14. bet against your own cousin

Magsimula sa umpisa
                                    

"Make lines gals, this place." Iminuwestra pa nito ang kamay sa kanan. "..Chad's wins." Sa kaliwa naman. "Chad's defeat."

Hindi alam ni Jelly ang gagawing desisyun. At isa pa. Why are they gonna bet?!

Naglakad siya sa kaliwa. "Chad's defeat" she honestly said. Narinig niyang nagtawanan ang mga kasama niya. Lima ang sumama sa kanya kasama ang President nila at siyam naman ang sa grupo ni Maddie.

"Okay, for me and the others, five thousand if Chad's School will lose.." si Calleen na pinagkiskisan pa ang mga palad.

"Deal."
"Deal"

Sagot ng lahat. After a few moment ay nagasikaso na sila. They're wearing a white fitted jeans with the white T-shirt that printed with their names and their School's name. Nakasulat din sa T-shirt ang mga katagang 'Paper's Geniuses Team'. Sobra kung magelaborate si Calleen madalas.

Nagkanya kanyang sakay sa mga kotse nila at magkakasunod na lumabas ng campus para pumunta sa gym kung saan gaganapin ang laro nila Chad.

Sa Beverly Hills School gaganapin ang laro. Kung sinu mang school ang mananalo sa laro ay ang lalaban para sa championship.

Kinakaban si Jelly habang nagda drive. Mabagal siyang magpatakbo pero dahil sa kabado siya ay mas lalong bumagal ang pagpapatakbo niya ng sasakyan.

Pagkatapos nilang magpark ay napatingin pa si Jelly sa mga sasakyan nilang sunud sunod. Halos sakupin nila ang pwesto ng parking lot. Habang naglalakad ang grupo ay may mga matang napapatingin sa kanila. Pagpasok nila sa covered court ay naghiwalay ang grupo na "Chad will win Team" at "Chad will be defeated team."

Napapailing pa si Jelly. Kawawang Chad.
Nkapwesto sila Maddie sa kabilang side ng court at sila naman ay nasa kabilang part. Nasa pangalwang row sila naka upo. At iyun pala ay naipareserve na ng president nila.

Nakita ni Jelly si Chad na nagta-tryout sa court. Napangiti si Jelly ng lumingon ito sa kanya at nag thumbs up pa.Napa-thumbs up din siya bilang sagot dito

Hindi alam ni Jelly kung sinu sinu ang players ng Dragon's School. Ang alam niya lang ay ang larong sasalihan nila Agon ay ang American Football.

Kinuha ni Jelly sa bag ang DSLR. Lahat sila ay may kanya kanyang dala na camera. Isa iyun sa mga dapat i-update tungkol sa Festival of Schools. Dapat ay trabaho iyun ni Bridget Salma ang kanilang president. Pero dahil nga persistent itong manuod kaya lahat sila kasama.

Inayus niya ang DSLR niya at sinabit sa leeg niya at kumuha ng ilang shots sa mga nagta-try out.

Maya maya ay nagdatingan na ang mga playerd ng Dragon's school. Mga nakasuot na rin ito ng basketball uniform. May nakaprint pang Dragon sa fron ng jersey shirt nito. Habang naglalakad ang mga players sa bench na nkaassign para dito.

Nagulat pa si Jelly ng mapansin niyang nakasunod sa paglalakad si Kaigu na may bitbit ding bag. At si Agon sa pinaka huli.

"Are they players too?" Naitanong ni Jelly na sinagut naman ng president nila. Katabi niya lang ito sa upuan.

"They played several games last year."

Napatango nalang siya sa sinagot nito.

Maguumpisa na ang laro kaya nakapila na sa gitna ng court ang first five. Si Kaigu lang ang kilala niyang players na nakatayu sa gitna.

"Oh my gosh oh my gosh" halatang kinikilig na hirit ni Trina sa katabi ni Calleen

Ang grupo nilang nasa "Chad will be defeated" ay lima lang. Si Jelly, Bridget, Calleen, Dezen at si Trina.

Sa grupo naman ng "Chad will win" ay pinangungunahan ni Maddie, Stacey, Cassey, Xandra, Beatrize, Alexa, Delight, Faye at Zoe.

Ayun sa nakikita ni Jelly ay nasa gitna narin ang referee at may hawak na bola. May dalwang magkaharap na alam niya ang magaagawan ng bola.

Shape of My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon