[PART 1] Prologue

154 6 0
                                    


Perfectly Seven Series consists of seven different tales featuring the college squad consisting of Michelle, Dylan, Ruby, Kenneth, Josel, and the de Jesus twins. MJ and RJ.

SEVEN REASONS TO LOVE AGAIN is the FOURTH book of the story. This would revolve around Michelle and Dylan trying to test their compatibility after a devastating heart break. To prevent spoilage, reading the first book, SEVEN REASONS TO LOVE YOU, is recommended. Although stand alone, reading the preceding books are highly encouraged.


-


New year noon kaya hindi na rin nakakagulat na sobrang dami ng tao sa SM Pampanga at maging sa Skyranch na nasa likod niyon. The ambiance was cheery, palibhasa kasi'y halos mga kabataan ang naroon. Their excitement to try the amusement rides were bursting, making the atmosphere really energetic.

Samantalang, ang magbabarkada naman ay tumatawid sa kalsada. Ruby was with Kenneth; Josel was clinging to the twins. Michelle was lagging behind. Kapansin-pansin ang pagkabalisa niya. Kung hindi pa siya mababangga ng isang matangkad na lalaki, hindi manunumbalik ang kamalayan niya. By that time, malayo na ang agwat niya sa mga kaibigan. She almost lost them, kaya binilisan niya ang paglalakad.

She settled behind RJ. Tapos, tumingin siya sa langit, para lamang lalong makaramdam ng disappointment. Sa mga panahong namomorblema siya, gusto niyang nags-stargaze. It was sort of a habit she adapted from her late father.

She heaved a sigh. She's frustrated. Ilang buwan na kasing hindi nagpaparamdam si Dylan sa kanya. It made her wondered if Dylan already forgot her.

O baka naman may iba na kasi itong nobya at hindi masabi sa kanya? Was that reason why he deactivated his account, completely cutting his connection not just to her but to their friends as well?

Umiling siya. It cannot be. Nangako si Dylan sa kanya. Sabi pa nga nito, sa tuwing nalulumbay siya sa binata, tumingin lamang siya sa langit at maghanap ng bulalakaw. Kapag nakahanap siya, that means Dylan hasn't broken his promise yet.

Nahagip ng tingin niya ang malaking Ferris wheel hindi kalayuan sa kanila. Nagkaroon tuloy siya ng ideya.

Hinarap niya ang mga kaibigan. "Guys, gusto kong mag-Ferris wheel," aniya. "Pero kung okay lang sana, ako lang muna. Gusto ko lang kasing... mapag-isa."

Nagkatinginan ang mga ito. Napalitan ng pagkalito ang masasayang ngiti ng mga ito.

It was Ruby who broke the silence. "Sige lang, Michelle," sabi nito. "Just call us kung ako na, ha?"

Tango lamang ang tinugon niya saka dumiretso sa ticket booth. Mahaba ang pila doon. Sampung minuto rin ang lumipas bago siya nakabili ng ticket. Tapos, panibagong sampung minuto para makasakay.

Wala siyang kasama sa loob ng cart. Pinagpasalamat niya iyon. She felt free that way.

Habang unti-unting umaangat ang sinasakyan niya, tumingin siya sa kalangitan. Wala talaga siyang makitang bituin. Bakit nga ba kasi napakadilim ng langit? Ah, kung sabagay, natatakpan siguro ng ulap. Umaambon pa naman kanina.

Pero hindi siya nawalan ng pag-asa.

"Dylan, sabi mo, kailangang makakita ako ng shooting star, right?" naluluha niyang wika. "Bakit wala akong makita?"

Pero hanggang sa nakababa siya, wala siyang nakita. Masyadong makapal ang ulap kaya kahit buntot ng bulalakaw ay wala.

Naghanap siya ng mauupuan. She settled at a plant box, sa pwesto malapit na sa parking lot. Umupo siya roon saka napahagulhol ng iyak.

Sunud-sunod siyang nagmura sa isip. Galit siya kay Dylan pero higit siyang nagagalit sa sarili niya. Ano bang nangyayari sa kanya? She's a tough girl. She has strong willpower, sabi pa nga noon sa kanya ni Ruby, and yet she's there, miserably yearning for a guy.

Dylan... Dylan... Sunud-sunod na pagtawag niya rito sa isip. Patuloy ang pagtulo ng luha niya isinubsob niya iyon sa mga tuhod. Ano bang nangyayari sa iyo? Sa atin? Bakit bigla kang lumayo? Bakit, Dylan?

"Michelle?"

Natigilan na lamang siya nang marinig ang pagtawag ni Ruby. Nang mag-angat siya ng tingin, nadatnan niya ang mga kaibigan. All of them gasped when they saw her crying.

Tumayo siya saka biglang niyakap si Ruby. "Ruby, ayoko na..." Muli siyang napahagulhol.

"Alin? Alin ang ayaw mo na?" naguguluhan nitong tanong.

Pero hindi na siya muling sumagot pa. She just cried to her heart's content, not minding killing the joy her friends were feeling that time.

Matapos ang ilang sandali, humiwalay si Ruby sa kanya. "Let's go?" sabi nito.

Tumango na lamang siya saka hinayaan itong akayin siya papunta sa parking lot.

Should I give up? Or should I just keep on chasing pavements even if it leads nowhere? She heard that as they moved away from the amusement park. Now, Michele was also asking the same question to herself and to be honest, ang hirap niyong sagutin...

Seven Reasons to Love Again [Seven Series #4 | ON-GOING]Where stories live. Discover now