Chapter 1 - The Legend of the Lie

5.9K 144 19
                                    


#MBIAGTheLegendoftheLie



*BEEP BEEP!*


"Oh my God! Ang pogi nila! Tignan mo! Tignan mo!"


Patalon-talon at patili-tili si Kim habang pinangangalandakan sa mukha ko ang cellphone niyang punong-puno ng scandal.


"Oh tapos? Anong gagawin ko?" matamlay na sagot ko at nangalumbaba nalang na tinignan ang cellphone ko.



Hinihintay ko parin ang text niya. Bakit wala pa rin? Hindi 'ba na rereceive mga text 'ko o may diperensiya na 'tong cellphone ko? Nalaman na 'ba niya?


Nagulat nalang ako nang lumapit nang lumapit sa akin si Kim habang suot-suot ang nakaka-imbyerna niyang ngiti. Samantalang, ako naman paatras nang paatras. Para lang naman 'kaming timang sa ikina-uupuan namin.


"Hoy! Tigilan mo ko, ah! Baka gusto mong letchunin kita!"


Hinablot niya ang cellphone 'ko at bumulong sa akin, "Pag-nasaan mo ang mala-adonis nilang bisig. Sinisiguro ko sayo, pati pangalan mo malilimutan mo." bulong na parang nang-aakit.


Nakakakilabot!


"Kimitchinggg!!" humarurot siya ng takbo nang sumigaw na ako. Sa totoo lang kahiya-kahiya ang ginagawa naming eksena.


Nasa isang mall kami. Niyaya niya ako para masikatan naman daw ako ng araw pero ang totoo, magboboy-haunting daw siya! Not bad, kasi medyo wala namang akong ginagawa sa bahay. At para makapag-unwind na 'rin.


But at the same time, Bad! kasi may toyo ang kasama 'ko. Mabuti nalang at wala pang gaanong tao sa mall. 'Ke aga-aga naman kasi namin dito.



Kasing bilis talaga ng kuneho kung tumakbo ang babaeng yun. Kung sanang kasing lakas at bilis ko siya naabutan ko na siya kaso, mahina ako. Mahina ang resistensya ko sa katawan.


Umupo muna ako sa isang bench. Hindi ko na maramdaman ang lamig ng lugar kahit air-conditioner ang mall dahil sa pagtakbo ko kanina. Pinunasan ko ang pawis ko.


"Jenny! Hahaha! Sabi na nga 'ba mahina ka parin sa takbuhan eh," tuwang-tuwang pumunta sa kina-uupuan ko ang mataba este si Kim.


Sa totoo lang. Hindi naman siya mataba, chubby but sexy? May mga ganong tao naman di 'ba? Napansin ko nalang na marami siyang hakot-hakot na ticket. Nang-bola nanaman ata ng crew 'to.



Inilahad 'ko ang kamay 'ko, "Cellphone 'ko?" Langya 'to. Kung ano nanaman mga ilalagay niya sa cellphone ko.



'Yun na nga lang yung kaisa-isa kong maayos na gamit, lalagyan pa nang mga virus. Tulad nalang minsan, mukha na niya naging wallpaper 'ko. May itetext siya kung sinu-sino tapos sasabihin niyang makipag-textmate daw ako.

My Baby is a Gangster!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora