Chapter 30....FINALE...

21.1K 539 78
                                    

KUNG AKO NALANG SANA

"WAYNE & ELISE"

BY:EMMZ

FINALE.....

Dali daling binuhat ni Duane si Elise ng bigla nalang nawalan ng malay tao at agad niyang inilagay sa may klinika ng ospital at doon sinuri ng doktor habang si Duane ay nakabantay sa kanyang hipag na nanlulumo ang pakiramdam nito dahil sa mga nangyayari sa kanilang pamilya..

Kay sakit para kay Duane ang pagpanaw ng kanyang kaisa isang kapatid at higit sa mag ina ng kanyang kapatid na kamailan lang na naayos ang pagsasama ng dalawa at ngayon ay wala na si Wayne...

"Diyos ko po kay lupit namang pagsubok ang dumating na ito sa kanilang dalawa,,,

Sana po ay makayanan ni Elise ang kanilang sitwasyon lalo na ang kanilang anak..nanlulumong wika ni Duane habang pinipigil ang pagluha na nakatunghay sa kanyang hipag na walang malay tao...

Samantala sa may loob ng ICU kung saan nakaratay ang sugatang walang malay na katawan ni Wayne...

"Bro pakialis na ang ang mga monitors na nakakabit sa katawan ng patay!... utos ng assistant ng doktor na umopera kay Wayne sa kasama niyang lalaking naroroon..

"Opo!.. agad na sagot naman ng lalaki saka binalingan nito ang walang malay taong katawan ni Wayne...

Iiling iling ang lalaki dahil nanghihinayang siya sa gandang lalaki ng taong nakaratay sa kama na ngayon ay wala ng pakinabang..

"Hay naku buhay nga talaga kung oras muna wala ka ng kawala kay kamatayan... bulong ng lalaki sa sarili saka inumpisahan niyang ayusin ang mga aparatong nakakabit palang sa katawan ni Wayne ng may parang umagaw ng kanyang pansin sa may monitor at ng kanyang muling bigyan ng pansin ay napanganga ang lalaki na hindi makapagsalita sa pagkabigla...

"Oh bro bakit anong nangyari at napatulala ka riyan?... tanong ng assistant ng doktor sa kasama nitong lalaki ngunit nakatulala lang siya sa may monitor kaya naman tinapik niya ito at doon naman nagising sa pagkatulala ang lalaki..

"Sabi ko bakit napatulala ka riyan ayusin mo na ang mga gamit ng maihanda na ang bangkay para dalhin sa funerarya... muling ulit ng assistant ng doktor sa lalaki..

"Kasi po yung monitor po!.. saad ng lalaki sabay turo ng monitor na tiningnan naman ng assistant ng doktor..

"Oh my GOD it's a miracle!... bulalas ng assistant ng doktor kaya agad niya itong tiningnan ang lahat ng vital organs sa katawan ng walang malay na si Wayne sa monitor..

"Bro tawagin mo si dok!.. Nagpafunction na ulit ang mga vital organs ng biktima!.. natatarantang utos nito sa kasamang lalaki at agad namang tumalima ito para tawagin ang doktor...

Sampong palang nakakalipas mula ng idiniklara ng doktor na patay na ang pasyente ay hindi na malaman ang gagawin ng mag anak ng biktima at awang awa ang doktor sa reaksiyon kanina ng asawa ng pasyente dahil sa pagwawala nito ng bigla na lang lumabas mula sa ICU ang kasama nilang lalaki kanina na para bang nababahala ito..

"Doktor yun pong pa- pasyente! halos pautal utal na saad ng lalaki sa doktor kaya't biglang nag alala naman ang doktor..

"Bakit anong nangyari sa pasyente?...gulat na tanong ng doktor sa lalaki..

"Ka kasi po doktor bumalik ang kanyang pulso at nag pafunction na po ang mga vital organs niya!... sagot ng lalaki na ikinagulat ng lahat..

"What!.. sabay sabay na bulalas ng lahat sa pagkabigla..

"Totoo po doktor at mas malakas po ang pintig ng pulso nito kesa kanina!.. muling pagbabalita ng lalaki kaya't agad na tumalima ang doktor para puntahan nito ang pasyenteng idiniklara na niyang patay kanina...

KUNG AKO NALANG SANA..."WAYNE"..(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon