PART SEVENTEEN

1.6K 22 1
                                    

SEVEN YEARS AFTER

SOFIA POV

mommy ..  si zyline kiev o inaagaw na naman ang ipod ko kitang naglalaro ako meron naman sya kanya e .. nakangusong sumbong ni zander kiev sa akin ..

napangiti naman ako sa simpleng gesture na iyon ng aking anak .

e kasi naman mommy si zander ayaw i download sa ipod ko yung mobile legend e .. para namang naiiyak na sabi ni zyline ..

hayy .. ang mga kambal ko .. minsan iniisip ko lahat yata ng ugali sa papa nila nakuha e ..  anak ko ba talaga itong mga ito .. lihim na natatawa kong isip ..

pano ko ida download sayo e di ka naman marunong . yung alam mo lang laruin puro make up make up .. hirit naman ni zander

e gusto ko nga parehas tayo ng nilalaro e . gusto mo laruin mo na din yun make up .. umiiyak na .. na sagot ni zyline

lalapit na sana ako ng biglang lumapit si zander kay zyline ..

niyakap nito ang kakambal nito tsaka hinimas ng maliit nitong kamay ang buhok ng kapatid .

sorry na zy .. sige ida download na kita ganyang laro wag na ikaw umiyak please .. parang naluluha nadin na sabi ni zander sa kapatid .

p-pro .. m-mise ? .. humihikbi pa nitong paniniguro sa kapatid ..

promise .nakangiti nang sabi ni zan sa kapatid ..

at agad nitong kinuha ang ipod ng kapatid at nag download tapos binigay sa kapatid .

ibinalik naman ni zy ang ipod ng kapatid at magkatabing naglaro na ang dalawa sa upuan ..

napangiti ako .. isa lang ang nasisiguro ko sa sarili ko di man kami naging ganito kalambing at ka close ng ama ng mga ito alam ko namang naging ganito ang trato ng mag kapatid na zander na ama ng mga ito at si zyline ang yumao nitong mga itong tita ..

bigla na namang nakaramdam ng kirot ang aking puso ng maalala ko ang ama ng mga ito ..

ang sakit na naidulot nito sa buong pagkatao ko .. di ko malimutan lahat kahit pitong taon na ang nakalipas ..

at ngayong pauwi na kami ngayon sa pilipinas muling nagbabalik sakin lahat ng ala ala ng kahapon .. isang bangungot na kailanman ay di ko magawang makalimutan . dahil sa pangyayaring iyon di ko magawang makatulog noon palagi kong naaalala lahat .. lahat ng sakit .. lahat ng hirap na hinarap ko ng tanggapin ko ito ng buong buo sa puso ko at sa buhay ko ..

kahit dumaan ako sa mahabang therapy at sa ibat ibang psychiatrist di ko parin makalimutan ang lahat ..

ang sama ng loob .. galit at poot na lamang ang natitira sa puso ko ..

di ko alam kung kaya ko pa syang patawarin sa lahat lahat ..

dahil sa proceedure ng pag gagamot sa akin physically and mentally nawalan ako ng kakayahang alagaan ang kambal ko kaya naman isang taon na ang mga ito ng mahawakan ko .. di ko nakita ang unang pagtayo ng mga ito .. di ko narinig ang unang iyak ng mga ito maging kung paano matulog ang mga ito noong sanggol pa ang mga ito .. di ko nagawang bantayan ang unang pag gapang ng mga ito ..

maging ang unang salita na kaya na ng mga itong banggitin hindi ko narinig . napakasakit .. sa sobrang sakit isipin pati puso ko ay naninikip na ..

kung hindi nga lang ko kailangang asikasuhin ang negosyo ni mommy dito sa pilipinas hindi ako uuwi . pero dahil ako na ang bagong CEO at naging tagapagmana nito sa lahat ng ari arian nito kinailangan ko na umuwi .

at isa pa namimiss ko na din ang aking nagiisang best friend si mica .

kumusta na kaya sya ?

sana ay maayos lang sya .. wala na akong balita sa kanila dahil kinailangan kong lumayo sa kanila upang walang makatunton sa aking pinagtataguan .. natatakot kase ako na mahanap ako ni zander ..

si ken lamang ang aking naisama dahil ito ang nagligtas at naglayo sa akin sa lugar na iyon ..

si ken lamang ang aking nagiisang pinagkakatiwalaan higit sa lahat .. syempre kasama na ang pamilya nito at higit si mica .

kaya alam ko na namimiss na din ni ken ang pamilya nito dahit sa tagal ng panahon na din nitong di nakikita ang mga ito ..

at .. higit .. sa lahat namimiss ko na din si mommy at daddy .. kumusta na kaya sila ..

di ko namalayan ang pagpatak ng aking luha habang nakatingin sa bintana ..

umiiyak kana naman ? buong pagaalala na tanong ni ken na nakalapit na pala sa amin ng mga bata ..

pinunasan ko agad ang aking mga mata gamit ang aking daliri .

nagbanyo kase ito ..

H-HA .. a .. hindi .. napuw---- . di ko na natuloy ang sasabihim ko dahil dinugtungan na ito ni ken .

napuwing ka ? ano ba yang mga dumi na yan at masyadomg paboritong pasukin ang mga mata mo . seryoso ang mukhang sabi ni ken at umupo sa tabi ko .

di naman ako nakasagot . buti na lang naka headset ang mga bata kung hindi malamang na nag alala na naman ang mga ito .

malaki ang pasasalamat ko kay kenneth dahil bukod sa ito ang naglayo sa akin sa poder ni zander ito din ang tumayong ina at ama ng aking mga anak noong panahong di ko kayang alagaan ang mga ito syempre kasama na din ang mga nanny ng mga bata ..

sophie . pwede bang pilitin mo na kalimutan na lahat ng mapapait na ala ala na dinanas mo alang alang sa mga anak mo . deserve mong maging masaya . bakit hindi ka makipag date sa iba . madaming nanliligaw sayo sa U.S si marco kahit na malayo sa atin palagi kang kinakamusta .. binibisita kapa nga nya twice a year ..  bakit di mo sya bigyan ng chance .. hanggang ngayon mahal na mahal kapa rin nya kahit may kambal kana .. naalala ko pa na sinabi nya sayo na willing sya maging ama ng mga anak mo kung pagbibigyan mo lamang sya .. mahabang paliwanag ni ken na kababakasan ng matinding pagaalala para sa kanya ..

totoo yun .. isa si marco sa tumulong sa akin noon upang maitakas ako ni ken . nilandi nito si carla upang mawalan ng bantay sa akin .

lahat ginawa nito para sa akin . kahit nang manganak ako pinuntahan din ako nito . di nga lang ito makapagtagal dahil ito ang nagmamanage nang family business nila kaya naman twice a year lang ito kung bumisita ..

at everytime na bumibisita ito lagi ako nitong inaalok na pakasalan ko sya para may kilalaning ama ang mga anak nya pero di ko maaatim na gamitin ito kaya naman di ko matanggap ang offer nito ..

napakabuting tao ni marco kaya naman alam ko na di ako ang deserve nya ..

at isa pa alam ko kung gaano sya kamahal ng bestfriend  ko . kung di nga lang din siguro kay mica baka sinubukan ko na itong mahalin . baka naman matutunan ko din itong mahalin dahil napakabuti nitong tao at alam kong hindi ito mahirap mahalin .

dahil ba sa kapatid ko kaya ayaw mong bigyan ng pagkakataon si marco ? animoy nabasa ni ken ang isip ko sa tanong nito .

ngumiti ako ..

hindi dahil dun . sa ngayon gusto ko na lahat ng atensyon ko sa mga anak ko muna . sila ang kaligayahan ko .. ubod tamis na ngiti na sabi ko sabay sulyap sa aking kambal na tahimik na naglalaro pa din ..

"SOPHIE" SOFIA KIEV FUENTEBELLAWhere stories live. Discover now