Chapter 19

10.1K 417 11
                                    

" Shit! Marunong ba talaga kayong bumaril? Wala man lang kayong natamaan sa kanila! " inis kung sabi.

Nakakainis na kasi, kanina pa sila bumabaril pero wala man lang silang natamaan ni kahit isa sa kalaban nila. Samantala yung mga humahabol sa amin ay marami ng natamaan sa kotse ni Kuya Red. At mukhang hindi yata nila narinig ang sinabi ko!

Napatingin ako sa side mirror. At mas lalo lang ako napamura ng makitang ilang metro nalang ang layo sa amin ng mga humahabol sa amin. Kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagmaneho para mapalayo sa kanila.

" Fuck! Can you please, slow down. "  inis na sabi ng katabi ko.

Hindi ko siyang pinakinggan at patuloy parin ako sa mabilis na pagmaneho ko. Pagewang-gewang din yung sasakyan namin dahil pilit kung iniiwasan ang mga balang paparating sa amin. Dahil panigurado, tupi-tupi na ang sasakyan ni Kuya Red. At siguradong lagot ako nito.

Nang medyo nakalayo na kami sa kanila, hininto ko yung sasakyan sa isang tabi saka lumabas sa driver set at saka lumipat sa pwesto ni Sandoval, kung saan ay ang passenger set.

" What are you doing? Hindi mo ba alam na maaari nila tayong maabutan. "  inis parin nitong sabi sa akin.

" Kaya nga ikaw ang magmaneho at ako ang babaril. " sabi ko sa kanya.

Bumuka ng kunti ang bibig niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Kahit yung tatlo na nagsiksikan sa backseat ng sasakyan ay gulat ding nakatingin sa akin.

" What? No! " matigas nitong sabi.

Napatingin ako sa may kalsada ng makarinig ako ng tunog. At ganun nalang ang paglaki ng mata ko ng makita ko ang dalawang sasakyan na papunta sa deriksyon namin.

" Bilis na Sandoval.. nandyan na sila. " sabi ko sa kanya.

Sabay-sabay naman silang napatingin na apat sa likuran. At sabay-sabay naman silang nagmura, bago umusog si Sandoval palipat sa driver set. Ako naman ay nakangising pumasok sa loob at umupo. Pagkaupo ko ay agad namang minaneho nito ang sasakyan papaalis at papalayo sa mga humahabol sa amin.

Nakasunod lang sa amin yung dalawang sasakyan at patuloy parin kaming binabaril. Mukhang wala yata kaming balak tantanan ng mga ito. Kaya ang ginawa ko, kinuha ko yung baril ni Sandoval sa kamay niya, saka inilabas ko yung kalahati ng katawan ko sa may bintana ng sasakyan.

Narinig ko pang suminghap yung tatlo habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Si Sandoval naman ay hindi ko makita yung reaksyon niya dahil nakatalikod ako sa kanya.

" Shit! Get inside lady! Baka mahulog ka! " galit nitong sabi na kunwari hindi ko nadinig.

" Tingnan natin kung makakahabol pa kayo. " nakangisi kung sabi.

Pero bago ko pa man makalabit ang gatsilyo, napasinghap ako na may kamay na pumulot sa bewang ko. At iisang tao lang ang may kakahayang gumawa non.

" Bitiwan mo ako, Sandoval! " sigaw ko.

" No! I wont let you go. " matigas nitong sabi.

Napabuntong hininga nalang ako dahil mukhang wala talaga itong balak na bitawan ako, dahil ang higpit ng pagkakahawak nito sa akin.

Nagfocus nalang ulit ako sa dalawang sasakyan na humahabol sa amin. At ng makakuha ako ng tyempo, doon ko sunod-sunod na pinatamaan ang mga gulong nila. At doon lang ako nasatisfy ng makitang nagkasulpukan silang dalawa. Pero mas lalo akong napangiti ng makitang sumabog ito.

Ang Probinsyanang PalabanWhere stories live. Discover now