Chapter 18

10.6K 215 5
                                    

KUNG AKO NALANG SANA

"WAYNE & ELISE"

BY:EMMZ

CHAPTER 18...

Hindi makapaniwala ang mga kasambahay ni Wayne sa kanyang ipinagtapat tungkol sa kanyang damdamin kay Elise sa apat na taong nakalipas at higit sa lahat ay ang tungkol sa pagkakaroon niya ang anak dito,..ngunit ng maipaliwanag niyang mabuti ay naantig ang damdamin ng kanyang pamilya sa mga hinanakit na naranasan ng niya noon...

"So ano na ngayon ang plano mo apo,..mahigit isang buwan nalang at kasal mo na papaano mo malulutas ang problemang ito ngayon!,..saad ni lolo Baste kay Wayne na noon ay magulo ang kanyang utak tungkol sa mga pangyayari...

"Ewan ko po lolo!,..sa ngayon ay hindi ko pa maisip ng mabuti kung ano ang dapat kong gawin ,..magulo po ang utak ko at gusto ko po munang mapag isa sa tahimik na lugar para makapag isip ng tama....ani Wayne na may maalala siyang bigla...

"Ay kuya alam mob a nag address ng bahay nila Elise?...baling ni Wayne kay Duane habang kumakain pa ito...

"Hmm noon eh sa may Alabang sila nakatira pero ng mamatay si Elisa ay bigla nalang silang lumipat at hindi ko alam kung saan sila lumipat dahil ng puntahan ko sila noon ay sabi ng kanilang kapitbahay ay biglaan daw noon ang kanilang paglipat kaya walang nakakaalam kung saan sila lumipat.....sagot ni Duane sa kanyang kapatid...

"Ganon ba salamat kuya sige po lolo,..mommy at ate Margaux tutuloy na ako baka mahuli na ako sa trabaho.....ani Wayne saka tuluyang iniwan ang mga kapamilya sa hapagkainan...

"God saan ko kaya hahanapin ang aking mag ina,..sana mahanap ko na sila habang maaga pa para malutas ko ang problemang pinasok ko,..God please help me to find them,..my son need me so much,..he really missed me and I missed him too,..nasasabik na akong tawagin niya akong daddy,..nasasabik na akong mayakap siyang muli at kaysarap ng pakiramdam ng mayakap ka ng iyong anak kahit hindi pa niya ako kilala bilang kanyang ama dama ko sa kanyang yakap ang pangungulila niya sa akin at nasasaktan ako Lord dahil sa nangyayaring ito,..sana po Panginoon ay maayos ko ito bago maging huli ang lahat....samo ni Wayne saka sinuklay ang kanyang buhok sa pamamagitan ng kanyang mga daliri at isinandal ang kanyang ulo sa may swivel chair sa kanyang opisina kasabay ng pagtulo ng kanyang luha...

Wala sa tarabaho ang konsentrasyon ni Elise ng dahil sa nalaman niya kay Rayne tungkol kay Wayne at hindi niya mapaniwalaan ang lahat ng mga sinasabi ng kanyang anak ngunit alam niyang hindi sinungaling ang kanyang anak...

"Wayne paano mo nasabing minahal mo ako ni hindi ko naman naramdaman at hindi mo naman ipinahiwatig sa akin,..sana noon ko pa nalaman para sana man lang ay naibaling ko sa iyo ang aking atensiyon noon,..ngayon ay malapit na siguro tayong magkita pero hindi na pupwede dahil malapit kana palang ikasal,..napakaswerte ng babaeng pakakasalan mo Wayne dahil alam kong mabait ka at responsible,..sana Wayne dumating ang araw na makahingi ako ng tawad sa iyo nagawang kong kasalanan lalo na sa namagitan noon sa atin ,..hindi mangyayari sana yun kung hindi kita inakit at talagang wala sa isip ko ang ginawa ko noon dahil pakiramdam ko ay walang taong pwedeng magmahal sa akin kaya sa kadesperadahan ko'ysa iyo ko ibinunton ang lahat ng sama ng loob ko dahil nais ko noong maramdaman kung paano mayakap ng isang lalaki,..kung paano makulong sa mga bisig at maramdaman ang maiinit na halik......ani Elise sa sarili ng muli niyang maalala ang mga sandaling pinagsaluhan nila ni Wayne ang mga halik nitong naglakbay sa buong katawan niya,..ang mahihigpit nitong yakap na kay sarap makulong sa mga matitipuno nitong mga bisig at ang pag angkin nito sa kanya na kahit lasing siya noon ay ramdam niya ang buong pag iingat ng tuluyang makuha ni Wayne ang kanyang puri hanggang sa makatulog siya at ng magising siya ay nakakulong parin siya sa mga bisig nito....

KUNG AKO NALANG SANA..."WAYNE"..(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon