LIKE FATHER, LIKE SON

Start from the beginning
                                    

"Tae. Maputi ang nanay eh. Antayin mo lumingon. Para kang tumingin sa salamin. Hahaha!" Banat ni Dani. Pero ang totoo natitense pa rin ako. Shucks! C'mon Micoi. I already want to give you a hug.

At nang makita namin na dinismiss na sila. Dali-dali na kaming lumapit sa kanya.

Ohhhhhhh!!!! Myyyyyyyy!!!!!!! God!!!!!! Anak ng!!!!

Totoo nga, kamukhang kamukha kita!

"Hi Micoi, how are you?" Bati ni Dani sa kanya. Grabe ang pawis nya. Napagod ata. Kawawa naman, Dahil maputi, halatang namula-mula pa ang balat nya.

"I'm ok teacher." Sabi nya nang malumanay , halatang pagod. At di magawang ngumiti. Kay Dani lang nakatingin. Salubong ang mga kilay.

Abot abot ang kaba sa dibdib ko.

"Do you have a spare shirt and a towel?" Hindi na ako makatiis. Yung itsura nya kasi na sobrang pawis at parang magkakahika.

"It's inside my bag po." Sagot ni Micoi. At iTinuro nya kung asan ang bag nya.

Kinuha ko agad yung towel at damit nya. Aba! Kompleto. May baby powder at cologne pa syang dala. May extra underwear at undershirt. Shorts and shirt. No wonder parang dala na nya buong cabinet nya.

"You've got a big bag huh?!" I asked. Para mawala nang konti ang tensyon.

"Dan, bili ka saglit ng mineral water. Please." Utos ko kay Dan.

"Ok Manong. I'll be right back." At iniwan nya kaming dalawa.

Pinunasan ko sya, nilagyan ng powder ang likod nya saka ko pinalitan ang damit.

At nung mabihisan ko, I combed his hair with my fingers. Wala syang dalang suklay eh. Ganon din ako.

"You okay now?" Sabi ko sa kanya habang nakaupo kaming dalawa sa bench. Tinitigan ko sya nang husto.

"I'm fine po. Thanks for the help." Sagot nya sa akin... Ahhhhhhhh!!!!! Ang sarap naman pakinggan.

Di ko na napigilan, inilapit ko sya sa akin sabay inakbayan ng mahigpit habang nakahilig ang ulo nya sakin... "It's my pleasure Micoi."

And I will do everything for you Son.

"By the way Micoi, I'm Tito Kief. Elder brother ni Teacher Dani. I learned that you are very engrossed into basketball. I can help train you for free. Does that sound good?"

Biglang umaliwalas ang mukha ni Micoi. Nawala yung salubong nyang kilay. Mukhang nawala bigla ang pagod nya. Humarap sa akin sabay tumayo.

"Really Tito? When are we gonna start then?" Excited nyang tanong sakin.

"Well not today, but we can probably start tomorrow after your class. I'm available anytime, Micoi."

Basta ikaw....

"I will tell Dada and Mimay.... Uhmmm! My Mom isn't here yet. But I'm sure she's gonna allow me as long as I remain to be a good boy."

"Ehem! Ehem! Kuya, halika na Kuya at hinahanap na sya. Kanina pa daw nag aantay sundo nya. Ipapapage na nga dapat sya pero sabi ko kay manong guard dalhin ko na sa lobby." Singit ni Dani na di ko na namalayang nakabalik at may dalang mineral water.

"C'mon Micoi, let's go. Ate Isabel is waiting", sabi ni Dani. "Here, inumin mo muna beh!" At inabot ni Dani yung tubig. Grabe, dire-direcho ang paglagok sa tubig. Napakacute nya tingnan. Napa-naive.

Bumulong si Micoi kay Dani. To which napaismid ako.

"Oh ok. Sure, I will tell him." Sagot ni Dani sa kanya habang sakin ito nakatingin.

"Dan, pano pala yung mga pinamili ko sa kanya?"

"Tara Manong, kunin na natin dun. Dalian mo bago pa malaman ng mga biyenan mo. Baka mawalan ako ng trabaho sayo. Hahaha!" Nagmamadaling sabi ni Dani. Patakbo kaming naglakad papunta sa lobby.

"Uhmmm, Ate Isabel, sorry.." Yun lang ang nasabi ni Dani pagkakita kay Ate Isabel.

Nagpalipat lipat ng tingin sa aming tatlo si Ate Isabel. May pagtataka sa mukha nya.

Nagulat na lang ako nang bigla syang sumigaw at yumakap sa akin.

"Kieferrrrrrr!!!!!!!!!!! Kieferrrrrrrrrr!!!!!!" Bineso-beso ako. "Oh my God! Tingnan mo nga naman, dito pa talaga ulit tayo magkikita. Grabeeeeeee! Anlaki lalo nang ipinogi mo dear!!!!!!"

"Kumusta Ate Isabel?!" Tanong ko sa kanya habang pilit kong hinihinaan ang boses ko para hinaan din nya yung kanya. Haha!

"Eto, maganda pa rin. Never naman kasi ako binigyan ng sakit ng ulo nitong anak mo, este, nitong alaga ko kaya carry lang." May pagpapapout pa ng lips itong si Ate Isabel.

Inutusan ko ulit si Dani na kunin sa kotse yung mga pinamili ko para kay Micoi. Inginuso ko san ako nagpark.

"Uhmm, wala pa sya alam Ate Isabel" , mahina kong sinabi kay Ate Isabel, habang kunwari'y nililingon komsi Dani.

"Ohhh! Wala pa sa lagay na yan? Antagal nyo sa loob ha. Kala ko nga wala ka nang balak ilabas sya." Natatawang sabi nya.

"Kumusta po si Mika?" Biglang naitanong ko. "Lapit na birthday nya ah."

"Ay, nandun, rumarampa sa Hongkong. Kasama nya ang mga LINGs. Kanina lang actually sila umalis. Madaling araw. Tas Balik sila mga Wednesday night pa ata. Andami ngang bilin eh. Ang anak daw nya, wag pabayaan."

Sakto andyan na si Dani.

"Micoi, I have something for you." Lumapit ako sa kanya at lumuhod ng bahagya. "These are all yours. Teacher Dani told me you are the best boy in class, so I think you deserve a reward. And like what I told you earlier... i can help train you in basketball.. that's for free. I'll hand it to Ate Isabel coz it's quite heavy. Ok."

"Thank you so much Tito Kief", sabi nya sa akin sabay niyakap ako. Niyakap ko na rin sya ng mahigpit. Nang sobraaaaaaaannnggggggg higpit. Hinahaplos haplos ko ang likod nya. Hinalikan ko sya sa noo, sa magkabilang pisngi. Niyakap ko pa ulit. Only then that I realized I'm already teary eyed. Pati pala sina Dani at Ate Isabel, lumuluha na sa nakikita nilang eksena.

"I'm just here, Micoi. If you need someone to talk to, go ask Ate Isabel, I will give her my number. Ok." Hinalikan at niyakap ko sya sa huling pagkakataon, atleast for today.

Hinatid ko na sila sa sasakyan nila. Kinarga ko sya. Binilin ko si Ate Isabel. Sinabi kong babalik ako bukas, sasabayan ko sya maglunch. Pero susubukan kong tawagan sina Tito Migs. Hindi pwedeng hindi sila pumayag. Pero anuman ang sabihin nila, hindi nila ako mapiligilan na puntahan ulit si Micoi. Hanggang maglakas ako ng loob na sabihin na ako ang Daddy nya.

Ibinaba ko si Micoi at pinaupo na sa sasakyan nila, ako na naglagay ng seatbelt nya. Hinalikan ko sya ulit at niyakap bago tuluyang isinara ang pinto. Habang umaabante ang sasakyan, nagbukas ang bintana, kumaway kaway sila ni Ate Isabel, nginitian ako sabay sumigaw sya ng "Thank you!!!!!! Bye Tito!!!! See you again tomorrow!!!!"

Kumaway din ako sabay flying kiss.

Oh Micoi. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon anak.

I'll definitely see you again tomorrow! I promise!!!!

Nagpaalam na ako kay Dani. Stay pa kasimsya sa school.

Sabi ko, I owe her BIG time.

"A dinner treat is fine." Sagot sakin.

"Oo ba. Yun lang pala. Tawagan kita mamaya."

And I kissed my little sister goodbye.

Hindi ko yata magawang sumama ang loob kay Mika lalo at nakita kong napalaki nya ng maayos ang bata.

Pero humanda pa rin sya sa akin.

I don't smell revenge. But I'll do something she couldn't resist!!!!!

-------------------------------------------------------------------------------------------

PS: Enjoy reading guyths! 🙏😉😘💚💙👪

Thanks for the photo Blazy.

I need a 6 to 7 year old Kiefer photo tho. Maputi please. Hahahaha! 🙊🙈🙉🙊🙈

One Last Chance (A MIEFER Story)Where stories live. Discover now