Napapaligiran nang mga tao ngayon ang hall. Isa itong pagpupulong kung saan naiiba sa kung anong ginagawa namin noon sa Council of Maliante.
Ang araw ng aking paghuhusga.
"Ms. Red, handa ka na ba?" napangiti ako ng mapait sa sinabi ni Primo
Naalala ko noon, dati syang apprentice ni Blake. Bukod sakin si Primo ang palaging nakakasama ni Blake sa kanyang mga paglalakbay.
"Di kita masisisi sa kung ano man ang iyong magiging plano ngayon Primo. Ngunit, sana mapatawad mo ko bago ako mawala" sa pagkasabi ko non, hinarap ko sya at inabutan nang tissue sapagkat alam kong iiyak sya ngunit sa di ko inaasahang pangyayari...
Nakatayo lang sya. Nakatitig sakin tipong ang kanyang mga mata mismo ang nagsasabi sakin ng kanyang nararamdaman.
"Itinuring kitang tunay na ehsan, sapagkat ikaw lamang ang mahal nya"
Napangiti muli ako, ngayon alam nya na kung paano makipag psychokinesis na kay Blake nya lamang iyon natutunan, katulad ko.
"Naiintindihan kita. Kaya nararapat lamang sa akin na mawala hindi ba?"
"Ngunit sa ayaw ko man na ikaw ay mabuhay dito sa recreation. Gagawa at gagawa nang paraan ang mga Maliante na hindi ka mapatay"
Napabuntong hininga na lamang ako sa kanyang nasabi.
Tama sya. Sa kanyang pagkamatay at pagkawala sa mundo ng recreation nabuhay muli ang dugo ng mga Maliante.
"...pati na rin ang mga Halvorc"
Hindi maaari. Mga wala silang utang na loob maging respeto sa kanilang dating pinuno di nila ginagalang at ngayon agad agad nilang papalitan nang ganon ganon lang? Ni wala pa ngang isang linggo pagkamatay nya
Sinasabi ko na nga bang dati pa ay magkasabwat na ang mga Maliante at Halvorc. Kung magpapatuloy pa ito masasakop nila ang Recreation at pag nangyari iyon ang mga nanahimik na Livias ay mauubos.
Ang mga pangarap ko di ko na matutupad
"Pwes, gawin mo ang lahat para mapatay nako. Ikaw ang piniling abogado nila. At isa nang advantage sakin na wala ka sa panig ko" napasigaw nako sa kanya.
Alam nya ring posibilidad non kaya naman alam ko ding nag aalala din sya sakin. Kahit naman na nagluluksa sya ngayon nang dahil sakin di pa rin mawawala ang pagkakaibigan namin. Aba papatayin ko sya sa harap ko ngayon kapag pati sya magtaksil.
"Kahit pa alam nating dalawa ang kapangyarihan ng T.E.N?" ano ba 'to? Ano ba ang ibig sabihin nya?
"Primo! Yan ba ang tinuro ni Blake sayo ha?! Ang maging duwag?! Wag mong sabihin natatakot ka sa kanila? Hoi tandaan mo isa kang Austin nasa dugo natin kaya inaasahan niya na walang duwag sating dalawa. Umayos ka jan baka ikaw isunod ko"
"Sinasabi ko lamang ito dahil kahit pa alam at may kompyansa na tayo sa talento at galing natin. Alam nating parehas na pagdating sa pagplano mas mautak pa rin sila" ramdam ko ang pag aalala nya ngunit kailangan ko munang ipamukha sa kanya ang reyalidad.
"Kung naririto lamang sya siguradong poprotektahan nya ang Recreation"
Sa panahon kasi ngayon. Ang pagkawala niya ang naging daan para maging mas magulo ang buhay namin.
Kung sana di iyon ang tadhana natin.
Di lang si Primo at Black ang nawalan maging ako din. Nakakalungkot dahil ako pa ang dahilan non. Tadhana ang dumikta sa amin at wala sa aming mga Livias ang makakawala doon. Nasa Recreation man kami di rin mawawala na may mga tahak kaming dinadaanan.
Napakalungkot na nga ng araw nato aba ginagalit pa ako ng mga walang kwentang tao. Kung dati nahaharap ko sila ngayon parang bumabalik ako sa pagiging duwag.
"Sa nakikita ko mukhang ikaw tong naduduwag ah"
Fuck. He's always right. Minsan nagtataka na ako kung magkapatid ba sila ni Blake eh
"Primo, alam mo kung bakit"
"Then, don't act na matapang ka ngayon. It will not last long diba?" shit, is this the way he condemned?
Kase pucha! Konsensyang konsensya nako!
"Tama na! Diko na kaya. Mahirap din sa akin ang mga nangyari. Please nagmamakaawa ako na itigil mo na!" tanginang luha 'to oh
Magsasalita na sana si Primo nang may nagbukas ng pintuan.
"Pumunta na kayo sa baba" ngayon ko na lang ulit sya narinig magsalita, ate
"Keep it down, Ms. Red"
"Ate, patawarin mo po ako"
Sa pagkasabi ko non bigla nyang isinara nang malakas ang pinto
"Tara na nga. Baka mabuhos ko pa dito galit ko sayo" napatingin ako ngayon kay Primo.
Aba iba din itong batang to ah. Pinunansan ko ang mga luha ko. Naaalala ko tuloy si Blake sya kasi ang nagpupunas nito pag naaapi ako eh. Pero di ko masisisi si Primo. Karapatan nya naman talaga nyang magalit pati ni ate
Binuksan na ni Primo ang pinto.
At ngayon naglalakad na kami papunta sa harap, ramdam ko ang mga nanlilisik na mata nilang lahat.
Siguro nga ito na nga ang katapusan ko. Alam ko kasing hahanap at hahanapan nila ako ng mga butas para patayin ako sa paglilitis na ito. Ito na ata ang pinakamasayang araw kung mangyari man iyon. Magkakaroon na sya ng hustisya.
Sa iba ayaw nila ang ganitong feeling na naakusahan lalong lalo na kung hindi naman ikaw talaga ang may sala. Ako kasi masayang nalulungkot bukod sa nawala na nga ang pinakamatalik kong kaibigan, wala pa akong taong mapag sasabihan ng aking mga nararamdaman ngayon. Siya lang kasi ang inaasahan kong makikinig sakin eh ngunit wala na sya.
Sa pagkakataong ito wala na ako sa sarili ko. Hindi na ako nagulat sa naging desisyon ng judge. Halos lahat ay natuwa at yung iba ay napaupo sa pagkadismaya. Hindi naman talaga makatarungan kung mapapatay ako o hindi eh. Wala sa dalawang iyon ang tama para magkaroon ng hustisya ang biktima. Napangisi ako at nakita ko ang isang pigura sa taas ng bintana
Alam ko ang kanyang iniisip. Tama sya, ako lang ang maaaring magpatakbo sa mundong ito
Ngayon, simulan na natin ang pakikibaka ko...
•' @froxxGene
> need for improvements po.
> critics are so much helpful and appreciated po thank you
YOU ARE READING
IMAGINE WORLDS: The Gangsters
General FictionBeing one of a kind is sometimes good and definitely not. Samahan sina Leine "Red" Haven at Blake "King" Austin sa kanilang paglalakbay sa kanilang mundo- Recreation.
