Sinuntok ko ang isa mga tauhan niya ng lumapit ito sa akin. At saka sinipa sa sikmura yung nasa likuran ko. May lalapit pa sana sa akin ng biglang dumating si Sandoval para siya ang pumigil sa mga ito.

" Ako ng bahala sa kanila. " sabi nito sa akin.

Tumango lang ako sa kanya. At humarap sa Mayor namin na namumula na sa galit.

" Alam mong hindi totoo yang sinasabi mo, KC... Ni wala ka man lang pinakitang ebidensya. " sabi nito sa akin.

Ngumisi ako sa kanya, at kinuha yung maliit na remote control na nasa bulsa ko saka pinindot yung maliit na button na nandon.. dahilan para lumabas sa screen yung nakuha naming ebidensya. Yung mga drugs na nakatago sa bahay nila, yung maraming pera na nasa kwarto niya. At yung pagkuha namin ng litrato sa kanya sa pag-uusap nila ng kinukuhanan niya ng droga at ang pag-abot nito. Lahat ng yun ay meron kami... Pati yung mga illegal na ginagawa niya sa labas ng bayan namin.

" Gusto mo ng ebidensya diba? Ayan! Pinakita kuna sayo.. at para malaman ng lahat ng tao dito ang baho mo. " sabi ko sa kanya.

Nanatili akong nakatayo sa kinatayayuan ko ng kunin niya yung baril niya na nakatago sa likuran niya.

" Ang bata mo pa pero marami ka ng nalalaman. Sino kaba sa palagay mo ha? " galit nitong sabi sa akin.

" Ako lang naman ang nagmamay ari ng bayang ito. " nakangising sabi ko saka siya sinugod.

Hinuli ko yung kamay niyang may hawak na baril. At inikot yun papunta sa likuran niya, dahilan para sumigaw siya sa sakit. Pilit kung kinukuha sa kanya yung baril na hawak niya. At mukhang wala talaga soyang balak na ibigay yun sa akin. Kaya mas lalo ko pang diniinan ang pagkakahawak ko sa kanya dahilan para lumuwag ang pagkakapit niya dito... Nang makuha ko yung baril, malakas ko siyang tinulak para mapaupo siya sa sahig.

Tinutok ko naman sa kanya yung baril na nakuha ko at masama ko siyang tiningnan.

" Dito na natatapos ang termino mo bilang mayor namin. Kaya sumuko kana. " malamig kung sabi sa kanya.

Binaril ko sa ulo ang isang taong nasa may gilulid ko ng balak sana nitong barilin ako.

" Huwag munang subukan pang lumaban, EX Mayor. Dahil kaya kitang patayin sa harap nilang lahat... Alam mong mabait akong tao.. at alam mo din kung paano ako magalit diba? Kaya kung ako sayo.. huwag kang maglaban pa. " malamig at seryuso kung sabi sa kanya.

Nakita ko yung pamumutla sa mukha niya. At ng hindi siya nagsalita, lumapit sa kanya sina Nuel at Sam para posasan siya. Para dalhin sa police station. Ako naman ay humarap sa mga taong biglang tumahimik dahil sa nasaksihan nila ngayong gabi.

" Kung sino man sa inyo ang gumagamit ng droga ngayon! Mas mabuti pang humarap na kayo sa akin mismo... Kung ayaw niyong ako mismo ang hahanap sa inyo.. at kapag nahanap ko kayo? Pahihirapan ko kayo ng husto. " sabi ko sa kanilang.

Napangisi ako ng magsilabasan silang lahat at pumunta sa harapan ko... Parang biglang kumulo ang dugo ko ng makita kung gaano sila karami lahat.

" Tang*na niyo! Halos lahat pala ng lalake dito, gumagamit ng droga? Anong nakukuha niyo sa pagamit ha! Diba wala? Mga tarantado kayo! Gusto niyong tahiin ko yang mga bibig niyo at ilong para hindi na kayo makagamit? " galit na sabi ko sa kanila.

May isang lumapit sa akin at nagmamakaawa pa.

" KC, patawarin muna kami. Nadala lang naman kami sa tukso kaya kami nakagamit. "  sabi nito sa akin.

" Oo nga, KC. Patawarin muna kami... A-ano bang dapat naming gawin para mapatawad mo kami. " sabi naman nong isa.

" Ang lupit ng girlfriend mo, Zeke. Kahit mga lalake.. natatakot sa kanya. "

Tiningnan ko ng masama si Hanz na marinig ko ang sinabi niya. Ang ingay kasi ng gago.

" Gusto niyong patawarin ko kayo? Pwes! Linisin niyo ang buong bayan natin.. kapalit ng mga kasalanan niyo. " galit kung sabi, at umalis na doon sa stage.

Sumunod naman sa akin sina Sandoval, saka ako nito inakbayan.

" Your amazing, Babe. " sabi nito sa akin, at naramdaman ko yung paghalik niya sa gilid ng ulo ko, dahilan para mapangiti ako.

Agad din naman akong napatigil sa paglalakad.. dahilan para tumigil din siya.

" Why did you stop? May nakalimutan kaba? " tanong nito sa akin.

" You know what. Parang gusto kung manggulpi ngayon. " seryuso kung sabi at tumingin kay Hanz.

Pansin ko naman yung sunod-sunod na paglunok niya.

" H-huwag ka namang g-ganyan, K-KC. Nagbibiro lang naman ako kanina. " kinakabahan nitong sabi.

Ang lakas ng loob ng sumingit sa akin kanina. Tapos ngayon, parang maiihi na ito sa takot.

Humikab ako kunwari, saka tumalikod.

" Gusto ko ng magpahinga. " sabi ko.

Napangiti pa ako ng marinig ko yung pagbuntong hininga ni Hanz at ang pagtawa nina Oscar at Geo.

" Silly girl. " rinig kung sabi ni Sandoval.

Sinandal ko yung ulo ko sa dibdib niya habang nakaakbay siya sa akin at naglalakad kaming dalawa.

Ang Probinsyanang PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon