Chapter 4: Running Schematics

Comenzar desde el principio
                                        


"I'll just wake her up. See if she could talk to us...because right now, obviously, Diana doesn't have any boy. But soon we will fix it..." wika ni Eric habang nagpipipindot sa mga hologram computer. Maya-maya pa ay nagsalita na si Eric.


"H-hello? Diana? Andyan ka ba?" tanong niya. Tumingala siya at tiningan ang mga echanical arm sa paligid. Tumingin rin sa paligid ang mga staff at buong team. Tila wala namang nangyari.


"Diana? 'Wag kang matakot. Mga kaibigan sila. Mga katrabaho," sambit muli ni Eric nang mapansin niyang gumagalaw ang isang camera sa kisame at tila nagmamasid.


"Ahmm. Pasensya na. Sandali lang. Let's just lower her level of emotion for now." wika ni Eric.


Pumindot siya sa hologram computer at binago ang setting ng kanyang emotion. Galing sa 100% ay ginawa niya itong 50%.


"Hello Diana?" sambit ni Eric. Tila gumalaw naman ang mga mechanical arm at lumapit sa mga staff. Napatili naman ang iba, ang iba ay nagulat.


"H-Hello?" isang boses ng babae ang narinig sa buong lab. Ang lahat ay namangha. Tila ginagalaw naman ng mga mechanical arm na iyon ang mga buhok ng ilan sa mga staff.


"Uhmm. Hello Diana. How are you?" tanong ni Eric. Napansin naman ni Eric ang pag-absorb ng impormasyon ni Diana mula sa world wide web dahil ipinakita sa isang hologram screen ang pagdownload ng ilang mga impormasyon. Agad ring nagbago ang lenggwaheng ginamit niya na ipinakita naman sa options nito:


'Changing language: Filipino - English'


"I'm okay. How are you?" tanong ni Diana pabalik. Napangiti naman si Eric. Sinenyasan niya ang kanilang senior secretary na makipag-usap sa kanya.


"Uhmm. Hi Diana," wika ni Mr. McCoy.


"Hi. What can I do for you?" sagot naman ni Diana. Nagtinginan ang lahat habang tila hinahaplos naman ng mga mechanical arm ang bawat buhok ng mga taong naroon.


"Is...is this how she greets?" tanong ni Mr. McCoy kay Eric.


"She's just born. She doesn't know how," bulong naman ni Eric.


"Well I would just like to say hi and nice to meet you Diana," sagot naman niya kay Diana.


"Please to meet you too. May I know your name?" tanong ni Diana.


"Oh! Almost forgot about that. I am just amazed of how you respond to me so quickly. My name is Edwin McCoy. The senior secretary of Reinheart Robotics and Prototypes."


"Are you the father of my maker?" tanong ni Diana. Napatigil naman ang lahat at napatingin kay Eric. Tumigil din ang mga mechanical arm at nagtungo sa kanya. Hindi naman maintindihan ni Eric kung ano ang kanyang naramdaman.


"Well. In this company, I can say...yes," natutuwang sagot naman ng senior secretary. Ang lahat ay muling nagpalakpakan.

D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora