Ganon padin siya walang nag bago sakanya, kung anong Misha ang nakilala ko noon ganon pa din ngayon, mas lalo nga lang siyang gumanda ngayon sa paningin ko.

"Fine" napangiti naman ako sa sagot niya. Pinag buksan ko lang siya ng pinto at pinaandar ko na yung kotse at tuloyang umalis sa lugar.

Parang yung pagod ko kanina nawala ng makita ko siya, I just missed her! I still like her. Sinulyapan ko naman siya bago ko binalik ang paningin ko sa kalsada.

"That's why you're marrying someone it's because you've a child?" biglang tanong niya saakin kaya napasulyap ulit ako sakanya.

"Pinag sasabi mo?"

"You're so careless JM"

"Single ako hanggang ngayon"

"Really? so you're telling me my brother lied to me?"

"May problema nga ako sa kasal thingy ngayon, I can't deny that pero trust me, single ako, walang girlfriend walang anak, unless may lalapit saakin at sabihin na may anak ako sakanya"

"Bakit pag meron ba pananagutan mo?"

"It depends baka pinapa angkin lang saakin yun"

"What if sayo talaga?"

"Edi pananagutan ko"

"That's good to hear"

"Why?"

"Nothing"

"Naalala mo ba yung sinabi ko sayo noon?"

"Wala akong naalala, teka mag drive thru muna tayo diyan" tinuro niya naman ang McDo, hindi na ako pumalag at sinunod nalang siya.

Hinayaan ko naman siyang mag order pero ako yung nag bayad, nag away pa nga kami dahil ayaw niyang mag patalo pero ako padin ang nag bayad sa huli.

"May anak ka na ba?" kunot noo kong tanong sakanya, may kiddie meal siyang binili, pero pwede din sigurong para sa mga pamangkin niya.

"What if I have?" lumaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya, kung hindi lang bumusina ang nasa likod siguro hanggang ngayon nakatitig lang ako kay Misha, nabitin ako sa pag kagulat ko.

Naaalala ko pa naman noon na yung sinabi ko sakanya sa hospital, pag babalik siya dito sa Pilipinas liligawan ko siya, parang wala na akong pag asa ata? may asawa na ata tong si Misha.

Hindi naman kasi ito tipong babae na kahit kanino nalang bibigay at mag bubunga. Siguro may asawa na siya ngayon at kasama niya ito ngayon dito sa bansa.

"I think it's too late" yun nalang ang sinabi ko sakanya at ngumiti.

"Tatanggapin mo padin ba ako kahit may anak ako?"

Bakit wala ba itong asawa ngayon tulad ng inaasahan ko? hindi ba siya pinagutan ng lalaking nakabuntis sakanya? aba gagong yun! may ibang lalaking pinapangarap si Misha tapos binuntis niya lang at iniwan?

Itinigil ko naman ang kotse ko sa tabi ng kalsada at tumingin sakanya, nakita ko naman ang pag kakunot ng noo niyang tumingin sakanya.

"May anak ka ba talaga?"

"Wala, it's just a question JM"

"Sigurado ka? masyado ng nakakagulat ang balitang andito ka pero mas nakakagulat atang may anak ka na at asawa, Ashton never mention that to me"

"Wala, eh uwi mo na ako JM" tumango nalang ako bilang sagot at binalik ko sa kalsada yung kotse.

Nang makarating kami sa bahay ni Alexander at Ashton, hindi na niya ako hinayaan na ipasok pa ang kotse sa loob kahit anong pilit ko sakanya ayaw niya, kaya hinayaan ko nalang siya, tinignan ko nalang siyang makapasok sa gate at umalis din.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now