Chapter 8 - Runaway.

Start from the beginning
                                    

Napaka-bilis ng panahon..

Sisimulan ko na bang makalimot?

Sisimulan ko na bang makawala sayo?

Hindi ka ba magagalit kung may ipapalit na ako sayo?

Ikaw pa rin naman eh, nandito ka pa rin naman.. buhay pa rin ang mga alaala ng nakaraan para saaken.

Pero..

Pwede na ba akong bumangon ulit? Sana.. sana kung nasan ka man, marinig mo ang lahat ng hiling at katanungan ko..

Biglang tumulo ang luhang kanina pa namumuo sa mata ko. Pinunasan ko ito at pinigilan ko na ang pag-tulo at pagbuo ng luha sa mata ko. Inilagay ko ang magkabilang kamay ko sa aking mga bulsa..

"..ikaw pa rin naman eh, may panget lang na biglang sumulpot sa buhay ko. Kailangan ko siya.. kailangan ko siyang protektahan para.. para hindi na ulit mangyare ang lahat."

*SIGH*

"..nagpapaalam ako sayo kase.. hindi malabo na.."

Hindi ko na natuloy pa ang sinasabi ko habang nakatingala sa kalangitan, pumasok na lamang ako sa driver seat. Excited na akong magamit ito ulit. Matagal na rin nangangalawang ang student license ko.

***

Napa-unat-unat ako, nakatulog pala ako, nakalimutan kong balikan si FLAT. Baka lalong naging flat yun dun. -__-

"PAP! PAP! MWAAAP!"

Napatingin ako sa bintana ng kotse ko, medyo malabo pa ng konti ang paningin ko dahil kakagising ko lang.

Sino ba 'to? Wala ba siyang salamin? -__-

"PAP! PAP! MWAAP!"

Nanlalabo pa rin ang mata ko, naniningkit-ningkit pa. Hindi ko mabukas ng maayos taee. Nakaka-antok yung panahon -_-

Tuloy pa rin ang babae sa pag-aayos ng lipstick niya sa harap ko este sa harap ng bintana ng kotse ko banda sa driver seat.

Bigla kong namukhaan yung babae! :O

Feel na feel niya talaga yung lipstick ha? Tsaka, lalo siya..

My Baby is a Gangster!Where stories live. Discover now