Simula

12.4K 198 19
                                    

Expected

"Mama, hindi naman kailangan na ipadala ako doon." Hinawakan ko ang kamay ni Mama.

Ang mukha nito ay masungit. Hawak niya ang kanyang phone sa kabilang kamay at ang isa ay hawak ko naman. Pareho kaming nakaupo sa loob ng aking silid.

Nitong nakaraang buwan ay may hinawakang kaso ang kanyang Papa. Ang alam niya ay murder ang kaso nito. The case was okay, ipapanalo ito ng kanyang ama. Being a known Lawyer her father is, hindi maiwasan ang pananakot ng kalaban.

It's midnight when a phone call wake them up. Mayroong unknown caller na nagbanta sa kanila. Sa takot ng kanyang Mama ay kaagad itong tumawag ng pulis. Ang sabi ni Papa ay nagbabanta itong papatayin silang buong pamilya. Sanay ang mga magulang niya sa mga death threat pero ang ikinakatakot nila ay ang kaligtasan niya.

"You'll be safe there, Euphie. Don't be stubborn and listen to me." Anito.

Ngumuso ako at binitawan na ang kanyang kamay. Hindi ko na napigilan ang inis.

"Ma! I don't like to go there! Ano iyon? Kakaibiganin ko yung mga baka at kalabaw doon?"

Halos manggalaiti ako sa iniisip. Ayokong pumunta sa probinsya! Paano ako mamumuhay doon! Paniguradong ang meron lamang doon ay iyong mga hayop na pangbukid! At isa pa, ang mga kaibigan ko ay narito!

"Mayroong paaralan doon, anak. Tsaka mabuti na rin iyon para may kasama ang Lolo mo." Si Mama.

Ngumiwi ako. Hindi ako sobrang malapit sa Lolo. Ang huling kita ko rito ay graduation ng elementary. Pano naman ako makikisama doon?

"Graduating naman na ako ng high school, Mama. Paano iyong last sem ko?"

Huminga ng malalim si Mama. Ang kunot sa kanyang noo ay lumalim. Pero kalaunan ay lumambot rin at tinitigan ako.

"Tatapusin mo ang last sem rito. Doon ka magkokolehiyo. May Kolehiyo naman doon." Saad ni Mama.

Halos hindi ako makatulog nang buong gabing iyon. Hindi ko maimagine na doon ako titira sa probinsya nila Mama. Noong pumunta kami doon noon ay halos mapuno ng putik ang dala kong mga mamahaling boots! At ang mga kaedarang bata ko doon ay hindi makakasabay sa akin.

"So, doon ka magco-college, Euphie?" Tanong ni Kero.

Nakaupo kami sa isang bilog na lamesa sa canteen. Ang tatlo kong kaibigan ay nakatingin sa akin at nakikiramay sa lungkot ko.

"Yes. I have no choice." Tamad kong sagot.

"Paano iyong boyfriend mong si Luis?" Tanong ni Thyra.

Tumango si Zara sa tanong ni Thyra. Sumimangot ako. Isa pa iyon, nawawalan na ako ng gana doon. Nang sabihan kong aalis ako ay nagalit at hindi maintindihan. Ngayon, nagdesisyon akong makipagbreak. The whole campus know me. Kilala ako dahil sa pagiging muse ko tuwing palaro. I won several crown in many events in the campus.

"Makikipagbreak ako mamayang uwian. Ayoko sa hindi makaintindi ng sitwasyon ko." I said harshly.

Nagtinginan si Zara at Kero. I raised my brow at them. Nagkibit balikat si Kero at inginuso ang aking likod. May itinuturo. Halos mapasinghap ako ng makita doon si Luis na nakatayo.
Paniguradong narinig nito ang aking sinabi.

Nagbuntong hininga ako. I guess, I need to do that now.

"You heard it right, Luis. Let's break." Walang pasubali kong saad.

Nangunot ang noo nito. Kita ko ang galit sa kanyang mata at pamumula ng mukha.

"Bitch." Saad nito. Galit na galit ito sa akin.

Rebellious Heart (Altagros Series #2)Where stories live. Discover now