"Bagay na bagay sa iyo iyan Jenica." nakangiting tugon ng Reyna Jasmine sa bunsong anak..

"Salamat ina!" natutuwang sagot ni Jenica tsaka nagtungo na sa banyo para isuot ito..

Si Criszette ay nakasuot ng paborito yang kulay ang Violet na may halong white at glitters upang ito'y maging makinang..

Samantalang si Cheena ay suot ang pula na may halong puti na gown na ipinasadya niya pa upang bumagay sakanya. At bilang pagrepresnta nito ng Zaynadarks.

Habang si Gabby ay nakangiting tinititigan ang sarili sa salamin dahil sa asul niyang gown na hinaluan ng kulay puti..

At iniisip niya kung ano magiging reaksyon ni Christian.

Samantala sa kabilang banda sina Mercedes at Keiron. Nahihiwagaan na si Mercedes sa kinikilos ni Keiron dahil alam niyang may mali kay Keiron may kung anong mahika ang nangyayari sakanya dahil na rin sa di nito makilala ang kapatid at sa pag-aakalang patay na ito..

"Kei?" tahimik na tanong ni Mercedes kay Keiron.

Kasalukuyan na silang nasa bulwagan dahil maya-maya lang ay magsisimula na ito..

"Uhmm." maikling tugon ni Keiron at nilingon siya ng nakangiti..

Ngiting alam niyang may mali.

"Sigurado kang patay na kapatid mo?" nag-aalangang tanong ni Mercedes.

"Anong klaseng tanong yan Cedes. Pero yes patay na siya she died because of that fucking Queen of Ainabridge." ang kaninang nakangiting mukha ni Keiron ay napalitan ng galit na galit na mukha..

Na lalong kinatakot at kinagulat ni Mercedes.

"May mali talaga sakanya."

Bulong ni Mercedes sakanyang isip.

Nasa ganun silang sitwasyon ng biglang..

"Magandang araw Ainaians. Yes! Opo ako pong muli ang inyong MC for tonight. My name is Catana at your service." jolly na pagsisimula ni Catana.

Naghiyawan ang mga estudyante.

"Bago tayo magsimula? Gusto ko muna kayo tanungin excited na ba kayo makita ang Sandiwa ng Ainabridge." masayang anunsyo niya.

Kaya nagtilian ang mga estudyante at ang ilan sa kanila ay napaisip.

"Siguro maganda siya."

"Gusto ko na sila makilala."

"Ohmyghad bumalik na ang mga Sandiwa."

"Sino kaya sila?"

Ilan lang yang sa mga bulungan ng mga estudyante sa bulwagan.

Habang ang magkakaibigan namin ay walang excitement na nararamdaman dahil na rin masama ang kutob nila sa maaaring mangyari mamaya. At dahil na rin ito sa nakita nilang bote. Na inihagis noon sa Gate..

Lahat sila tulala at di mapakali. Na parang wala sa event ang kanilang isip..

"Kinukutuban talaga ako sa mangyayari mamaya." ani Andrea.

"Ako din iba pakiramdam ko na parang ang bigat." ani ni Serena.

"Di kayo maniniwala pero pakiramdam ko dadanak ang dugo mamaya at marami na namang magbubuwis ng buhay." seryosong sabi ni Christian. "At isa na dun si Criszette." nakatulala na sabi ni Christian..

"Wag naman sana." kinakabahang sabat ni Coleen.

"Tiningnan niyo ba ang libro ng propesiya?" nakakunot noo na tanong ni Andrei.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now