" I know na hanggang ngayon ay naguguluhan ka parin sa relasyon nating dalawa. Kaya gusto ko itong linawin sayo  ngayon, Kristel... The first time I saw you, alam kung may kakaiba na sayo. At sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw lang yung kaisa-isang taong sumabak sa gulo. At walang pakialam kung ano man ang maaring mangyari sayo... Ni wala ka man lang pakialam kahit na tinitingnan na kita ng masama. At hindi man lang kita nakitaan ng takot sa mga mukha mo... " sabi nito sa akin.

" Because I'm a strong human. At walang sino man ang pwedeng manakit sa akin. " mayabang kung  sabi sa kanya, dahilan ng ikinangiti niya.

" Yes you are! And your right... Because from now on, I'll protect you whatever happens. " sabi nito sa akin.

Nakikita kung nakangiti siya ngayon. Pero nababasa ko yung mga mata niya na parang ang lungkot niya. At parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. At hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kanya.

" Wait a minute kapeng mainit... Ano ba talaga ang gusto mong iparating sa akin Sandoval? " medyo inis kung sabi sa kanya.

" I want to be with you forever, Kristel... I want to be you as my woman.. as my wife. Dahil noon palang at sa matagal nating magkasama. Alam kung ikaw lang ang tanging babaeng gusto kung makasama habang buhay. "

" W-wait! Ano ba ang nakain mo? At ano ba ang pinagsasabi mo dyan? "

Parang timang kasi. Kung ano-ano ang pinagsasabi nito. Nawala lang ng ilang araw nagkaganito nah... Ano ba ang nakain ng isang toh... Tiningnan naman ako nito ng masama.

" Tsk! Your crazy... Kanina pa ako maraming simasabi sayo. Yan lang ang sasabihin mo sa akin? Mas mabuti pang sulitin ko nalang ang araw na kasama pa kita. " sabi nito saka ako hinila papaalis sa lugar na yun

Tingnan mo ang isang toh. Kanina ang sweet nito sa akin, at ngayon naman nagsusungit ito. Baliw talaga... Pero medyo napaisip ako sa huli niyang sinabi. Hindi ko kasi makuha kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga sinabi niya.

Tulad ng sabi niya. We spent a day together. Lagi kaming magkasama sa kahit ano mang oras. Hatid sundo niya rin ako sa bahay. Namasyal din kami sa mall na yung kaming dalawa lang. Yung para bang nagdate kaming dalawa. Nanuod ng sine, kumain sa mga foods na nandon at naglaro sa arcade.

As in talagang sinulit namin yung araw na magkasama kaming dalawa. Na para bang bumawi kami sa mga araw na hindi kami magkasama. At talagang masaya ako na kasama siya.

Papunta ako ngayon sa may cafeteria para bumili ng makakain at nagbabakasakili rin na baka nandon sina Kate at Je. Ilang araw ko rin din silang hindi nakikita dito. Kaya bago pa man ako makarating sa may cafeteria. Napaatras ako ng hakbang ng maramdaman ko ang isang bagay na papalapit sa akin. Napatingin naman ako sa may pader at nakatarak doon ang isang maliit na kutsilyo at may nakasabit na puting papel.

Kinuha ko naman ang kutsilyong nakatarak doon, bago pa may makakita, at sunod kung kinuha ang maliit na papel na nakagalaya doon, saka binasa ang laman na nandon.

- Oras na ng paniningil -


Tinupi ko nalamg ulit yung papel, matapos ko itong basahin at nilagay sa bulsa ko.

Tsk! Kung sino man ang nagpadala ng sulat na ito? Ang masasabi ko lang sa kanya.. wala akong utang na dapat kung bayarin. Kaya huwag niya akong singilin. Dahil baka siya pa ang singilin ko dyan.

Pagdating ko sa may gym, agad nakita ng mga mata ko sina Je at Kate sa may mesa na nasa gitna. Kaya lang naningkit yung mata ko ng makita ko doon sina Hugo at ang mga kasama niya na para bang ginugulo sina Je at Kate na kumakain. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila, at paglapit ko sa mesa nila. Bigla kung tinarak yung maliit na kutsilyo na nakuha ko kanina sa mesa.

Napangisi naman ako ng makita ang pamumutla ni Hugo. Nakalagay kasi yung kamay niya sa ibabaw ng mesa. At kunti-kunti nalang, matataman kuma yung kamay niya na talagang sinadya kung gawin yun.

" May problema ba tayo dito? " maangas kung tanong sa kanila.

Dahan-dahan namang tumingin sa akin si Hugo. At sumalubong sa kaanya ang masasama kung titig sa kanya.

" K-KC? Wala naman kaming problema... Nagkakatuwaan nga kami dito eh. " sabi ni Hugo sa akin.

" Wala naman pala... Baka pwede na kayong umalis? " sabi ko sa kanila.

Agad namang umalis yung mga kasama ni Hugo. Habang siya ay hinawakan ko muna sa may kwelyo at saka lumapit sa kanya.

" Huwag mong sasabihin ang tungkol sa bagay na hawak ko. Dahil talagang patay ka sa akin. " malamig na sabi ko sa kanya.

Sunod-sunod naman siyang tumango sa akin, at saka ko naman siya binitawan at nagmamadaling umalis sa harapan namin. Napatingin naman ako sa dalawa na mukhang natakot ko din yata sila.

" Ibahin niyo nga yang tingin niyo sa akin. Parang masamang tao naman ako nyan. " nagtatampong sabi ko sa kanilang dalawa.

Umiba naman ang ekspresyon ng mukha nilang dalawa sa akin. Nagulat naman ako ng sabay silang tumayo na dalawa saka lumapit sa akin at niyakap ako.

" KC! Sobrang namiss ka namin. " sabi nito.

" Namiss ko din naman kayo. Kaya gusto kung sulitin ang araw na magkasama tayong tatlo. " nakangiting sabi ko sa kanila.

At tulad ng sabi ko. Talagang sinulit namin ang araw na magkasama kaming tatlo. Hindi na nga kami pumasok sa klase namin, makapsyal lang sa labas. At kung tinatanong niyo naman kung nasaan si Sandoval? Abat ewan ko kung nasaan na naman ang lalakeng yun. Gusto ko nga sana siyang yayain na lumabas ngayon, pero mukha talaga abala ang siya misyong ginagawa nila ngayon.

Nakakalungkot nga eh, dahil kung saan magpapaalam muna ako sa kanya. Saka naman siya nawala. Pero anong magagawa ko? Eh, trabaho nilang hanapin yung leader ng sindikato.

Ang Probinsyanang PalabanWhere stories live. Discover now