"Oo nga pala love. Pinapasabi ni Queen Victoria na doon na daw tayo maghapunan sa palasyo niyo isama na din daw natin sila lia. Siya daw mismo ang magluluto. Tanging ang pamilya ko at pamilya pati na din sila chloe ang nandoon sa hapunan na iyon. Gusto kasing ipagdiwang ni Queen Victoria ang pagdadalang tao mo at ang nalalapit na kasal natin ng tayo-tayo lang" sabi ni ash na kinatuwa naman nila chloe

BRENT'S POV

NANDITO ako ngayon sa library para matulog. Nakaupo sa isang mahabang table at nakaubob. Gusto kong mapag-isa at mag-isip-isip pero dahilan ko lang iyon. Ang totoo niyan ay iniiwasan ako ni lia at ayokong pahirapan pa siya sa kakaiwas kaya ako na lang mismo ang hindi nagpapakita ng sa ganoon ay hindi na siya mahirapan pa ng dahil sakin. Saka ayoko din siyang makita ngayon dahil panigurado kasama niya na naman si matino (sane). Matino ang nickname ko sa kanya dahil ayaw kong naririnig ang pangalan ng lalaking iyon. Naririnig o naiisip ko pa lang ang pangalan niya kumukulo na ang dugo ko. Kaya para hindi ako masyadong mainis ay iniiba ko na lang ang tawag ko sa kanya sa isip ko.

Maya-maya pa ay may umupo na sa tabi ko. Balak ko na sanang iangat ang ulo ko para paalisin sila dahil ang daldal nila hindi ako makatulog. Alam ko bawal ang maingay dito sa loob ng library ah.

"Uyy girl! Totoo ba iyong balita?"

"Ahh yung tungkol ba sa latest news ngayon sa loob ng campus bukod sa nalalapit na kasal nila Prince Zach at Raven?"

Meron pa bang ibang sikat na balita ngayon bukod sa nalalapit na kasal ni zach at raven?

"Princess Lia and Sane Chavez is already engaged!" tila kinikilig na sabi ng babae

Iyong antok na nararamdaman ko ay biglang nawala. Agad kong inangat ang ulo ko at bumaling sa kanila.

"Anong sinabi mo?" tanong ko sa kanila

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nila ng makita nila ako.

"Prince Brent!" gulat na sabi nila

"Answer me. What did you say?" walang ekspresyong tanong ko na kinaputla nila

"S-si P-princess Lia a-at Sane e-engage na" nauutal na sabi ng isa

Pakiramdam ko gusto kong manuntok at yung chavez na iyon ang gusto kong target. Gusto ko iyong tipong hindi na siya makikilala at hindi na siya makakakilos. Darn it!! Mas lalo namutla ang mukha ng dalawang babae ng makita nila na nagdilim ang aura ko.

"Si Lia at Sane engage na? Nagsasabi ba kayo ng totoo? Dahil kapag nalaman kong puro kasinungalingan lang iyang sinasabi niyo. Sisiguraduhin kong hindi na kayo makakapagsalita kahit kailan" nagbabantang sabi ko na mas lalo nilang kinaputla mukha na silang hihimatayin sa takot anumang oras

"Sigurado po kami Prince Brent. Mismong galing sa ina ni Princess Lia ang balita"

Damn! Damn it! Hindi ko alam pero parang gusto kong ipasalvage ang g*gong chavez na iyon! O di kaya ipapatapon ko siya sa malayong lugar doon sa lugar na hindi na siya makikita ni lia maski anino niya!

Mabilis na kumaripas ng takbo yung dalawang babae sa sobrang takot ng makitang sobrang dilim na ng aura ko.

Agad akong tumayo at lumabas ng library para hanapin si lia. Hindi naman ako nahirapan hanapin siya dahil sila ang hot topic ngayon kaya kahit saan naririnig ko ang nakakarinding balita tungkol sa engagement nila ng chavez na yun! Kahit saan naririnig ko ang pangalan ni lia at ng chavez na iyon na kesyo ang sweet daw nila habang kumakain sa cafeteria! Darn it!! Kesyo bagay daw silang dalawa. Bagay may ass! Di sila bagay noh! Mukhang prinsesa si lia si chavez mukhang pwet ng unggoy!

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now