IV. One-shot Story

32 2 2
                                    

A n a k

Nandito ako sa kwarto ko at kasalukuyang tinitingnan ang pregnancy test na may dalawang guhit. Positive. Paniguradong matutuwa si John nito.

Hinawakan ko ang tiyan ko na hindi pa naman kalakihan ang umbok. I can still remember our first night, when me and my husband make love. Napangiti ako sa alaala. Sa tagal naming naghihintay, sa wakas at nangyari na nga ang gusto namin. Magiging pamilya na kami. Pinicture-an ko muna ang PT bago ito binalik sa lalagyan. Nag-ayos ako, kailangan ko makipagkita kay John ngayon para sabihin ang magandang balita.

Habang nasa daan papuntang hospital ay nadaanan ko ang isang daycare, punong-puno ng mga bata na naglalaro. May isang bata sa swing ang nakaupo at nakatingin sa akin. Nginitian ko na lang ito dahil naeexcite na kong ipaalam kay John na buntis ako.

Pagkarating sa hospital kung saan nagtatrabaho si John ay nagtanong ako sa mga nagkukwentuhan na nurse sa isang gilid. Marahil ay breaktime nila ngayon.

"Excuse me, nasaan si Dr. John Peraña?" Magalang kong tanong.

Nagbulungan ang mga ito pero may isang mabuting nurse ang sumagot.

"May surgery pa po ma'am." Sagot nito at tumingin sa suot na relo, "Patapos na po yon, mag-aalauna na po eh."

Tumango naman ako at nagpasalamat. Umupo ako sa hanay ng upuan malapit sa kwarto kung nasaan daw ang asawa ko. Habang naghihintay ay may nakita akong isang bata na naglalaro. Siya rin yung bata kanina sa daycare. Nginitian ako nito. Parang 3 taon pa lang ito, sino naman kaya ang mag-iiwan sa kanya dito, o baka may sakit siya? Lalapitan ko na sana ng may tumapik sa akin.

"Hon anong ginagawa mo dito?"

Nilingon ko ang asawa ko na halata sa mukha ang pag-aalala. Nginitian ko siya at binigyan ng yakap. Binalik ko ang tingin sa bata pero wala na ito. Siguro kinuha na ng may alaga.

"Breaktime mo na ba? May sasabihin sana ako sayo." Tipid kong sagot.

Dinala ako nito papunta sa office niya at umupo para mag-usap.

"Honey, you're going to be a father. I'm pregnant." Sagot ko na medyo naiiyak na dahil sa tuwa.

Halata naman ang gulat sa mukha nito. Tumayo ito at niyakap ako.

"Talaga hon? Ilang buwan na? O ilang weeks na?" Excited na tanong nito.

"Hindi ko pa alam hon, kakaalam ko lang kanina. Dumiretso agad ako dito kasi excited akong ipaalam sayo." Nahihiyang sagot ko.

Lumabas kami sa office niya at pumunta sa isang kwarto. Tinawag naman ni John ang kasamahang doctor na siyang may alam sa mga nagbubuntis. Habang ineeksamin ako ng babaeng doctor ay parang nakita ko ulit ang bata kanina pero agad din namang nawala. Kinikilabutan ako pero hindi ko na lamang pinansin, baka guni-guni ko lang.

Sabi ng doktora kay Dr. Pereña o ang asawa ko, three weeks na raw akong buntis. Binigyan niya ako ng mga reseta, at nagsabi rin ng mga bawal masyadong gawin.

"Hangga't maaari, huwag na huwag masyadong mastress." Huling bilin ng doktora bago umalis.

Bumalik naman kami sa office ng asawa ko dahil marami pa siyang asikasuhin. Matapos ang kalahating oras na kwentuhan habang nakain ay nag-ayos na siya para bumalik sa trabaho. Mga plano lang naman kay baby ang karamihan sa napag-usapan namin. Nakakatuwa kasi may mga naisip na kaming pangalan na pangbabae at lalaki. Mga gagamitin at iba pa. Uuwi naman ako para magstay sa bahay. Paalis na kami sa opisina nang may narinig kaming lagabog.

"Mommy, mommy, mommy."

Nakita ko na naman ang bata. At bakit niya ko tinatawag na mommy?

"Bakit natuwa ka ng malaman na magkakaanak na kayo? Eh ayaw niyo nga ng baby hindi ba? Kung gusto niyo, bakit niyo ko pina-abort?"

Paulit-ulit ito sa isip ko. Kahit ang boses ng bata na sumasambit ng mommy ay parang sirang plaka na paulit-ulit. Napahawak ako sa ulo ko. Hindi, hindi, hindeee. Ano bang nangyayari? At isang alaala ang nagplay sa aking isipan.

-

I was raped by my ex boyfriend two years ago. Nakulong rin naman agad ang lalaki matapos malaman ang ginawa sa akin. Natanggap din naman yon ni John na siyang kasalukuyan kong boyfriend. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, isang linggo bago ang kasal namin ay nalaman kong buntis ako. Hindi pa kami nagsisiping ni John kaya alam niyang dahil ito sa ex ko. Hindi matanggap ni John yon. Balak niyang iurong ang kasal at iwan ako dahil ayaw niya tanggapin ang batang hindi kanya. Ayoko namang iwan niya ako kaya napagdesisyunan naming ipaabort ang walang kamalay-malay na bata sa sinapupunan ko noon.

-

Nabalik ako sa sarili nang maramdaman na binuhat ako ni John. Nanghihina ako at hindi ko alam pero parang may umaagos sa binti ko. Bago makalabas ng kwarto ay tinitigan ko ang bata at umiiyak kong sinambit, "Sorry anak."

Nagising akong nasa kwarto, hawak-hawak ni John ang kamay ko.

"Anong n-nangyari hon?" Mahina kong tanong.

Bakas ang lungkot sa mukha niya. Mukha rin siyang umiyak dahil medyo malamlam ang mata niya.

"Sorry sorry hon, hindi ko naligtas si baby. Nakunan ka Rhea." Umiiyak na sambit nito.

Umiling-iling naman ako. Hindi totoo 'yaaan. Gusto ko siyang sigawan. Ramdam ko ang pag-agos ng luha sa mata ko. Niyakap naman ako ng asawa ko.

"Kasalanan ko hon. Hindi ko dapat pinilit na iabort yung anak mo noon. Hindi dapat kita pinainom ng pampalimot sa kanya kahit depressed ka non. Eto tuloy ang kapalit." Naiiyak na sagot ni John.

Nagulat ako sa mga nalaman. Niyakap ako nito dahil patuloy akong umiyak. Kasalanan ko. Kasalanan pala namin kaya nangyari ito.

Buong araw akong tulala. Hindi matanggap ang pangyayari. Yung hinihiling namin na mangyari, agad ding nawala. Ang hirap. Para bang yung plano namin kanina lang para kay baby biglang naglaho at nasira.

Tumulo ang luha ko hanggang sa naging hagulgol. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse.

"Ma'am naaalala niyo na naman ang nangyari noon. Tahan na po, eto po ang mga candy niyo." Sagot nito.

Tiningnan ko ang mga nilagay niyang gamot. Candies daw eh para sa pag-iisip yan. Hindi kalayuan sa bukas na pintuan ay may nakita akong isang bata na may hawak na garapon, sa loob non ay may isang fetus.

"Anak pasok kayo. Candies daw oh. Hati-hati tayo." Sagot ko.

Pumasok ang mga ito at tinabihan ako. Hinawakan ko sila at nginitian.

Patawad mga anak, patawarin niyo ako. Patawarin niyo ang daddy sa ginawa sa inyo...sa atin.

Nginitian lamang nila ako at bigla na silang nawala.

- E N D -

Credits to the rightful owners of the pictures I found in google. Thank you po. <3

- Natsunoya, A.
@misskhakiii

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A n a kWhere stories live. Discover now