Mas lalo akong napangiti ng marinig ko ang malakas na pagsabog sa likod ng kotse ko.

Narinig ko naman ang pag sigawan ng mga kapitbahay pero hindi ko ito pinansin at umalis nalang sa lugar.

JM's POV

Napatingin naman kaming tatlo sa pintong, kabubukas lang. Napatayo naman ako ng wala sa oras dahil nakita ko si Misha na hinang hina nang pumasok.

"San ka galing?" tanong ni Ashton, nakatayo na din pala ito, agad naman siyang lumapit dito at inalalayan.

"Teka bakit ka ba nanghihina?"

"I'm fine kuya"

"Misha" tawag ko sakanya at tinuro ang sahig na kinatatayuan niya.

"Bakit ka andito?" gulat na gulat niyang tanong, ang kaninang nanghihina parang nawala na parang bula! umayos pa ito ng tayo at tumingin sa kuya niya.

"May pinag usapan lang kami tungkol sa negosyo Misha" pag papaliwanag ni Ashton.

"Ano yan Misha dugo?"

"I'm fine"

"Teka san ka ba galing?! kasama mo ba si Masha!?" sumigaw na itong si Ashton.

"She's not with me kuya, she's in Alice' House" nilagpasan niya si Ashton pero bago niya pa ako lagpasan hinila ko ang braso niya.

"Dadalhin kita sa hospital" hindi ko na hinintay ang pag palag niya hinila ko ito palabas ng bahay at sinakay ko sa kotse ko.

Hindi na ito pumalag ng makasakay, pinikit niya nalang ang mga mata niya kaya dumiretso na kami sa hospital.

Misha's POV

Nagising nalang ako na purong puti na kisame ang nakikita ko, bumangon naman ako, naramdaman ko naman ang hapdi sa tagiliran.

Hindi ko napansin na nadaplisan pala ako kanina, naramdaman kong nanghihina ako at may hapdi akong naramdaman.

Kaya ko naman gamotin yun, kaya binilisan ko ang pag uwi, hindi ko na kinuha ang anak ko kila Alice pero nagulat nalang ako ng makita ko si JM sa bahay at hinila niya ako papunta dito sa hospital.

Napasinghap naman ako nang makita ko si JM na katabi ng kama ko, nakahiga ang ulo sa hospital bed ko tapos nakaupo lang siya.

Ano ba ang ginagawa niya dito? alam kong siya ang nagdala saakin dito pero bakit pa siya andito?

"Uhm" rinig kong ungol niya, nakita ko pa ang pag dilat ng mga mata niya at agad umayos ng upo.

"Gising ka na pala, you okay know?"

"I'm already fine"

"San ka galing kanina? bakit may daplis ka? may nag tangka na naman ba sa buhay mo?"

"attorney ka nga palatanong"

"Pasensya na, nga pala bumisita kanina yung kapatid mo"

"Bakit daw?"

"Ewan ko, may dala ngang bata" bumilis naman ang tibok ng puso ko nang sinabi niya iyon, gagong kuya yun ah?! bakit niya dinala si Masha!? talagang botong boto siya kay JM at siya na ang gumawa ng paraan para mag kita ang landas ng anak ko at si JM!

"Ahh?"

"hindi naman sila nag tagal, sino ba yun? tinawag ka kasing mommy?"

"Kapatid ko! kapatid ko yun!"

"Galet ka? kumalma ka nga, may ibinilin lang naman si Ashton sabi na pinadala daw ni Alice."

Tumayo naman siya at may kinuha sa sofa na paper bag. Agad naman siyang bumalik sa tabi ko at binigay ito saakin.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now