Chapter 5

2 1 0
                                    

'I said i missed you'





'I missed you





'Missed you






'You'






Hayyy grabe! Di ako makatulog ng maayos dahil sa letseng i miss you na yan. Mag aalas tres na ng madaling araw di pa rin ako dinadalaw ng antok.



Naisipan kong itext ang mga galunggong kong kaibigan.



Mga kurikong! Di ako makatulog. Kwentuhan niyo nga ako!

Send to all ✔




Di na ako nag eexpect ng reply mula sa tatlo. Dahil alam kong masarap pa sa masarap ang tulog nila. Palagay ko nga ay tumutulo na ang laway ni bakla sa mga oras na ito. Pero ako heto't nanglalalim na ang eyebags ko. Hindi ko pa rin makuha kuha ang pesteng tulog ko.


Isa pa pala yung gitara ko, imbis na mag gitara ako ngayon habang hindi makatulog, naiwan ko pa sa malaking bahay. Ano ng gagawin ko ngayon? Tengga ang utak ko mamaya panigurado. Sarap manapak ng ipis ngayon pati na rin mga butiki.



Lumipas ang dalawang oras na di parin ako inaantok. Jusmiyo santibanez! Alas singko na ng umaga hindi pa nawawala ang sumpa. Lumabas na lang ako ng lungga ko. Naabutan ko si kuya na nagtitimpla ng kape, at si ate ay nagluluto ng agahan ni kuya at babaunin para sa trabaho niya.




"Good morning Sunny. Aga mo ata nagising? Anong meron? tsaka teka lang, kakagising mo lang ba talaga o wala ka pang tulog?" tila sinisipat ni kuya ang hitsura ko.


"Naku kuya, wag mo nalang akong pansinin. Mamaya din ay mawawala itong itim sa ilalim ng mga mata ko." napatango nalang si kuya. "Kape oh, para naman buhay ang diwa mo." inabutan ako ng kape ni kuya, at nagpasalamat. Kumuha na rin ako ng pandesal ni mang juan.




Pagkatapos kong kumain at mag ayos ay kinuha ko muna yung bisikleta ko at saka maglibot libot kung saan saan. Di makatulog eh, daig ko pa nakahigh.




Balak kong puntahan si Chanelle, maaga din gumising yun. Morning person kasi siya kahit hindi halata. Lalagpasan lang ng konti ang bahay nila Sir Raniel tapos ayun na. Mabuti nalang at madaling araw pa naman, kaya kampanteng kampante akong hindi sila maaga gumising.






Ngunit mali ata ako ng inisip. Kahit malayo pa ako ay tanaw ko ang dalawang pigura ng babae na nakasoot ng pang jogging attire. Wow ah. Di ko expect na morning person din pala ang dalawang ito. Kaya pala ang gaganda ng katawan. Iling iling!




Huminto muna ako saglit sa di kalayuan. Naku! mukhang dito pa ata ang gusto nilang daan para mag jogging. Patay! Ano ba naman 'tong araw na 'to. Mukhang mamalasin pa ata ako. Naisipan kong magtago dito sa may puno ng accacia. Sigurado akong hindi nila ako makikita dito. Daig ko pa nakikipaglaro ng Hide and Seek.




Habang hinihintay silang lagpasan ang puno ng accacia, ay saka na ako sumibat papalayo sa kanila.


Lord thank you po! Pasasalamat ko sa taas. At salamat dahil meron akong bisikleta.



Pagkadating ko sa bahay nila Chanelle, naabutan kong gising si Tito Eric na nagpapainit ng tubig.


"Magandang umaga po Tito. Gising na po ba si Chanchan?" bati ko kay tito.



"Good morning din Sunny, halika at pumasok ka muna saglit. Mag almusal ka na din dito. Tagal ka na namin hindi nakikita."


"Hindi na po tito, kakatapos ko lang po sa bahay. Namiss ko po kayo nila Tita."



Your Forever SunUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum