Chapter 29

11.8K 249 4
                                    

KUNG AKO NALANG SANA

"WAYNE & ELISE"

BY:EMMZ

CHAPTER 29...

Muli na naman sanang kakalabitin ni EUnice nag gatilyo ng baril ngunit isang putok muli ang umalingawngaw sa paligid kasabay ng pagkatumba ni Eunice at noon din ay lumapit ang mga pulis na nagroronda sa paligid ng park at agad nilang binuhat si Wayne at isinakay sa patrol car at sumama sa pagdala sa pagdala kay Wayne sa ospital si Elise na nangangatog ang tuhod at nanghihina sa sinapit na iyon ni Wayne samantalang si aling Remy ay pinapatahan nito ang apo na si Rayne na iyak ng iyak dahil sa nagyari kay Wayne at sa pagkagulat sa pagkakakita sa dugong umaagos sa katawan ng ama nito...

"Granny i want to see my daddy hu hu hu!.. halos hindi mapatahan ni aling Remy si Rayne sa kaiiyak at dahil sa tinawagan na ni Elise ang mga pamilya ni Wayne kaya't agad na pumunta naman ang magbiyenan sa kinaroroonan nila...

"Apo hindi tayo pwedeng pumunta sa ospital dahil hindi pwede ang bata doon at ok n aang daddy mo kasi tinakbo na sa ospital at ginagamot na siya... maluha luhang wika ni aling Remy sa apo dahil hindi rin siya mapalagay sa nangyari kay Wayne dahil sa dalawang bala ang tumama sa kanyang likod...

"Oh Diyos ko Po iligtas po ninyo si Wayne sana makayanan nila ang pagsubok na ito... hindi na napigilan pa ni aling Remy ang pagdaloy ng kanyang luha na kanina pa niya tinitimpi...

Samantalang si Eunice ay agad ding isinugod ng mga pulis sa ospital ngunit ayon sa impirmasyon ng mga pulis ay hindi na daw ito umabot pa ng buhay dahil sa mismong puso ang tama nito...

Hindi mapalagay si Elise sa may waiting area ng ospital iyak ng iyak..lakad dito lakad doon ang kanyang ginagawa habang umuusal siya ng panalangin para sa kaligtasan ng kanyang pinakamamahal na asawang si Wayne...

"Oh Diyos ko sumasamo po ako na sana ay iligtas ninyo ang aking asawa kailangan po namin siya ng aking anak hu hu hu!... piping dasal ni Elise at hindi na niya alintana ang kanyang hitsura na puno ng mantsa ng dugo ni Wayne ang kanyang damit dahil sa pagyakap niya kanina sa may sasakyan...

Halos pabalik balik si Elise sa may pinto ng ICU para lang masilip ang kanyang asawang si Wayne ngunit hindi naman siya makapasok kaya't kinakabahan na siya dahil wala pa siyang alam sa nangyayari sa asawa kung ano ang kalagayan niya at ng may lumabas na staff sa ICU ay agad niya itong nilapitan...

"Excuse me po pwede po bang malaman ang lagay ng aking asawa?.. kinakabahang tanong ni Elise sa staff na kasama sa may ICU

"Sa ngayon po mam ay maselan ang lagay ng asawa ninyo under operation palabg po siya at inaalis pa lang ang bala ng baril na tumama sa lanynag likod at he still so lucky dahil hindi sa may baga niya tumama ang bala at maraming dugo ang nawala sa kanya kaya't kakailanganin namin ang blood donor kung mayroon sana pero kung wala ay bibili nalang tayo...pahayag ng lalaki kay Eluse na mas ikinabahala niya...

Ilang sandali pa ay dumating na rin si lolo Baste at Donya Amparo at agad niyakap ni Elise ang biyenan at humagulgol ng humagulgol sa dibdib ng kanyang biyenan hanggang sa kapwa na sila nag iyakan at doon na nalaman ni Elise na patayna si Eunice dahil galing ang dalawa sa pinangyarihan ng krimen at dahil sa kaiiyak ay nakatulog na daw si Rayne...

"Mommy alam na ba ni Duane ang nangyari kay Wayne.?.. tanong ni Elise kay Amparo ngunit hindi maampat ampat ang pagtulo ng kanyang luha sa mga mata nito...

"Oo iha at katatawag lang niya kanina na nasa daan na daw sila iniuwi rin niya rito ang kanyang pamilya at pansamantala munang maglalagi ang kambal sa mga magulang ni Margaux... malumanay na sagot ng ginang habang hawak hawak nito ang mga kamay ni Elise dahil sa namumutla ang mukha ng kanyang manugang ngunit hindi na niya ipinahalata pa dahil alam niya ang pinagdadaanan ng kanyang manugang sa sitwasyon ngayon ng kanyang anak..

KUNG AKO NALANG SANA..."WAYNE"..(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon