Wala na talaga akong planong bumalik sa bansang yun, mas okay na dito nalang ako, tahimik pa ang buhay ko, baka pag bumalik ako don, babalik ako sa bansang to na wala ng buhay.

Kukwento saakin ni Kuya Ashton kung ano na ang nangyayari sa buhay ni JM, kahit wala akong pakialam, may kasintahan ito ngayon at sinabi daw ni JM na may plano daw siyang pakasalan ang kasintahan niya ngayon, naging mag bestfriend pala ang dalawa simula nung umalis ako.

Nung nalaman ni kuya na si JM nga ang ama, sasabihin niya sana ito kay JM pero pinigilan ko na lamang at nag makaawa pa ako sa harap niya para lang hindi niya sabihin, kahit daw hindi niya naiintindihan ang naging rason ko pero dahil kapatid niya ako pinagbigyan niya na lamang ako.

Sumunod naman ako sa kusina at nakita ko si kuya at ang anak ko na kumakain ngayon ng cake. Tumabi naman ako sa kapatid ko na ngayon nakatingin lang sa anak ko.

"Turuan mo na itong mag tagalog Misha, ang pangit ng conyo na english at spain"

"Hayaan mo na bata pa naman"

"Punta naman kayo sa Pilipinas"

"Kuya naman sinabi ko naman sayo na ayaw ko, bakit mo ba pinipilit?"

"lil sis alam mo bang botong boto ako kay JM para sayo? hanggang ngayon nga gusto ka padin ng gago kaso may girlfriend lang talaga yun"

"Gago nga talaga, may girlfriend tapos may gusto sa iba?"

"tsk, sumama na kayo saakin, kahit mag bakasyon lang kayo don?"

"Nope!"

"Kahit na sabi yun ni mama at papa?"

"What? don't tell me nag hanap ka ng kakampi? pinagkakaisahan niyo ba ako?"

"Kinda?"

"Oh ghad! kuya naman eh!"

"Gustong gusto din ng mga magulang natin si JM, ikaw lang talaga yung choosy bakit nga ba hindi mo siya nagustohan?"

"He's an attorney kuya"

"Oh tapos? wag mong sabihin na gagawa ka ng krimen don? hindi naman siya pulis"

"Basta!"

"Sasama ka Misha" napatingin naman ako sa likod ko, andon ang mama ko, nakita ko sa pagmumukha niya ang pagiging seryoso, lumapit naman ito kay Missy.

"Sumama ka anak, alam mo ba muntik na kaming hindi ikasal ng papa niyo? kasi may iba akong mahal pero dahil may laman na ang tiyan ko at ikaw yun Ashton at ayoko naman lumaki ang anak ko na walang ama at nung nalaman ng mahal ko na buntis ako hindi niya ako tinanggap, kung sinasabi mong hindi mo mahal ang ama ng anak mo matutunonan mo din naman siyang mahalin." mahabang palantaya ng nanay ko

Pinipilit talaga nila akong pumunta sa Pilipinas at sabihan si JM?

"Malaki na si Masha ma, huli na ang lahat para sabihin sakanya" yan lang ang naisip kong masabi ko para hindi na nila ako pilitin pa pero parang wala namang kwenta nung sinabi ko eh!

"Hindi pa huli ang lahat, alam mo lil sis? kung bakit gustong gusto ko si JM para sayo? kasi kahit nakita na niya na nasa delikado ang buhay mo pero pinili niya padin ang magkagusto sayo"  napangiwi naman ako sa sinabi niya, nang titrip na naman itong gago.

"Wag niyo na akong pilitin pa"

"Misha anak?" pumasok naman ang tatay ko, napatingin naman ako sakanya, nakita kong nakatingin lang ito sa papel na hawak niya.

"Nag usap ba kayo ng tito mo?"

"Hindi po bakit?"

"Sinend niya saakin ito, ano to?" kinuha ko naman ang papel na hawak niya at tinignan ito.

Mga clan at pamilya ang andito kaya kumunot din ang noo ko.

"Just call your tito, wala siyang ibang sinabi saakin kundi ang ibigay ko lang ito sayo"

Tumango naman ako at kinuha ang cellphone ko, tinawagan ko naman ang tatay ni Belle.

"Tito"

"Natanggap mo ba hija?"

"Opo, ano po ba ito?"

"Ipapalinis ko sayo, wala na akong ibang maasahan kundi ikaw nalang"

"Teka clan at pamilya lang ang mga nakalagay dito pero saan ba ito?"

"Sa Pilipinas"

"Is this a joke?" tumingin naman ako sa mga magulang ko at sa kapatid ko pero sobrang seryoso ng mga tingin nila saakin habang nakakunot ang noo.

"joke? what joke hija?"

"Pa! pati ba naman si tito sinasali niyo?"

"Anong sinasali anak?"

"Oh ghad! if this is a joke expect na hindi niyo ako makikita"

"Hija, alam naman natin na hinding hindi na gagawin ni Belle at Alice ang paglilinis na yan, kaya ikaw nalang maasahan ko, they tried to drag us down I'll just send you some information about those clan at familia" binaba niya naman ang tawag.

Para naman akong binagsakan ng langit nito. Parang pinagkakaisahan ako ng lahat eh! pati ata ang tadhana.

"Ano sabi"

"He want me to do some cleaning at Philippines" mahinang sabi ko, nakita ko naman ang pagkagulat ng tatay ko.

"Pati ba naman tadhana gustong gusto kang papuntahin ng Pinas" masayang sabi ng kapatid ko, inirapan ko lamang ito.

"If you want, magpapadala nalang ako sa gagawa niyan anak?"

"No thanks, if this is just a joke for all you para lang mag tagpo ulit ang landas namin ni JM, talagang hindi na ako mag papakita sainyo"

"Mag papadala ka nalang Momus, hindi namin ito plinano anak" sabi ng nanay ko.

"No pupunta ako don, nandon si Hansel gusto ko ako mismo ang papatay sakanya"

Snow White and the Poisonous Apple ✔Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα