I can't promise Ina.

Di ko maipapangakong mabubuhay pa ko. Dahil matagal ko ng tinanggap ako ang tadhana ko bilang nakasaad sa propesiya.

Narinig ko ang tilian ng mga estudyante sa labas. Tsk lakas talaga ng karisma ng pamilya namin..

"Magandang araw Ainaians. Ngayon tayo ay nasa isang gabi ng pagdidiriwang..Bilang nagmamay-ari ng Academy gusto kong magpakasaya lang kayo at iwaksi ang mga pag-aalinlangan at kutob na nararamdaman niyo. Dahil ang nais ko ay mag-enjoy kayo." rinig kong pahayag ni Ina.

At dahil dun ay di ko na napigilang maiyak..malapit na mangyayari na at magsisimula na..

"At dahil narito na rin ako. Nais kong ipakilala sa inyo ang panganay kong anak. Batid kong kayo ay pamilyar na sakanya..At marami na kayong kuro-kuro tungkol sakanya sa tunay niyang pagkatao. At ngayon ay tamang panahon para maliwanagan kayo." sabi ni Ina. Sobrang tahimik ng bulwagan wala ako kahit anong naririnig na ingay. Tsk nakalimutan na ata nilang huminga. "Di ko na papatagalin pa. I'm proudly present to all of you ang panganay kong anak. Sandiwa Jewel na mas kilala sa tawag na Criszette." rinig kong dagdag ni Ina.

Kaya taas noo akong tumayo at chineck ang armor na natatakluban ng gown kung halata ba ito. At ng makuntento ay nagpasya na kong maglakad papuntang stage.

At sa paglabas ko ng backstage papuntang stage..

Ay isang napakatahimik na paligid ang nadatnan ko at ng makarecover ang mga tao ay tsaka sila nagpalakpakan..

Lumapit ako kay Ina at inabot niya sakin ang mic at tsaka umupo sa tabi  ni Jenica. Btw wala na sila Gabby at Cheena dito. Katabi na nila sila Kuya at Stacey sa table nito..

Bale kami lang nila Ina at Jenica ang naiwan dito..

Kailangan ko ba talagang magsalita.

Ng hawak ko na ang mic. Tsaka ako napatingin sa mga kasama ko. At tsaka pinagmasdan si Keiron..

Kaya lahat ng tao ay napalingon sa tinitingnan ko..

Tinitigan ko siya sa mga mata niya.

Ang mga matang puno ng sakit.
Ang mga matang puno ng lungkot.

Kasalanan ko ito eh.

Tsaka ko pinagmasdan ang kabuuan niya at tsaka ko lang napagtanto ang kakaibang awra niya na parang di siya ang nakilala kong Keiron..

Sino may gawa sayo nito?

Ang tagal ko bago ko naisipang magsalita.

"Sa gabing ito. Puno ng kasiyahan ang magaganap. Sa gabing ito mga pusong nasasaktan ay magagamot. Sa gabing ito ang lahat ng bagay ay magkakaroon ng kaliwanagan.. Pag-iibigan na bawal ay hahantong na sa kanyang wakas. Ako si Sandiwa Jewel na ngayon ay namamaalam na." saad ko.

Kaya napasinghap silang lahat. At halos manlaki na ang mga mata ng mga kabarkada ko ng marinig ang mga huling katagang sinambit ko..

"Paghihirap niyo ay akin ng wawakasan." maikling dagdag ko at pinakaramdaman ang paligid. At nararamdaman kong nasa harap na sila ng gate..

Kaya lumapit ako sa emcee na si Catana pala at bumulong rito.

"Ipagpatuloy na ang kasiyahan at lakasan niyo ang sound system para di nila marinig ang mga putukan at ingay na magmumula sa labas." bulong ko sakanya.

Kaya halos magulat siya sa sinabi ko at puno ng pagtataka ang mukha niya.

"Sumunod ka nalang and please wala kayong palalabasin ng venue." dagdag ko pa agad naman siyang tumango sakin kaya inabot ko sakanya ang mic. Tsaka siya naglakad papunta sa harap upang iaannounce ang bilin ko sakanya na ipagpatuloy na ang kasiyahan. Umupo ako sa tabi ni Jenica upang di mahalata ng mga estudyante ang aking pinaplanong pag-alis upang harangin ang mga Zaynadarks..

Inintay ko muna na magpatugtog ng malakas at magkumpulan ang mga estudyante upang sumayaw sa gitna at inintay ko din muna na makisali sa gulo ang mga kabarkada ko. Di naman ako natagalan sa paghihintay dahil ginawa na nila ito..

Kaya agad akong tumayo at sinenyasan si Jenica na sumunod na.

Bago kami tuluyang umalis niyakap muna namin si Ina at ngumiti sakanya.

"Mag-iingat kayo." saad niya samin.

Kaya tumango kami ni Jenica bilang sagot.

Tsaka kami tuluyang naglakad palabas ng stage..pero bago ako tuluyang umalis nilingon at hinanap ng paningin ko muna si Kuya at nakita ko siyang kasayaw si Gabby..

'Sorry kuya, if di na ko magpapaalam sayo sorry!'

Kaya agad na akong tumalikod at tuluyang nilisan ang bulwagan at basta basta nalang hinubad ang gown at dinampot ang backpack na inihanda namin ni Jenica.

Now I'm wearing violet simple armor at may nakasabit na pana sa balikat ko habang ang dagger ay hawak ko.

Nakita ko na rin si Jenica na inihahanda ang sarili..

Ng matapos siya. Aalis na sana kami ng biglang sumulpot si Jarret at Kuya..

"Zette." tawag sakin ni Kuya.

"Jenica." usal naman ni Jarret.

"Umalis na kayo. Bumalik na kayo sa loob pakiusap." saad ni Jenica sakanila.

"Kuya pumasok na kayo. And kuya thankyouuu for everything." saad ko kay Kuya habang nakatingin sakanya..

Aangal pa sana si Kuya pero wala na silang nagawa dahil sumulpot si Ina at sinama sila sa paglaho. Si Ina na bahala sakanila. I guess! At tsaka kami naglakad ni Jenica papuntang gate.

Humanda ka sakin ni Israel katapusan mo na...

The Cold Princess of Ainabridge Academyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें