Special Update 5: IF EVER

Magsimula sa umpisa
                                    

“Miru naman kayo na nga lang dawala ang babae sa klase kong yun kayo pa ang madalas mapasok sa guidance. Maawa naman kayo saakin” umupo siya sa katapat kong upuan. nagmamakaawa na talaga siya. kawawa naman talaga itong teacher na ito saamin ni Belinda.

Kami lang ni Belinda ang babae doon kaya naman siguro pati kami minsan kilos lalaki na. hindi pala minsan, madalas pala. Este ako lang pala, binudburan nga pala ng kaartehan yung katawan ng babaeng yun. Babaeng bakla naman. Di naman kagandahan.

“sir ang daya talaga!”

“Ms Mariano” napaharap ako sa councilor. Suki na talaga ako dito. Napapakamot nalang siya ng ulo. baka mapanot si Ma’am saakin. kawawa naman. Ang iksi na nga ng buhok mawawalan pa ng buhok ng dahil saakin. kaawa-awa naman siya T^T

Ayoko naman magtino kasi kung magtitino ako baka mamaya niyan si BELINDANG PANGIT aapihin ako! ayoko naman nun! Tapakan ko yung nagmamagandang babaeng yun e!

“palalampasin ko yung ngayon, pero sa susunod na makipag-away ka ulit ipapatawag ko na talaga ang mga magulang mo”

“YES! ANG BAIT MO TALAGA MA’AM!” sabay tayo saka ko tinapik tapik ang balikat ni ma’am.

Palabas na ako ng guidance nang biglang sinita nanaman yung uniform ko! “AYUSIN MO YANG UNIFORM MO MIRU!”

Sus! Tumakbo na ako palabas para hindi na nila ako mapagalitan pa hahaa. Ano bang problema nila sa uniform ko? ang astig nga e!

“hoy Nathaniel! Suking-suki a! anong sabi ni Valdez at nug malapit ng mapanot na councilor nang dahil sayo? Hahahaa” itinaas ko yung paa ko doon sa kamay nung armchair tapos nahalata kong lumihis ang tingin ni Direk, isa sa barkada ko, kaya agad kong inayos yung upo ko. nakashorts naman ako a, haba nga ng shorts ko e may print pa ngang Mickey Mouse -__-

“edi ayun nakunsumi nanaman saakin si panot haha. Pero di naman nila ipapatawag sila daddy kasi may utang na loob pa ang school saakin. ako lang naman nagdala ng school na ‘to nung tournament e! kung wala ako wala silang pondo! Bwahahahahahaha”

“grabe ka talaga para kang di babae! Ganda mo pa naman sana”

“sus! Ayos nga e! ah? Ano?” doon palang na-process sa utak ko ang sinabi niya. medyo nalaglag pa nga yung panga ko e. ano daw? Maganda daw ako???

“ulitin mo nga yun!” excited kong utos!

“wala ang sabi ko ang pangit mo talaga. Nagmumukha ka ng lalaki! Ilakad mo nga ako dun sa bestfriend mong si Geline buti pa yun, maganda, ideal girl talaga, matalino na ang kinis kinis pa ng balat. Di katulad mo hahahaha” tumayo ako sa kinauupuan ko saka ko siya hinampas ng nakita kong hardbound na libro! Nilakasan ko talaga! yung tipong magkakabukol siya.

“aray naman! Ang lakas talaga ng babaeng ‘to! DI KA TALAGA BABAE!”

“HEH! Ilakad mo sarili mo!” kabaliktaran ko si Geline, napaka ideal niya kasi. hindi siya pasaway tulad ko, mahinhin gumalaw tapos dance troupe member pa siya. e ako? ayun beach volleyball naman sakin! Tapos laging laman ng guidance, sikat nga ako e. sikat sa kalokohan. Teka? Bakit ko ba kinukumpara sarili ko kay Geline?

Kainis kasi tong sugpo na to! Lagi akong kinukumpara sa bestfriend ko. e ano ngayon kung pangit ako? ano ngayon kung maganda si Geline? Makinis siya! makinis din naman ako! medyo mas maitim nga lang ako gawa ng lagi kaming binababad sa araw. Pero masasabi kong maganda naman kutis ko at ng pagkakatan ko. Magbestfriends kami at mga magulang namin. Hindi ako pwedeng mainsecure ng dahil doon lang.

“sugpo ka talagang tukmol ka!” sigaw ko pa kay Direk bago ako umalis.

Kainis talaga yung lalaki na yun.

Lakad lakad! BAKIT KO NAMAN ILALAKAD YUNG CRUSH KO SA BESTFRIEND KO?

Tukmol kang Direk ka!

Kung bakit ba kasi walang talo talo sa barkada? Edi sana niligawan na kita >///<

*****************************************************************************

A/N! hahaha alam niyo ba kung bakit IF EVER ang taytol??? if ever gagawan ko man ng story o hindi HAHAHAHAAHAHA

madami kasi nagrerequest ng pagtanda ni Miru e. kung anong ugali niya at kung anu-ano pa. e ayan. ang kaso nga lang hindi ko talaga siya gagawan ng story. depende pala. kasi naman hello? kapag ginawan ko siya ng story ilang taon na si JUN AT LIAN ko nun ng fake lovers? hahahaha kaya basahin niyo nalang new story ko! PROVE ME WRONG! oha oha iba siya sa mga nakasanayan kong plot maybe XD

saka saka follow me sa twitter @aril_daine

thank you guys. sorry kung heto ang special UD ko. IF EVER tumanda lang naman si MIRU ayan siya. ayan ang plot ng story niya! nakasalalay sa kamay ko kaya siya IF EVER! hahahahaha. ansabeee?

vote and comment lablab :****

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon