HIMALAYAN MOUNTAINS

46 2 0
                                    

Axyl Pov

Nanlaki ang mga mata ko nung nagtama ang tingin namen kaya mabilis akong tumalikod sa kanya para iiwas ang tingin ko.

Hindi na ko nakapag isip ng tama sa panic ko at ang nasa isip ko lang ay kelangan ko na agad makaalis kaya niligpid ko na agad ang gamit ko at dali daling tumayo.

Habang papaalis na ko sa rooftop hinarang nya ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Nagtataka akong tinignan sya

"AXYL!!"Nabigla ako sa ginawa nyang pagsigaw sa pangalan ko kaya napaatras ang isang paa ko."My name is Madison Gojas from grade 12 1-C at alam mo ba mahal na mahal talaga kita simula pa nung junior high pa tayo" s-she's confessing to me right now?Ang unusual lang dahil usually binibigyan ako ng mga babae ng home maid chocolate o di kaya love letter at kung ano ano pang sweet na bagay at pagkain pero sya?Hindi nya manlang naisip kung saang lugar kami ngayon

Pero hindi naman big deal saken kung anong paraan nya ng pagcoconfess or kung saang lugar sya nagconfess saken dahil iisa lang naman ang kahahantungan nilang lahat REJECT!

Napairap nalang ako sa sinabi nya at nilampasan sya.I do'nt know why girls need to do that. They making theirselves less valuable.

Bumaba na ko sa rooftop na para bang walang nagyare. Sanay na ko sa mga babaeng nagcoconfess saken at inaasahan ko na may ganitong eksena pagpasok ko. Kasalanan na naman to ni mindy Im sure kaya alam ng buong school na pumasok ako ay dahil kay mindy. Sya lang naman ang mahilig gawing miserable ang buhay ko dito

Pinili ko nalang mag stay sa classroom. Medyo maaga pa para sa next subject namen kaya ako palang ang nandito sa classroom.

Isinuot ko nalang ang headset ko at cap atsaka itinaas ang dalawang paa sa arm chair. Matutulog na lang ako

After 10 minutes nakarinig na ko ng mga ingay kaya iminulat ko na ang mga mata ko. Dumating na ang teacher kaya as usual attendance ulit pagkatapos ay naglesson na.

Pinili ko nalang mag cutting sa susunod na subject dahil pakiramdam ko napakatagal ko ng namamalagi sa paaralan na to. Sobrang bored na bored ko.

Paano kaya kung hindi ako matalino? Kung hindi ko alam ang mga ilelesson ng mga teacher ko?Paniguradong mababawasan kahit konti ang pagkabored ko.

Pinili kong sa library nalang ng school ako magpalipas ng oras hanggang sa matapos ang klase.

Pumunta ako sa mga libro na may koneksyon sa astronomy at naghanap ng mababasa.

May pumukaw sakeng libro dahil sa kakaiba nitong cover. Makaluma ang cover ng librong to at kakaiba ang pagkakasulat ng pamagat nito. Kulay brown ito at kulay ginto ang pagkakasulat sa bawat letra



Binuklat ko ang unang page nito at nagtaka ako sa napagtanto ko. Iba ang lenggwaheng ginamet sa librong to pero nakakapagtakang naiintindihan ko ang nilalaman non.

Binuklat ko pa ang ibang bahagi ng libro at may nakita akong nakaipit doon. Binuksan ko ang nakatuping papel at nagtaka ako sa nakita ko. Para itong isang mapa pero mapa ng ano? At para saan ito?

Ipinagpatuloy ko ang pagbuklat non at nakakita ako ng isang picture. Para syang isang family picture ng isang maharlikang pamilya.

Parallel Universe ( Prequel of The Last Sunset) On-goingWhere stories live. Discover now