Paalala:
Ang istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Ang mga karakter at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda. Hindi ipinagsusulat uli kung walang permisyon ng may akda. Plagiarism is a crime! Punishable by law.
©juuuuuuanclbs
Instagram account: juancalebos
Fb page: JuanCalebos
HULING SAYAW.
-
Sa ating paglalakbay, may dulo.
Sa lahat ng ating ginagawa'y may katapusan.
'Di lahat ng oras ay kaya nating aksayahin.
Dahil tayo'y mamatay rin, mamamaalam, magpapahinga, at sa huling pagsayaw, hawakan mo ako, sabay nating lakbayin ang ating pagtatapos.
-
Malamig ang gabi, lahat ay mahimbing na natutulog at ako nama'y pinagmamasdan ang paghampas ng malamig na hangin sa kawalan habang kinakalabit ang lubid ng aking gitara't sa kabilang kamay ay hawak ang isang bolpen na isinisulat ang bawat titik ng aking ginagawang kanta.
Sa huling sandaling ang dugo ko'y hindi na dumadaloy, binilisan ko ang pagkalabit sa bawat lubid habang pinagmamasdan ang natutulog kong asawa.
Mahirap isipin na iiwanan ko siya ng hindi lang nagpapaalam. Mahimbing lang siyang nakahiga't may nakaturok sa kanyang dekstros upang dugtungan pa ang kanyang buhay.
Apat. 4 na taon tayo'y nagsama. Hindi ko mawaring dito na magtatapos ang apat na taon na yun.
"Huwag ka na munang bibitiw," marahan kong bulong sa kanya habang hinahalikan ang kanyang palad, habang tumutulo ang luha.
Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kanya nung may nakita akong luha na pumatak sa kanyang mga mata.
"Hinding-h-hindi ako bi-bitaw s-sa'yo," tsaka dumaloy na ang luha sa kanyang mga mata na kanina pa niya pinipigilan.
"Huwag ka ngang ganyan, Jeoseff, hindi ako susuko."
"Lahat ay may dahilan. Kung kailan ako papanaw, hanggang doon nalang."
"Huwag mong sabihin yan! Milagros! May himala sa Diyos, manalig ka!" Tsaka bumuhos na ang mga luha niya at ipinikit ang kaniyang mga mata. Akala ko di na siya gigising ulit. Ngunit bumangon siya para sa akin. Tinupad niya ang pangako niya.
"Pangako, makikita mo akong nakadilat, nagluluto ng pagkain para sa'yo"
Ipinikit ko ang mga mata ko at tumulo ang luha sa mga papel na aking pinagsusulatan.
Nasa operating room ngayon at ako naman, nakaupo at nagsusulat ng isang kanta para sa kanya. Sana magtagal pa siya. Sana.
-
Nagtagal nga siya. Isang linggo ang nakalipas at nakauwi na kami sa bahay. Naka-wheelchair siya at halos wala na ring buhok na halata dahil binabalutan ito ng isang tela na may printang bulaklak.
Natapos ko na rin ang kantang alay ko sa kanya. Ipinaghanda ko siya ng paborito niyang adobong paa. At tsaka pinaliguan at sabay na natulog.
Lubos pa rin ang katahimikan at kalungkutan sa kanyang mga mata at sa kilos. Sabi ng doktor, baka hindi na siya magtatagal pa ng higit ng isang linggo. Kaya nakabantay ang mga mata ko sa kanya. Ayokong paggising ko'y maabutan kong wala na siyang hininga.
Sisisihin ko ang sarili ko 'pag nangyari man 'yon.
Hanggang madaliing araw ay biglang tumirik ang kayang mga mata at lumuha. Niyugyog ko siya ngunit hindi na siya gumagalaw. Inilabas ko siya sa bahay at isinkay sa kanyang wheelchair. Kulay itim ang langit at medyo bughaw. Umupo ako sa tabi niya habang nakatirik parin ang kanyang mga mata.
Itinayo ko siya at isinayaw at kinantahan ng ginawang kanta.
Ito na ang ating huling sandali
Hindi na tayo magkakamali
Kase wala ng bukas
Sulitin natin ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwi
Hawakan mo aking kamay
Ang sakit isipin na tuluyan ka nang mawawala sa piling at bisig ko. Sabi ko ng marahan. Itinaas ko ang kanyang kanang kamay at iginalaw siya na mistulang nagsasayaw.
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat
Paalam sating huling sayaw
Lumuluha lang ako ngayon habang kinakanta ang para sa aming dalawa. Idinikit ko ang kanyang ulo sa aking leeg at marahan siyang humalinghing at nagsalita.
"I-ingat-an mo a-ang sarili m-mo mahal, ha? M-mangako k-ang a-ako lang" ramdam ko ang lamig ng boses niya. Itinuloy ko nalang ang pagkanta habang siya'y paalis na.
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
Di namalayan na malalim na ang gabi
Pero ayoko sanang mag madali
Kay tamis, kay sarap
Ngunit ito na ang huli
Kailangan na yata nating umuwi
Paano ang mundo ko kung wala ka. Tinuruan mo ako kung paano maging matatag at mahalin ang sinuman. Ayoko pang mawala ka. Mahal ko.
Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
Paalam sating huling sayaw
Nalaman kong may dulo ang lahat ng dahil sa'yo. Kay hirap unawain na bibitaw ka na. Di ba walang bitawan? Walang iwanan? Pinangako natin yun! Tuparin mo naman o!
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw,
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw.
Paalam mahal ko. Alam kong nasa piling ka niya. Tsaka naramdaman kong pumatak ang luha niya at sinabing 'maganda ang kanta mo' at ramdam ko rin ang paghabol ng hininga niya.
Pasensiya na mahal. Hindi ko nagawang iligtas ka pero nakagawa pa ako ng kanta para mapasaya ka. Paalam at salamat. Salamat sa apat na taong kay saya. May lungkot. Hirap. Pero nalampasan natin yun. Salamat.
Ibininaba ko siya sa wheelchair at nakita ang itsura ng aking asawang wala nang hininga.
Totoo ngang walang panghabambuhay, ngunit sa taong nagmamahalan... meron. Sa lahat ng oras. Andito ka. Sabay turo sa puso ko at tumabi sa kanya.
Isinandal ko ang aking ulo at hinawakan ang kamay ng aking patay nang asawa.
Ito na yata ang ating huling sayaw, mahal.
Paalam.
-
CAST.
Jeoseff Lumibao
&
Milagros Lumibao
-
ACKNOWLEDGEMENTS AND SPECIAL THANKS
TO ALL READERS NA SUMUBAYBAY!!! Sa lahat lahat ng taong tumulong sa akin at sa mga naging inspirasyon ko. Salamat lahat!
Sa mga kaklase ko po specially to rachelle, aki, honey, hazel, diane, jealine, roch, keren, roi, and to whole abraham! Salamat!
To Billie Eilish that ispired me because of her song when the party's over.
Sa teachers ko. Kay God. Thank you po kasi biniyayaan niyo po ako ng ganitong talent. At sana magamit ko ito sa mabuting paraan. May God bless us all!
Started: June 30, 2019 @5pm
Ended: June 30, 2019 @7pm
-
Sabay tayong umisad at buklatin ang bagong hinaharap!
Im juuuuuuanclbs signing off.
