka bigla na lang akong mag-breakdown dito. Kaya basta ko na lang siyang dinaanan at lumabas na ng gate ng bahay.

Ang bilis naman akong sinalubong ni Lukas.

Inalalayan niya ako pasakay ng kotse. Pero mukhang hindi ako aabot sa loob — napahawak agad ako rito sa pinto ng sasakyan at napapikit nang madiin.

"Are you okay?" Lukas asked.

Umiling ako. "M-my head is throbbing in pain again."

"Gusto mong dumiretso tayo sa ospital?"

"No. Don't say that, he might hear you. Let's...let's just go home."

Tuluyan na niya akong pinasakay sa kotse pagkatapos.

Buong byahe, umiiyak lang ako. Sinusubukan kong pigilan para hindi na lalong tumindi ang pagsakit ng ulo ko, pero hindi ko magawa. I kept weeping and weeping. Hindi ko matanggap na dito lang hahantong ang lahat. I did everything to get back here, tapos ito lang. Natalo ako. Hindi ko na talaga maibabalik sa 'kin si Arkhe.

TO BE CONTINUED

Thanks for reading! Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #EIW in all your posts/tweets.

Everything I Want [BOOK 1]Where stories live. Discover now