"Ano bang sinasabi mo?! Wag mong iwala ang topic!"

"I'm not changing the topic Reign. Part padin to ng pinag-usapan natin, bakit parang ilag kanaman?" Nasasaktan ako sa sinabi niya. Does this mean, wala siyang tiwala sa akin? Bakit parang baliktad? Siya itong andaming ginagawang kababalaghan, na wala manlang akong kaalam alam!

"Hindi iyon yun!" Inis na sigaw ko sa kanya.

"Let's be honest here Reign. Pinapasundan kita lagi sa isa sa mga tauhan ko. Wag mong sabihing nagsisinungaling siya at mali ang mga impormasyong binibigay sa akin?" Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

W..what the hell?!

"A..ano?" Natahimik siya sa naging tanong ko. Parang nagulat pa siya dahil sa sinabi niya. Napailing ako at napasapo sa noo ko.

Shit!

"All this time... Palagi mo na pala akong pinapasundan? Kailan pa?! Bakit?!" Umiwas lang siya nang tingin,  kaya lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam p..pero-- parang may mali eh!

"Bakit Seven? Kailan pahuh?!" Inis na napasuklay siya sa buhok niya at tumingin sa akin ng walang emosyon.

"Matagal na Reign." Napakunot noo ako.

"Hindi ko maintindihan." Umiling ako, at naiiyak na tumingin sa kanya.

"Paki explain naman oh." Nagsusumamong sabi ko sa kanya. Pero hindi siya umimik. Hinintay ko siyang magsalita, pero ni isang salita ay wala nang lumabas sa bibig niya. Tumayo ako kaya napatingin siya sa akin.

"S..saan ka pupunta?" Hindi ko siya sinagot. Dire deretso lang akong lumabas sa condo niya pero, bago ko pa mapihit ang seradura ko ay napigilan na niya ang siko ko.

"Dito kalang." Inis na tumingin ako sa kanya at pabalibag na binitawan ang kamay niya.

"Ano ba?! Alam mo? Pagod na pagod na akong umintindi Seven eh! Nalilito na ako! Hindi ko alam kung anong papaniwalaan ko. Bakit hindi mopa pwedeng sabihin? Bakit hindi mo iexplain?! Maiintindihan ko naman Seven eh! Maiintindihan ko!"

Tuluyan nang bumuhos ang pinigilan kong luha. Lumambot ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"R.. reign--" Akmang hahawakan niya ako sa mukha, pero umiwas ako nang tingin.

"No-- hayaan mo muna ako please."

"But--" Umiling ako, at dere deretsong pumasok sa unit ko ng hindi ko siya tinitignan.

Pagkalock ko sa pinto, ay napaupo agad ako at sumandal sa likod ng pintuan ko. Doon lang naglabasan lahat ng luhang pinipigilan kong bumuhos kanina.

Hindi ko alam pero-- nagdududa na ako kay Seven. Parang may mali eh. Hindi ko alam kung ano to, pero sana naman hindi ito ang dahilan para tuluyan nang mawala ang tiwala ko sakanya.

Naalala ko tuloy dati, noon una ko siyang nakilala at gusto niya akong maging kaibigan, ay sinabi ko sa kanyang kunin niya ang trust ko.  Dahil yun ang importante sa akin, ang tiwala.

Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko, at dahan dahang tumayo.

"Magrereview pa ako."

Right! Hindi ko alam kung may papasok ba sa utak ko ngayon.

---

"Dismissed." Saktong nag ring ang alarm ng sabihin iyan ni Proff Dexter, kaya nagsitayuan na lahat maliban sa akin. Inaayos ko pa kase ang mga libro ko.

Nagulat ako nang mag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko, kaya tinignan ko agad ang caller.

*Unknown*

Kunot noo ko itong sinagot, kahit hindi ko kilala ang caller. Baka kase important or emergency eh.

"H..hello?" Rinig ko ang mahinang pagtawa ng baritonong boses sa sa kabilang linya.

"Miss Sue? It's me Mr Chi."

Kumalabog nang malakas ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero, matagal ko naman ng hindi naririnig ang boses niya at ganito parin epekto niya sa akin.

"Hello? Are you still there Reign?" Napapikit ako nang mariin at huminga ng malalim.

"Y..yes Sir. Bakit po?" Napangiwi ako sa tanong ko. Yun na yun? Parang nakakawala ng galang.

"Can we meet? I mean let's talk, and I want it now. Are you free?" Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko sa tanong niya. Gaaa'why I can't relax?

"S..sige po." I heard him chuckled on the other line. I can't say no-- to him. Nakakahiya yun. And besides-- hindi naman ako busy.

"Alright then. See you here at Lacxx Restaurant."

Hindi na ako nakasagot pa ng putulin na niya ang linya. Humugot nalang ako ng isang malalim na buntong hininga at pinulot ang bag ko, para makaalis na. Nakakahiya kung paghihintayin ko siya doon.

Napatigil ako ng maalala ko yung sinabi ko ni Seven noon. Na i shouldn't trust Mr. Chi. Mukha kase silang may alitan. Pero isinawalang bahala ko nalang ito. Speaking of Seven-- hindi pa kami nagkakausap. Maaga akong pumasok kanina, para di kami magkasalubungan. Hindi ko din naman siya nakita sa Campus buong araw.

Pag ka stop ng taxi, ay nagbayad agad ako atsaka lumabas. Tiningala ko ang eleganteng Restaurant na nasa harap ko. Bago tinignan ang sarili ko.

"Hindi bagay." Iling kong wika. Pero wala akong magagawa dahil nandito ang kakausapin ko. Pumasok agad ako at ng sinabi ko ang pangalan ko sa nagbabantay sa loob, ay iginiya niya ako sa isang private reservation. Itinuro niya ang lamesa sa akin kung saan may dalawa nang taong nakaupo doon. Nakilala ko si Mr. Chi pero hindi ang babaeng kasama niya.

Lumapit ako sa kanila, at bahagya pang nagulat ang babae pagka kita niya sa akin.

"Miss Reign Sue. Come here. This is Attorney Hyacinth Sibin. Attorney this is Sue." Ngumiti ako sa kanilang dalawa bago umupo sa harap nila.

Biglang sumeryoso ang mukha nung attorney at inayos pa ang salamin niya sa mukha. Ang ganda niya. Mukha ngalang strict.

Napatingin ako kay Mr. Chi at nakikitaan ng pagka bahala ang mukha niya. Tumikhim ang attorney kaya napadako nanaman ang attention ko sa kanya.

"So.. you're the Victim?" Nanlalaki ang mga mata ko.

W..what the hell?!! A..ano daw?

"Don't worry andito na lahat ng kailangan niyong evidence na magpapatunay na you, Reign Sue is the long lost daughter of Mr. Reeight Chi. Now, let's talk about the filling of illegal kidnapping, and threatening to Mr. Severn Holt."

My hear beat stop. No--

••••••••••••
••••••••

adorableG

Doormate BuddiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora