Napaiyak na 'ko kaagad. "I can't do that. I came back here to be with you again. Hindi ko na kaya kung hindi na ulit ako magpapakita sa 'yo."

"T*ngina ano ba talagang tingin mo sa 'kin? Walang pakiramdam? Babalikan mo lang na parang walang nangyari?"

"Ark, please calm down. 'Wag ka namang sumigaw at magalit nang ganito, mag-usap tayo nang maayos."

"Sino ba kasing hindi magagalit e niloko mo na naman ako. T*ngina nagmadali akong pumunta rito, tapos ganito lang ang aabutan ko? Pwede ba, 'wag mo 'kong pinaglalaruan."

"S-sorry." Nagtuloy-tuloy ako sa pag-iyak. "Wala lang talaga akong ibang maisip na paraan para makita ka kasi pakiramdam ko umiiwas ka sa 'kin. Desperada na 'ko e." I wiped my tears away and looked up at him. "Ark, please, kausapin mo na ako nang mahinahon. Ayoko nang ganito ka, you're scaring me."

Do'n ko lang siya napansin na tila kumalma.

Ang tagal niya 'kong tinitigan bago siya hinang-hina na umupo rito sa bench, pero hindi siya gaanong tumabi sa 'kin.

Hinilamos niya ang mga palad niya sa mukha niya sabay bumuntong hininga para siguro tuluyang kalmahin ang sarili niya, tsaka niya 'ko tiningnan. "Ano 'yong sinabi mo kanina na dahilan kung bakit ka bumalik dito sa Pilipinas?" Medyo huminahon na ang tono ng boses niya.

Pinahid ko naman muna ulit ang mga luha ko bago sumagot. "I...I want to be with you again. Totoo 'yon."

Umiwas siya ng tingin, parang natawa pa. "Bakit, ano bang nangyari sa pagpapakasal mo? Hindi natuloy kaya ngayon bumabalik ka sa 'kin? O baka naman nababagot ka lang ulit sa bahay niyo kaya naisip mong pagtyagaan na lang ulit ako."

"Arkhe, no. Sana kalimutan mo na lahat ng mga sinabi ko sa 'yo dati. Wala sa mga 'yon ang totoo."

Bigla siyang napabalik ng tingin sa 'kin, pero hindi siya nagsalita.

"They're not true," ulit ko. "Napilitan lang akong sabihin ang mga 'yon dahil kay Morris. You have no idea what happened that time. Bigla siyang dumating dito sa Pilipinas nang hindi nagsasabi at nalaman niya agad ang tungkol sa 'tin. Nagalit siya at inutusan niya ang mga tao niya para ipapatay ka."

I held his hand. "Arkhe, I got so scared because he was really serious. Ipa-papatay ka talaga niya. I tried to stop him pero hindi niya 'ko pinakinggan. I had no choice. I don't want you to get hurt, kaya kahit na labag sa loob ko, sinakripisyo ko kung anong meron tayo. Sinabi ko sa kanyang hihiwalayan na lang kita. Iiwan na lang kita at sasama ako sa kanya sa New York para magpakasal, basta h'wag niya lang ituloy ang pinaplano niya sa 'yo. . .

. . . That time, hindi ko talaga alam kung papaano ako makikipag-hiwalay, kasi kilala kita, hinding-hindi mo 'ko pakakawalan. You promise me that. Kaya mas pinili ko na lang na pagsalitaan ka ng masasakit para lang magalit ka sa 'kin at ikaw na mismo ang lumayo, para hindi mo ako pigilan na h'wag kang iwan. But believe me, lahat ng mga sinabi ko sa 'yo no'ng umaga na nakipag-hiwalay ako, hindi 'yon totoo. I only said those things to protect you because I love you so much."

Bumalik ako sa pagkakayuko. Naalala ko na naman lahat ng takot ko no'ng mga sandaling 'yon. "Alam mo ba, habang naguusap tayo no'n at bigla mo akong niyakap para tanungin ako kung may nanakot ba sa 'kin para gawin 'yon, gustong-gusto ko nang bumigay at sabihin sa 'yo lahat. Gusto ko nang magsumbong sa 'yo at sabihing tulungan mo ako. Pero hindi pwede. Nakapalibot ang mga tauhan ni Morris sa lugar no'ng mga oras na 'yon, one wrong move from you or me and they won't hesitate to shoot you dead. Wala akong magawa, Arkhe. Sana maintindihan mo. Hurting you was the only way I could save you."

Hindi naman siya sumagot. Kahit isang salita, wala man lang siyang sinabi. He's just looking at me.

"Arkhe?"

Everything I Want [BOOK 1]Where stories live. Discover now