Chapter 10

4 0 0
                                    

"Baby."



Bulong ko sa tenga ni Ranee, ayaw ko kasing ilakas, hindi sa ikinakahiya ko. Nahihiya lang talaga ako. Gets niyo 'yon?







"Yes baby?" mahina lang pagkakasabi niya kahit na may toma na yung mga kasama namin.




Ayun naman pala ang gusto. Baby daw, edi baby kasi. Pero wait, may sinasabi siya kanina eh, di lang natuloy dahil sa toyo niya.





"Ano yung gusto mong sabihin kanina?" Tanong ko sa kanya.



Dahil magkatabi kami, dikit na dikit din yung katawan niya sa'kin. Jusme! yung mga alaga kong pusa sa katawan nagwawala na naman.






"I'm just happy because of you." she said with her sweet voice.






Ang simple lang ng mga salitang galing sa kanya, pero ang lakas ng dating sa'kin. It made me smile the whole time with her, with them.





Sinipat ako ng tingin ni Clarence ng nakakaloko. Narinig niya siguro? well, maya nalang mag explain sa kanya. Enjoyin ko muna 'tong oras na 'to.








"Baaaabe kenneth! come here shot with us babe!" Naku po! ayan na naman si bakla! Mukhang makakasaksak ako ng esophagus nito ah?




Bumibili kasi yung kaedaran namin na kenneth yung name, walangyang bakla! Dami niyang kilala.



Umalis na yung Kenneth ng hindi man lang tinapunan ng tingin si Bakla. Kahiya talaga 'to. Parang hindi anak mayaman eh!






"Hmm.. baby?" Kinilabutan ako kung pa'no banggitin ni Ranee yun, bale nakasandal na yung ulo niya sa balikat ko. Mabuti nalang mga medyo may tama na rin tong mga kasama namin.




"Ano?" tanong ko habang inaayos yung pagkakasandal niya sa balikat ko, medyo nakakangalay kasi.



"Dad texted me, he told me that he wants your cook later. I'm getting jealous na nga eh. Parang mas anak ka pa nila kesa sa'kin." iniayos ko saglit yung ulo niya para makita ko kung ano yung hitsura nya ngayon. Nakapout siya, napangiti ako. She's more beautiful right now.






"Don't be jealous. Mahal ka nila. Remember that okay? Smile ka na dyan, tulungan mo nalang ako magluto mamaya para mas lalo ka pa nilang mahalin." Pag aalo ko sa kanya, para kasing bata hehe.




Dahil sa sinabi ko, napangiti siya. Ang sarap sa pakiramdam na napapangiti mo yung taong gusto mo.





"Thank you so much baby!" Bulong niya sa tenga ko, tapos sabay sandal ulit niya sa balikat ko. Hayyy mababaliw na ata ako.






Matapos ang inuman ay kanya kanyang uwian na, pero nagka aberya ng konti.. Paano kasi, si Eliza ayun ayaw paawat. Kaya ang nangyari, iniuwi ata Clarence muna sa kanila. Bahala na daw mag explain sa magulang niya, tumango nalang kami.





"Hindi ba kayo close ni Elaiza?" panimula ko. Pansin ko kasing parang hindi sila ganoon ka'close.






"Not really. I know her too well, sometimes i just don't like her damn attitude."




"Maka damn ka dyan! Tinanong ko lang kung hindi or oo. Grabe ka naman magsalita sa pinsan mo. Tsk." napasimangot sya bigla sa sinabi ko, pero maganda pa rin.






"Wag kang sumimangot, lalo kang gumaganda sa paningin ko."








O lupa! Kainin mo na ako. Nakakahiyaaaaa!








You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Your Forever SunWhere stories live. Discover now