SPECIAL PART TWO

2.6K 53 44
                                    

SOPHIE POV

sino ka ? bakit nandito ka sa loob ng kwarto ko ?? tanong ko sa di ko nakikilalang matandang lalaki na nasa loob ngayon ng kwarto ko  .

ngumiti ito at kahit kulubot na ang balat nito sa mukha ay kakikitaan pa din ng pagiging magandang lalaki marahil nito noong kabataan nito .. at halos wala itong mata dahil sa pagngiti nito ..

lumapit ito sa akin at akmang lalayo ako kahit na medyo hirap na ding maglakad kagaya nito ay inagapan nito ang aking paglayo . umupo ito sa kama at binitawan ang tungkod nito sa gilid ..

honey .. si zander ito .. your husband remember .. nakangiti nitong sabi

natigilan naman ako .. pamilyar ang name na iyon .. tama ! naalala ko na ..

paano kang magiging si zander e matanda ka na .. bata pa ang asawa ko at sobrang gwapo at matikas .. ikaw hirap ka na ngang maglakad    sagot ko naman sa naguguluhang tono ..

tumawa naman ito at inalalayan akong mahiga sa braso nito ...

parehas kaming napatingin sa kisame .

gwapo pa din naman ako hon a. at matikas padin .  naalala mo ba noon .. nangako ako sa iyo na kahit kumulubot man ang balat natin at kapwa di makilala ang isat isa ... mamahalin kita .. mamahalin pa rin kita .. kaso ang daya mo .. sa sobrang mahal kita di kita nakalimutan .. ikaw lang ang nakalimot sakin . dinig ko ang kunwaring pagtatampo nito ..

biglang kumabog ang dibdib ko .. noong pumikit ako .. boses ni zander ang naririnig ko .. naramdaman ko ang yakap nito ..

hindi kita iiwan honey .. kahit na sa kabilang mundo ... mamahalin at sasamahan padin kita .. di na ako papayag na mag isa ka pa .. mananatili lamang ako sa tabi mo hanggang sa huli .. hanggang sa huli nating hininga .. mamahalin kita .. i love you honey .. matulog na tayo .. dinig ko pang huli nitong sinabi bago tuluyan ng pumikit ang aking mga mata ...



--------------------------

ZAN-ZAN POV

panay lamang ang iyak namin ng wala na kaming marinig na boses sa labas ng pinto ng kwarto .. doon namin hinihintay ang mga ito .. may sakit na si mommy at nagkaroon din sya ng aneurysm .. di nya na kami naaalala nina zy-zy at maging si daddy ..

si daddy naman ay walang sakit subalit mahina na din ang katawan nito at nais nitong sabay silang humimlay ni mommy kaya naman uminom ito na ginagamit upang gumawa ng mercy killing para di na ito mahirapan ..

ayaw iwan ni daddy si mommy dahil natatakot daw ito na mag isa na naman si mommy ..

hindi ko magawang buksan ang pinto .. nanginginig ang aking kamay .. gaya ni zy-zy ay napa upo lamang kami sa labas ng pinto kaya naman ang asawa ko na lamang at mga anak at bilas at anak din ng mga ito ang nagbukas ng pinto ..

at mula sa kinauupuan namin na labas kita ko ang payapa at animoy natutulog lamang na sina mommy at daddy .. si mommy ay nakaunan pa sa braso ni daddy na palaging ginagawa noon ni daddy ..

gusto kasi ni daddy na sa kwartong ito kung saan una silang nagkatabi ni mommy noong unang araw nilang mag asawa sila huling matutulog ng may buhay ..

sa totoo lang humahanga ako sa labis na pagmamahalan nilang dalawa ..

pero sobra paring sakit ..  ang mawalan ng magulang .. sa kanila ako natuto sa buhay .. sa mga payo ni mommy .. at sa buong pagmamahal ni daddy .. sila ang kumempleto ng buong si zan-zan at buong si zy-zy ..

"SOPHIE" SOFIA KIEV FUENTEBELLAWhere stories live. Discover now