Episode 10 - Drunk In Love

1.8K 83 3
                                    

*Theodore*

•••

   "What?" Tanong ko kay Bree nang mapansin kong titig na titig siya sa akin.

   Ipinatong niya ang baba sa likod ng kamay habang may hawak na kutsara, saka lalong sumingkit ang mga matang nakatingin sa akin.

   "You look different." Aniya na hindi iniaalis ang tingin sa akin na para bang ineeksamin niya akong mabuti.

   Kunot-noo akong nagsimulang kumain.

   "'Di ko alam sinasabi mo." Maikli kong sagot.

   "What do you think, Xi? Theo looks.. fresher. He's, like, literally glowing, isn't he?" Bulong niya kay Xi.

   "He's in love maybe." Ganting-bulong naman ni Xi habang ngumunguya.

   As if naman ay hindi ko sila naririnig gayong nasa iisang table lang kami.

   Nakuha ang atensiyon ko ni Jacob na katatalikod lang mula sa direksiyon namin.

   "Jacob!"

   Nang hindi siya humarap at diretso lang na naglakad palayo ay muli ko siyang tinawag nang mas malakas. Tila nakangiwi siyang pumihit at alanganing ngumiti habang bitbit ang tray.

   Kinawayan ko siya at minwestrahang maupo sa table namin.

   Naupo siya sa tabi ko, katapat si Xi.

   Oh, nakalimutan ko. Crush nga pala niya si Xi. Kaya siguro bigla siyang tumalikod nang makita niyang kasabay kong kumakain si Xilliam.

   "Hi, Jacey boy." Bati ni Xi.

   Nahihiyang ngumiti si Jacob. Tinanguan niya si Bree at walang-kibong nagsimulang kumain.

   "Sorry." Bulong ko sa kanya.

   Nagtatanong na tiningnan niya ako na sinagot ko ng pasimpleng tango sa  direksiyon ni Xi.

   Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin dahil sa bahagyang pamumula ng kanyang magkabilang pisngi.

   Sapat na iyon upang makumpirma ko na talagang may gusto siya kay Xi.

   "So, tell us, Theo. Bakit parang blooming ka ngayon?" Muling pagbubukas ni Bree sa usapan.

   Ang akala ko pa naman ay wala na iyon sa isip niya.

   "Nothing. Maganda lang ang naging tulog ko kagabi." Pabalewala kong sagot.

   "Hi, baby."

   Sabay-sabay kaming nag-angat ng tingin sa nagsalita.

   Naupo sa tabi ko si Jeremiah kasabay ng paghalik sa pisngi ko. Nang sulyapan ko si Bree ay naroroon at nakapinta ang ngisi sa sulok ng kanyang mga labi.

   Tumango-tango siya habang nakatingin sa akin na tila sinasabing, 'Now, I know, why.'

   Pabiro ko lang siyang inirapan.

   "Hi, Jacob." Bati naman ni Finn na pumwesto sa kabisera malapit sa kinauupuan ni Jacob.

   "Hi." Kiming ganting-ngiti ng nakababatang kapatid ni Jeremiah.

SBU Second Batch One (Book II) : The Boy In My Dreams ✔Where stories live. Discover now