Chapter 18: Ex

241K 3K 391
                                    

Chapter 18: Ex

 

 

 

Naglalakad kami ngayon papunta dun sa bakanteng lote na sinasabi ni Lance. yung sasakyan ko kasi nasa talyer daw. Si Lance na kasi nag-asikaso nung sasakyan. Tapos wala naman daw siyang sasakyan. Pero saan ba niya kinuha mga gamit niya? nakakapagtaka lang. Anyway, wala din naman masakyan kaya maglalakad nalang. Nauuna siyang maglakad. Hindi naman pwedeng ako kasi ‘di ko alam kung saan yun.

Kanina pa kami naglalakad at pansin ko lang hah. Yung mga High School students na nadadaanan namin kanina pa tumitingin kay Lance. katulad nalang nito “kunan mo ng picture! Tignan mo ang cute kasi! Ang sweet naman” ayan katulad ng mga bulungan na ganyan. Naku naku.

Siguro dahil hawak hawak niya si Dwayne. Sakanya ko kasi pinadala eh. And isa pa! hindi lang kasi basta hawak ang ginagawa niya kay Dwayne kundi yakap. Hahaha siguro dahil dyan.

Huminto siya sa paglalakad at saka lumingon saakin “can you walk a little bit faster Sharlot?”

“oo na” sagot ko at lumakad na ulit siya.

“sayang may girlfriend na siya” mukhang disappointed pa itong high school girl na ‘to. Don’t worry di ko naman yan boyfriend.

“pero ang cute talaga ni kuya! tignan mo! Ngumiti!!! Kyaaaaaah” hala! Todo kilig naman siya haha. Ganyan ba ako nung high school ako? hindi naman.  Seryoso na kasi buhay ko high school palang amp.

Parang ang sayang tuloy ng teenage life ko. bakit ngayon ko lang narealize?

“tingin mo mag-on talaga sila? Nauuna maglakad yung lalaki!” hay! Buhay nga naman ang daming tsismosa kahit na studyante palang.

“baka nag-away”

Hindi nalang namin pinansin ang mga nagbubulong-bulungan. Ganoon ba kanakaw pansin kasama si Lance? parang ‘di naman kasi. Baka dahil kay Dwayne! Tama siguro dahil kay Dwayne kaya ganun. Pampadagdag pala ng charms yung si Dwayne eh hehe.

Nakarating din kami sa bakanteng lote. Malawak ito at wala masyadong nakapaligid. Pero maganda ang tanawin.

“ano sa tingin mo?” tanong niya saakin

“well maluwang ang lugar. Pangit naman kung ang hotel na itatayo dito ay parang sa dalawa niyo pang hotel. Hindi kasi maganda para sa lugar. Mas maganda kasi kung, teka personal opinion ko lang hah, mas gusto ko kasi kung ang itatayo dito ay yung parang bahay lang. kumbaga hote siya pero mafefeel nila na nasa bahay lang sila.” Paliwanag ko habang tinitignan ang kabuuan ng lugar.

“okay. Tara na” eh? Yun nay un? NAGLAKAD KAMI PAPUNTA DITO NG HALOS ISANG ORAS PARA LANG DUN? YUN NA YUN? Wala na ba siyang sasabihin na gagawin ko or what? I mean di ko alam ang preference niya or something. Pero kung sabagay kasi ako ang magdedesign.

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon