2

7 0 0
                                    

-
After that talk with my lola, nag stay muna ako saglit bago, umuwi. Lutang akong naka upo sa sofa ng maabutan ni Mommy.

"Oh, anong sabi ng Daddy mo? Anyare sayo?" Nakapamewang na tanong sakin ni Mommy. I focus my vision on her.

"My...ikakasal na ata ko." Lutang kong saad kay mama. Naka tunganga lang siya sakin. Ewan ko pero parang pareho pa naming ina-absorb yung sinabi ko.

Nang makabangon sa Shooktness niya ay mabilis siyang tumabi sakin sa sofa.

"Bakit? Nag propose na ba sayo si Stan?! Tamang tama matatanda na kayo ehhh." Na e-excite na saad ni Mommy. Sinimangutan ko naman siya kaya naman ay nawala yung ngiti niya.

Hinila niya naman yung dulo ng buhok ko. "Ikaw nga'y mag sabi sakin, buntis ka ba?Sinong ama? Bakit ka ikakasal? May Himala ba???" Exaggerated niyang pang gigisa saakin. OA mommy ha. Kakaloka.

Hindi na sana ako magsasalita kaso sobrang kulit ni mama at sobrang matanong. Mana talaga ako sa kanya. Hmp!
Kaya naman ay kwinento ko sa kanya yung pinag usapan namin kanina sa kabilang bahay. Shock din si Mommy mga besh. Tapos, nagtatatalak na siya, kesyo bakit ako? Bakit daw parang ako yung walang choice. Napasinghap na lang ako kasi hindi ko siya mapigilan sa litanya niya.

Palakad-lakad naman siya sa harap ko, hindi mapakali. Hihinto tapos titingin sakin, tapos maglalakad ng pa balik-balik. Pinikit ko na lang yung mga mata ko. Ako kasi yung nahihilo sa ginagawa niya.

Bigla siyang tumabi sakin kaya naman ay napamulat ako.
She got this funny face na parang inosenteng batang nagtatanong ng "Gwapo ba? Japanese yun diba? Baka pangit kaya ipapakasal agad?!" Sunod-sunod niyang tanonh sakin.

"Hala kaaa baka may amoy yun beh, baka kapag mag jugjugan kayo eh hindi matuloy at mag give up ka kasi ambaho." Nanlalaki ang matang inirapan ko si Mommy at napa sabunot na lang ako sa buhok ko sa sobrang frustration na nararamdaman. Grabe Imagination na Mommy. Jusko pati bibig walang filter, Hmp!

"seriously ma?! Iyan talaga yung inaalala mo?!" Na fru-frustrate na tanong ko sa kanya. Kani-kanina lang ay parang dragon siya kung maka talak kung bakit ako tapos ngayon parang kino-consider na niyang magpakasal ako doon sa Japanese Guy na iyon.

"Eh bakit ba!? Wala ka namang jowa! Tapos ang tanda tanda mo na malapit ka na ngang lumagpas sa kalendaryo. Pustahan hindi ka pa nadidiligan. Masyado ka kasing pabebe. Nakuu ikaw talagang bata ka." Sumasakit yung ulo ko sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Mommy. Bakit parang gusto kong lagyan ng scotch tape yung bibig ni mommy ngayon. Akala ko pa naman, may matinong advice siya sakin. Weird mom. Psh.

I look at her with my Resting bitch Face. Inirapan niya naman ako.

"Ayannn! ayan! Iyang mukhang yan ang dahilan kaya imbes patuloy silang manligaw eh, hindi na lang. Tinatakot mo kasi tapos pinapakita mong hindi ka interesado." Kunot noo habang naka simangot ko siyang tiningnan. Ang Harsh ni Mommy sakin. Nakakainis. Sumeryoso naman yung mukha niya.

"Ito matinong advice nak. Hindi naman sa sumasang-ayon ako noh, pero parang ganun na nga. Matanda ka na, eh kung yung lola mo gusto ka nang makitang ikasal, ano pa kaya ako na mommy mo. Excited na nga akong magka jowa ka, kasal pa kaya diba? Why don't you try it. Hindi mo kasi malalaman kung hindi mo susubukan." Ay ano yun, parang titikim lang ng bubblegum tapos iluluwa at titikim lang din ng iba? Ganun ba?

"My naman, alam mong may Stan ako diba? Tsaka ano yun, ita-try ko para subukan lang, eh paano kung hindi ko kaya? Na hindi pala talaga dapat ako pumayag?" pagpapaliwanag ko sa kanya tungkol sa mga doubts ko.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Sep 01, 2021 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

TreasureOnde histórias criam vida. Descubra agora